Two

2.2K 30 0
                                    

"YOU'RE suspended?!" ang naghihimutok na asik ng ama ni Clementine sa dalaga; bakas na bakas sa mukha nito ang magkahalong galit at pagkalumo. "For goodness' sake, Clementine! This is the third time in the entire semester! Ano bang nangyayari sa'yo?!"

Hindi nagsalita si Clementine. She remained poker-face. Nagpatuloy siya sa pagscroll sa screen ng kaniyang phone.

"Damn it, Clementine! I am talking to you!" Hinablot nito ang naturang cell phone mula sa kaniya. "Wala ka na ba talagang respeto sa akin?!"

Pinag-angatan ito ng mukha ni Clementine. He was outraged but so as she. Lakas-loob niyang sinalubong ang paningin nito ngunit kalaunan ay siya rin ang unang sumuko. Napabuntong-hininga siya.

"Okay, I'm sorry. Is that what you want to hear? Can I have my phone back now?"

"No!" muli nitong asik sa kaniya. "Wala ka ba talagang gagawin kung hindi bigyan ako ng sakit sa ulo, Clementine? Linggo-linggo nalang yata ay tinatawagan ako ng dean ng university. Why can't you just... why can't you just be like your kuya Parker?"

Parang may kung anong bumara sa lalamuna ni Clementine. Why can't you just be like your kuya Parker, ang linyang sumira at patuloy na sumisira sa pagkatao niya. Kumuyom ang kaniyang mga palad. Nasisiguro niyang ang kasunod niyon ay katakot-takot na pagtutulad na naman sa kaniya at sa kaniyang kuya Parker.

"He has dreams, Clementine! He's full of potentials! Why can't you have your own dreams?" anito, "Ito ba talaga ang gusto mong buhay? A life loaded with vices and other craps and shits?! For goodness' sake, mag-isip ka naman!"

I knew it, ang mapakla niyang naisaloob. This isn't new to her. Paulit-ulit niya nalang naririnig ang mga bagay na iyon sa tuwing magkakaharap sila ng ama. At kahit tingnan lang siya nito, alam niyang iisang bagay pa rin ang tumatakbo sa isip nito: Why can't you be like your kuya Parker?

"Ibinibigay ko naman sa'yo ang lahat? Bakit ka pa ba nagkakaganyan? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa'yo!"

Napabuntong-hininga ito at ilang sandaling napatitig sa isang table kung saan nakapatong ang nakangiting larawan ng kaniyang kuya Parker. Clementine stared at his father. Kahit hindi nito bigkasin ay tila alam niya kung anong tumatakbo sa isipan nito: Bakit ba kasi ang kuya Parker pa niya ang nawala at hindi nalang siya. And that hits her hard; so hard she could feel her chest constricting with pain.

"Stay in your room and don't go out until I say so," di kalaunan ay utos nito sa kaniya. "You are grounded."

Pagkasabi niyon ay mabibigat ang hakbang na tinalikuran siya nito. Pumanhik ito sa hagdan. Nangingilid naman ang luha na inihatid na lamang niya ito ng tingin.

No, dad. You're wrong. You failed to give me everytthing, naghihinanakit na naisaloob niya habang unti-unti itong lumiliit sa kaniyang paningin. You failed to give me love and attention as equal as kuya Parker. Tumingin siya sa larawan ng kapatid na siya ring pinagmasdan ng ama. Oh, kuya. Sana ikaw nalang ang nandito. Sana nga, ako nalang ang nawala...

And her tears started to fall.

ALMOST AN ANGEL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon