8. Night
Hey guys! Sorry. After 1 month ang update. Tapos na ang periodical e. XD happy 800+ reads! Enjoy this super duper BORING update. Nag-update lang ako dahil sa mga kaklase ko. XD walang nagbabasa e. Nagtityaga sila lol xD eto naaaa. Daldal. Hahahaha. Sorry sa wakwentsss update. XD sana magustuhan paren.
~
Nakatapat lahat ng kamay nila sa apoy. Walang nagsasalita. Walang nag-iingay. Marrinig mo lang ang maiingay na kuliglig.
"A-ah...an-anoo..uhm.." Sinubukang magsalita ni Bianca dahil nakakaramdam na sya ng pagkaawkward.
Ngunit, wala pa rin. Lahat ay tahimik. Yumuko nalang ang dalaga at di na ulit nagsalita.
"Now what?" Nangingiyak na tanong ni Madison. "What will we do?"
"A-ate Madi.." Hinawakan ni Bianca yung kamay ni Madison.
"S-sorry." Sabi ni Hajumie at umalis sa pagkakaupo. Naglakad sya papalayo sa grupo dala ang katana nya.
"Tss, katangahan mo Hajumie. Nandoon na e. Hindi mo pa ginawa. Anong silbi mo sa grupo?" Inis na tanong nya sa sarili saka sumipa ng bato. Hinagis nya ang katana sa harap nya ng mahina saka inis na ginulo ang buhok at umupo sa sahig. Sobrang naiinis sya! Sobra. Nasa harapan na nya. Nasa harapan na.
"Hindi mo naman kasalanan ang nangyari.." Napatingin sya sa likod nya kung saan may nagsalita. At nakita nya si Cloud kaya nagulat lalo sya.
"C-cloud? Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong nya.
"Wala. Ayokong may nakikitang umiiyak satin." Sagot nya saka nag-indian sit sa tabi ni Hajumie. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Napaiwas ng tingin si Hajumie saka inabot ang kaninang hinagis na katana.
"We have the same reason." Sagot nito.
"Haaay, buhay nga naman no? Parang life." Sabi nito saka nag-inat. "Pre, hindi mo kasalanan ang lahat. As group, kasalanan natin 'to. Naging masyado tayong komportable sa isa't isa na hindi na natin tinignan ang iba." Napatingin sakanya si Hajumie.
"Hindi. Hindi, Cloud. Kasalanan ko." Nag-iwas uli sya ng tingin saka yumuko. Tumingin sa langit si Cloud saka ginawang sandalan ang dalawang kamay at braso. "Kung nagawa ko lang sana.. Ed-edi... T-this wouldn't even h-happened."
"You know what? All you need is trust. Madison and the rest don't feel that way to you. Hindi mo ginusto, hindi ko rin ginusto, walang gumusto lalo si Madison. No one's blaming you. Bakit ba kailangan mong itulak yang sarili mo sa kasalanang hindi naman ikaw ang gumawa? Oo, sabihin na nating nasa harapan mo na. Pero ginusto mo ba? Alam mo pare.." Tumayo sya saka tumingin kay Hajumie. Napatingin naman si Hajumie kay Cloud. "..sabi ko bakla ka. Bakla ka ba? Kung hindi, patunayan mo. Hindi yung iiyak ka dyan. Anong pinapakita mo? Na mahina ka? Walang lalaking nagpakita ng kahinaan dahil lang sa isang pangyayari. Dapat, you're doing your best para malagpasan yun." Tumalikod na sya at nagsimulang maglakad.
"Trial, dude. Trial." Sabi nito habang naglalakad pabalik kila Madison.
Napaisip si Hajumie. Kahit naman anong sabihin ni Cloud, walang magbabago. Wala na e. Wala na.
Napangiti sya.. "Hindi Cloud. Hindi." Tumingin sya sa langit saka inalala ang lahat.
Nagulat nalang sya ng biglang may pana na tumagos sa tabi ng ulo nya. Napatingin agad sya kung saan nagmula ang pana. Wala. Wala syang nakita. Lumingon sya saka nakita ang panang may reddish green na kulay at katawan ng isang zombie. Nagulat sya. Awtomatikong napahawak sya sa ulo nya. Wala. Walang sugat o ano.
Tumakbo sya papunta sa may masukal na parte ng gubat na yon para hanapin kung san nagmula yung pana.
'Baka may survivor pa!' Bulong nya sa sarili saka pinagtatataga ang humaharang sakanya na mga sanga ng puno.
"Hello? Is..is someone there?" Tanong nito. Ngunit walang sumasagot.
Naglakad lakad pa sya. Lakad.. Lakad..
"Ma-may tao ba dito?" Tanong nyang muli. "Tss, mukhang guni-guni ko lang." Sabi nya saka sumandal sa isang puno at umupo. Nagulat sya ng may pumana uli at tumama ito sa puno. Sa itaas ng ulo nya kaya napatayo sya bigla saka itinutok ang katana sa lugar kung saan galing ang pana. "Sino yan?!"
Nabigla sya nang may taong biglang napadapa sa harapan nya. Agad nyang pinuntahan ang nakadapang tao sa harapan nya at agad na hinawakan ang ulo nito.
"Okay ka lang ba? Gising!" Chineck nya agad ang katawan nya kung may kagat ba sya ng zombie o ano. Wala. Reddish green lang na dugo ng zombie ang nasa damit nya at may nakasabit na pana sakanya at isang itim na malaking backpack. Mukhang sya nga!
"Miss? Okay ka lang ba? S..sandali!" Tinayo nya ang babae at sinaklay sakanya. Naglakad sya pabalik sa lugar nila kanina at nakita si Cloud na nakaupo at nakatingin lang sa apoy. Napatayo bigla si Cloud nang makita ang dalawa.
"Sino ya--?!"
"Mamaya na, Cloud. I think she needs help!" Agad na pinaupo ni Hajumie ang babaeng nakapikit at isinandal sa van nila.
"Ano bang gagawin ko?"
"Tubig! May tubig pa ba sa sasakyan?" Tarantang tanong ni Hajumie.
"Titignan ko, sandali! Saka gigisingin ko na sila." Agad na tumakbo si Cloud sa sasakyan habang si Hajumie naman ay pinapaypayan gamit ang kamay ang babae.
"A-ano mero--sino sya?" Tanong ni Bianca na kalalabas lang ng van.
"Di ko alam, she's still not waking up." Sagot naman ni Hajumie saka kinuha ang tubig na bigay ni Cloud. Binuka nila ang bibig ng babae saka sinubukang ipainom ang tubig.
*cough* "uh! S-sino kayo?!" Napatayo ang babae sa gulat saka inamba ang pana nya.
"Woah, sandali lang. Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong namin nyan?" Sagot naman ni Cloud.
"H-hindi ba kayo zombie o ano?" Tanong nito saka unti-unting kumakalma.
Nagkunwaring chineck ni Cloud ang sarili saka sinabing.. "I'm negative. Hindi ako zombie."
"Nope." Sabi naman ni Bianca at tanging iling nalang ang sagot ni Hajumie.
"Ganon ba? Sorry." Sabi nito saka umupo.
"Sino ka?" Tanong ni Bianca at umupo sa tapat nito. Katabi nila Hajumie at Cloud.
"I'm Priscilla. My mom died after this shit happened. Tsss, that's why I want to avenge my mom and stop this.. This... Apocalypse." Tumayo sya at nagsimula nang maglakad pero napatingin sya sa likod dahil may humawak sa kamay nya. Pagkatingin nya, nakayuko ang humawak sakanya.
"My bestfriend died after this shit happened also." Saka may tumulong kung ano mula sa mukha nya. "Let's all work together to win our world back against these zombies." Saka binitawan ni Madison ang kamay ni Priscilla.
BINABASA MO ANG
ZOMBIE APOCALYPSE: The Evolved World (ON GOING)
Misteri / Thriller"SURVIVORS.... Can someone please give me at least one more?" - Madison.