CHAPTER 3

66 13 1
                                    

Michelle's Pov

Natapos na ang isang araw at tapos narin ang klase ko,by the way 4th year highschool nako pero ang plano ko ay dito narin mag-college sa SMU kung kakayanin pero sa palagay ko ay malalaking tao ang babanggain ko dito kung sakalai

Speaking of ...

May nabangga naman ako ngayon kasabay ng pag bagsak ko

Awwww ang sakit nun ah?

"Pwede bang tumingin ka naman sa dinadaanan mo!?"

"Sorry"

Kasabay naman ng pagtayo ko ay nakita ko yung nabangga k---weyt.

Sya yung anak ng may ari ng school hindi ba?

Tingnan mo nga naman kung gaano ka kamalas Michelle hays....

Oh so kasama nya pa dalawa nyang alipores na nakataas ang kilay saakin ngayon

May pataas-taas pa ng kilay halata namang japeyk tss

"Sa sususnod kasi tumingin ka naman sa dinadaanan mo! Hindi yung--wait....so? Ikaw pala yung new student huh? Malas mo dear kilala mo ba kung sinong binabangga mo!?"

"Oo,ikaw yung anak ng may ari ng school" walang reaksyong sabi ko

Ang totoo ay kinakabahan narin ako ngayon,ugali ko namang lumaban kung tama pero iba kasi to,

Scholarship ko nakasalalay dito...

"Alam mo naman pala eh matuto ka kasing lumugar,tandaan mo scholar ka lang kayang kaya kong ipatanggal yon naiintindihan mo? And you dare make some pabida moves sa klase as if namang bagay saying magmalinis kung tutuusin a kaawa-awa ka lang naman talaga kaya ka siguro pinasa ni daddy as scholar tch.

Yun lang, Patay kana talaga Michelle ,

pero kahit ba karapatan ko pa din naman lumaban diba?anong karapatan niyang sabihan ako niyan?

"Oo may tenga din naman ako at sayo narin mismo naggaling scholar ako, at siguro naman naiintindihan mo rin kung anong puhunan ng isang scholar para pumasa hindi ba? Just so you know nag-test ako para pumasa Hindi nag audition na parang mag-aartista na kung umarte ay parang nakakaawa"

Utak.utak ang puhunan kaya ko naiintindihan yang sinsabi mo. Gusto ko sanang iduktong kaso wag nalang

Dun ko lang napansin na madami na rin palang nanonood samin,Tsss ano ba naman ng malas ko ngayon oh

"At ikaw pa ngayon ang matapang huh tandaan mo bago ka palang!" Mariing Sabi nya habang tinutulak pa ang balikat ko.

Di ko pa ba nasasabi? Well minsan may pagka -'bitch' din ako pero since first day hayaan muna natin sya

Di ko nalang sya pinansin at nilagpasan nalang...tch first day na
first day naman oh.

Naririnig ko paring tinatawag nya ko di ko nalang pinansin

Oo nga pala nagpaalam na sakin kanina si Patrice yes.Patrice nalang daw tawag ko sakanya eh well yun nga dahil may pupuntahan pa daw siya hays

Maaga pa naman ng makauwi ako kaya nakapaglaba pa ko Kay aling nenang

Kadalasan 200 ang kinikita ko sa paglalaba kung minsan naman ay 250-300

Pagkatapos kong maglaba ay nagluto narin ako ng sardinas para pagdating ni inay ay kakain na lang sya

pagtitinda nga pala sa palengke ang trabaho ni inay kaya kung minsan ay gabi narin sya kung umuwi,

ang itay naman ay pumanaw na bata palang ako dahil inatake sya ng sakit nya sa puso.

Tandang tanda ko pa kung paano kong tinakbo ng yapak mula eskwelahan namin hanggang palengke nung atakihin ang Itay, maybe it was 7 years ago?

Syempre nasaktan ako ng sobra Tatay ko kaya yun,omygod Michelle wag mo na ngang isipin yan..

Naglinis narin ako ng bahay pati narin ng kaisa-isa naming kwarto na tinatakluban ng kurtina, patapos na sana ako ng isang kahon ang madali ko sa ilalim ng kabinet

Kahon? Parang ngayon ko lang ata nakita ito ah

Mukang mamahalin?

Bubuksan ko na sana ng.....

"Anak?narito nako.."

Ibinalik ko nalang rin ito agad at Ipinagkibit-balikat nalang baka naman kasi lumang gamit lang ni inay

"Inay? Nariyan naho"

"Oh anak sabayan mo na muna akong kumain"

"Oho inay, "

"Kamusta naman ang unang araw mo?"

"Mabuti naman po,sya nga pala inay kanino poba yung kahong nakuha ko sa ilalim ng kabinet?"

Pansin ko namang medyo natigilan sya bakit naman?

"A-ah anak nakita mo b-ba?"

"Hindi ko na po inabala pang buksan,nay ayos lang ho kayo masama po ba pakiramdam nyo?"

"A-ah Hindi naman sige na kumain kana"

Kumain nalang ako at natulog narin hayyyy panibagong araw nanaman bukas tsss.

Pagkahiga ko ay tyaka ko lang naramdaman ang sobrang pagod kaya mabilis rin akong nakatulog.

My Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon