CHAPTER 10

41 11 2
                                    

Levinn's POV

dali-dali akong lumabas ng tambayan at nanakbo kung saan man ako nanggaling at kung saan ko pwedeng makita yung bracelet

Sa kasamaang palad halos buong school yata nalibot kona pero wala parin

Saan paba?

Sa clinic....

Bigla akong nabuhayan ng loob sa naisip ko

Mabilis pa sa kung ano akong nanakbo sa clinic

Walang iniintindi sa nga nababangga ko

Walang katok-katok akong pumasok sa clinic at mabilis na hinanap ito

Pero...wala

Para naman akong lantutay na dahon ng lumabas sa clinic at lumabas ng gate ng school naglalakad-lakad baka sakaling nadito

Pero wala parin

Wala na akong ibang magagawa kaya naman sumakay nalang ako sa kotse at mabilis na pinaharurot ito....

Imbes na dumeretso sa condo ay napagpasyahan ko munang sa impyernong mansyon muna manatili

Pag-pasok ko palang ng mansyon ay mukha agad ng tigre este ate ko ang sumalubong sakin

"Levinn Anthony!? Buti naman at naisipan mo pang umuwi!?"

"Buti nga eh." Walang ganang sagot ko

"Abat talaga namang kapilosopohan mo parin yang pinairal mo ano!?"

"Ate...please not now"

"At ano nanamang nililigalig mo dyan!? Minsan ka nalang uuwi baka nga wala ng next time tong sermonan session natin eh"

"Ate ,pls"

"What!? Mag-mumukmok ka nanaman sa kwarto at iisipin nanaman kesyo " bakit umalis si jade" "bakit ako iniwan ni jade" yun nanaman!?

My gahd Levinn! kahit ngayon lang sarili mo naman ang intindihan mo hayaan mo na ang pamilya nya na gawin ang paghahanap sa kanya..*sigh* levinn Hindi ka naman ganyan ah?

Isipin mo din na naapektuhan kaming pamilya mo! Eh daig mo pa sila Tito seb kung mag emote daig mo pa ang nga magulang nya! That's bulls*t levinn!!"

"Oo na! Selfish na kung selfish!pero ni minsan ba inisip nyo rin ako!? Ate..may buhay rin ako pero ano!? Imbes na tulungan nyo ko ng panahong iyon ay anong ginawa ni papa!? I-narrange marriage nya ko!!

Si jade sya lang mula bata palang ako sa bawat pag-aaway ni mama at papa sya ang nandyan para sakin! Bastos na kung bastos pero ikaw!? Nasan ka nung panahong nangangailan ako ng suporta huh!? Naandon ka sa kapatid ni jade at kulang nalang ay mag-paparty sa buong mundo sa pagkawala nya!

Ni minsan ba naging ate ka saken!?ni minsan ba sinuportahan moko!? Hindi diba? Hindi!" Kasabay nito ang pagpatak ng pesteng luhang to

"Levinn stop it! Wala ka nang galang! Binabastos Mona ang ate mo!" Maawtoridad na Bose's sa likod ko

Si papa...

"Minsan ka na nga lang umuwi ganyan pa ang asal mo?ganyan ka na ba talaga kabastos?"

Mapait akong napangising hinarap sya

"Bakit papa? Ikaw Naging ama ka ba sakin? Nirespeto mo ba ang mga desisyon ko? Pasensya na po ha?pasensya na pero kase ang mga taong kinalakhan ko ay sya mismong nagturo sakin maging bastos" huling mga salitang binitawan ko bago ko sila iniwang tulala doon

Mula pa lang bata kami ay may galit na si Christine Kay jade..si Christine ay ang anak ni Tito seb na syang may ari ng SMU at sya ring daddy ni jade magkakambal sila kaso Hindi nga lang halata dahil Hindi sila identical

May gusto sakin noon si Christine,well hanggang ngayon naman ata eh pero dahil Kay jade ako napalapit ay dun na sya nagumpisang magalit sa kapatid nya

At dahil narin mas mahina ang katawan ni jade kayat sakanya napupunta ang atensyon ng magulang nya

Mula noon ay pakiramdam ni Christine na buong mundo nya na ang inaagaw ni jade which is definitely not true..dahil lampas pa sa daliri ng sampung tao ang bilang ng mga sakripisyong ginawa ni Jade para Kay Christine

Sa bawat araw na papasok sa kalokohan si Christine ay si jade ang sumasalo, sa bawat mangaaway ng ka klase si Christine ay si jade parin ang magso-sorry

Minsan nga ay nagnakaw pa ng pera si Christine sa mommy nya and guess what? Si jade lang rin naman ang pinagbintangan nya

Pero dahil Hindi na kinaya ni jade ay Hindi na sya nagsinungaling pa, sinabi na nya ang totoo at napatunayan rin namang si Christine ang gumawa

Lalong nagalit noon si Christine pero ito lang ang sinabi ni jade "mawala ng lahat ng tiwala sakin wag lang ang Kay mommy at daddy dahil Hindi ko kakayanin kung sakali mang mangyari yun".

Sa murang edad nya ay ang mature nya na magisip,isa sa mga hinangaan ko sakanya,

Mula noong malaman ni ate na may gusto ako Kay Jade ay sumama sya Kay Christine dahil parehas silang gustong mawala si Jade

And my sister's reason kaya ayaw nya Kay Jade? Dahil inagaw raw ni Jade ang atensyon ko, so immature,tch.

Sa sobrang pagiisip ay Hindi ko na Alam kung paano pakong nakrating ng ligtas sa condo
Pero tyaka ko lang namalayan..

Asan nga pala yung wallet ko?

Tch.Bahala na nga pera at card ko lang naman ang nandon pwede naman akong magparenew ng bagong card eh

At dahil na rin sa pagod ay agad rin akong nakatulog.

My Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon