Forty-four

1.2K 18 0
                                    

NAGTUNGO si Clementine sa maliit na chapel sa may loob ng hospital compound. May pag-aalinlangan siyang pumasok sa loob. After a long time, iyon ang unang pagkakataon na nakaapak uli ang kaniyang mga paa sa loob ng isang simbahan. Pinili niya ang isang upuan malapit sa may altar. Doon ay tahimik siyang naupo habang nakamasid sa may altar.

There was a deafening silence around. Ang tanging maririnig lamang ay ang kaniyang mga piping hikbi. Pinagmasdan niya ang altar at ang krus na nasa gitna niyon hanggang sa unti-unting lumabo ang imahe niyon sa kaniyang paningin dulot ng luha. Hindi nagtagal nang hindi na mapigil ang kaniyang sarili ay lumuhod siya.

Pinagsalop niya ang mga kamay. She was struggling for words at first. Ni hindi niya magawang ibuka ang kaniyang bibig. Ang gulo-gulo ng kaniyang isip. Huminga siya nang malalim at ipinikit ang kaniyang namumugtong mga mata. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakasumpong ng kapayapaan ang kaniyang isip. It's as if a heavenly spirit came down and surround her. Sa isang iglap ay nagawa niyang makapa sa kaniyang puso ang mga salitang gusto niyang sabihin sa Diyos.

"Lord, siguro, nagtataka po kayo kung anong ginagawa ko rito ngayon. For so many times, pagkatapos mangyari ng malagim na aksidenteng 'yon, I tend to deny Your existence. I don't know what came to me, basta't ang tanging naisip ko lang no'n, how could a great God like You allow that tragic thing to happen in my family. Afterall, I'm just a seventeen year old girl. I just wanted love from the people that I care the most but you take that. You take that away from me in just a blink of an eye. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para mangyari sa akin iyon at sa pamilya ko, but it eventually hardens my heart. I told myself, kung totoong may Diyos, hindi Niya hahayaang mangyari ang bagay na 'yon." wika niya sa nanginginig na tinig. "But after three years, You have sent someone to me that nullified that belief. You have sent someone to show me that You have greater purpose. You have sent someone that made me feel that You never leave me all this time and that no matter what I did, You still love me."

Humigpit ang pagkakasalop ng kaniyang mga palad. She opened her eyes again. Sa nanlalabong paningin ay muli niyang pinagmasdan ang altar.

"Lord, alam ko po na sa dami ng kasalanang nagawa ko sa loob ng tatlong taon na iyon, wala akong karapatang manghingi ng pabor. P-pero, hindi ko na po alam kung kanino pa ako lalapit pa ngayon para sa buhay ng taong mahal na mahal ko. I love him so much, Lord, and I want him to live." muli niyang ipinikit ang mga mata. "Lord, you have sent David to me in one of the darkest moments of my life. And I know, even though his wings are not visible in my eyes, he's still one of Your angels. His task is to keep me back on track and he did. Nagtagumpay siya, Lord, na muling maayos ang patapon ko ng buhay. And You might think that I don't need him anymore. But, Lord, I still do. Kailangan ko po si David sa buhay ko. And if it's not too much, I want to ask You to spare the life of this angel of Yours. Ibigay mo nalang siya sa akin, Lord. Sa akin nalang si David, please."

There was a defeaning silence again after that. Nagmulat si Clementine ng paningin nang maramdaman ang magaang dampi ng isang kamay sa kaniyang balikat. Paglinga niya ay sumalubong sa kaniya ang namumugtong mga mata ni Amber.

"C-clementine," napapalunok na salubong nito sa kaniya. "Si David..."

ALMOST AN ANGEL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon