CHAPTER 1

126 13 1
                                    

MICHELLE'S POV

"Mommy!?  Daddy!?"

Nakita ko nanaman yung batang babae..lagi syang naiyak,

Sa ilalim ng isang tulay, malakas ang alon ng tubig nakita ko siyang  naiyak sa baba

Sino ba kasi sya? Tutulungan ko na sana sya pero di ko maigalaw ang mga paa ko

jeez!

Gusto ko syang i-comfort pero paano?

Gusto ko syang tawagin pero walang  boses na nalabas sa bibig ko..

Bata,sino ka ba  talaga?

"Tulungan nyo po ako *sob*"

Haharap na sana sya kaso...

Biglang lumakas yung alon

No!

"Wahhh mommy!!!Daddy!!!"

Lalong lumalakas yung iyak nya

Ayoko na!

"Michelle!!! Bumagon ka na dyan anak"

"Opo nay!!!"

Again,bagong araw na naman, ano ba talaga yon? Most of the time yun na lang lagi ang  napapanaginipan ko, yung batang yon. Ipinag kibit-balikat ko nalang at tumayo na

Dali-dali kong inayos ang sarili ko at nagbihis na rin, I took me almost 30 minutes to do my morning routines

Oha? Muka bang pang mayaman?not at all maarte lang talaga ako

"Oh Michelle anak,Dalian mo nang kumain at mahuhuli kana sa klase mo,unang araw mo pa naman"

"Opo nay, sya nga po pala.. ito po ang isang daan oh,pasensya na po kayo iyan lang po ang maibibigay ko at pinang-bili ko ng bigas yung iba.."

"Naku anak!Sinabi ko naman sayo, Hindi mo na kailangan gawin yan at obligasyon ko yan bilang ina  mo okay?"

"Pero nay..."

"Oh sya sige na nga kumain kana at pumasok ha?

Tumango nalang ako at kumain na,

By the way Im MICHELLE SARMIENTO

Simpleng buhay lang ang meron kami,sa sobrang hirap ng buhay kinakailangan kong magtrabaho tuwing sabado at linggo bilang screw sa isang fast food chain at tuwing hapon naman ay  naglalabandera ako,Hindi ako pinilit ni inay ngunit ako na ang nagkusa upang makatulong man lang sakanya...

Unang araw ko ngayon sa klase ng SMU o St.Madrigal University bilang isang scholar, dahil sa hirap,utak ko nalang ang tanging puhunan ko,ito nalang ang kaya kong ipagmalaki bilang isang magaaral.

17 years old, female

Daughter of  Elizabeth Sarmiento and Edmon Sarmiento

Consistent Honor Student from kinder to High School

Valedictorian Graduate in Mabintag Elementary School

Lower Class of life

'Nothing is impossible until its done'
Her only motto in life

ibinalik ko na sa envelope ang basic information's about sakin at pumasok narin

****************

Kasalukuyan akong nakapila sa harap entrance ng SMU kapansin-pansin din naman ang kakaibang tingin sa akin ng mga tao dito,well..ano pa bang aasahan mo, isang simpleng pantalon at puting t-shirt lang ang suot ko na tinernohan ng itim na rubber shoes na mukhang naghihingalo na ,nakasakbit rin saakin ang bag kong black mula noong elementarya  palang ako kaya may kalumaan na den.

"Hey! Tatayo ka nalang ba dyan!?"

Nabalik ako sa wisyo ng biglang may sumigaw sa likod ko

"Gash lumayo nga kayo ayokong madikit sakanya noh?"

"Is she even a student here?"

"I don't think so, baka naman naligaw lang?"

"Or nagso-solicite?"

"Hahahahahaaha"

Napuno ng tawanan ang paligid dahil sa sinabi ng babaeng nasa  likod ko, hindi  ko nalang sila pinansin at ibinigay na ang i.d ko sa guard, since bago palang ako dito wala pa kong card ng SMU ,usually kasi card kasi ang Ibinibigay pang-entrance

"Sigurado ka bang estudyante ka talaga dito?"tanong ng guard

"Opo"

"Ay ganon? Ang alam ko kase pang mayaman ang eskwelahang ito, hindi para sa mga  katulad mo hmp"taas pa ang isang kilay nyang sinabi saakin

Di ko nalang din sya pinansin at pumasok na, grabe naman pati ba naman guard dito? Siya nga guard lang eh,akaal mo naman kung sino

Tuluyan na ng akong  pumasok sa loob ng school, labas palang
halata mong pang mayaman na.

Hanggang sa hallway ganon parin ang tingin ng mga studyante saakin

Siguro kung nakakamatay ang tingin
Malamang ay kanina pa ko pinaglalamayan dito,tsss

Maaga-aga pa naman kaya naglibot-libot muna ako dito sa school

Magandang garden

Malaking library

Magarang mga kotseng nakaparada sa parking

At higit sa lahat mga Sosyaling Estudyante

Ilan lang yan sa mga nakita at napansin ko dito habang naglilibot.

Obviously tingin palang nila alam ko nang  hindi nila ako tanggap dito,eh anong magagawa nila hindi naman sila nag-papascholar sakin diba?

SMU has three buildings, one for elementary and one for highschool while the Four buildings is for college's different courses

*kriiiiiiiiiiing*

Sht! Late na ako!


My Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon