#5. Too Late

3.2K 58 7
  • Dedicated kay dthebunny :( :)
                                    

KathNiel: One Shot Stories

#5. Too Late

-----

".... Realizations are always at the end ...."

------

"BOSS!" sigaw nya.

"Ba't nanaman?!" iritadong sagot sakanya ng tinawag nya.

"Ang aga-aga, bad vibes kagad? Tsk." pang-aasar pa nito.

"Ewan ko sayo." simpleng sagot sakanya.

"Bad vibes go away! Come again another day! I just want to talk with her! Bad vibes go away!" pagkanta nya sa tono ng 'rain rain go away' Childish? Di rin. Sira ulo lang talaga sya.

"O' edi ngumiti ka din. Tss. Yun lang pala kailangan e." sambit nito ng makitang nangingiti na ang dalaga sa pagkanta nya.

"Ako ngumiti? San nga, aber? ASA ka naman. Di mo ko madadaanan dyan sa pa-cute mo." sabi nito sakanya

"Sus. Ako magpapa-cute? No thanks. Di ko na kailangan yun, and besides cute na ko 'no. GWAPO pa." pagmamayabang nito.

"Tatawa na ba?" she said in a sarcastic manner.

"Joke ba yun?" sabi naman ng binata.

"Oo?"

"Tss. As I know, kahit ikaw ay naga-gwapuhan sakin."

"Aba! Alam kong libreng mangarap pero wag ka a. Sumosobra ka na, may bayad na po yan."

"Bakit pa ko mangangarap kung nangyayari nanaman sa totoong buhay?-----ARAY!" nahampas lang naman sya ni Kathryn. Napaka-yabang kasi, pero kahit ganyan yan. Mahal nya yan. <3

"Yun lang aray na kagad? Tsk. Tsk." pang-iinis pa nito.

"Ah ganun."

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA---hui-----HAHAHAHAHAHA--- DJ! Tama na ui.----HAHAHAHA." napatawa na ito dahil sa pangingiliti ni DJ. Kahit kailan talaga ang mga kalokohan ng binata.

"Oh ano? May sasabihin ka pa? ha?!" pangsisindak ni DJ sakanya.

"Sabi ko nga e. Tatahimik na." sabi nya at tila'y i-zinipper pa ang bibig.

"Wala ka pala e."

"Tss. Yabang. Pasalamat ka mahal kita."

"Ano?"

"Sabi ko, kumain na lang tayo ng cheesecake! BINGI!" pagsisinungaling nito. Nais na sana nyang sabihin ang nararamdaman dahil alam nyang malapit na syang umalis...

***

"Sabi ko kumain na lang tayo ng cheesecake." sabi nito tulad ng pagkakasabi ni Kathryn kanina.

"Problema mo?" mahinahong sabi nya.

"Ako ba talaga ang dapat tinatanong nyan?" seryosong sabi sakanya ng binata. Nagkatitigan lang sila and then there was an awkward silence.

Umiwas ng tingin si Daniel at binasag ang nakakabinging katahimikan. "Kath, May problema ba?"

"W-wala." sagot nya. Sabihin na ba nya na aalis na sya? Ayaw nyang magpaalam sa taong mahal nya.

"Aray ko." sabi nya sabay pout. Pinitik kasi sya ni DJ sa noo.

"Edi mas ok. Nagmumukha kang siopao. Diba?" he chuckled just to lighten up the atmosphere. Ramdam nyang may problema.

"Baliw." malumanay na sabi nito.

"Aish. Ano ba yan Kath! Bakit nga kasi? May problema ka ba? May sakit ka ba? Anyare ba ha?!" pangungulit nito. Hindi sya sanay sa ikinikilos ng kaibigan. Hindi sya sanay sa malumanay at malungkot na kilos nito at kahit kailan di nya nanaisin na makita syang malungkot.. mas gusto nya ang ugali nitong makulit, maingay, masayahin, at kahit na ang kabaliwan nito.

"Paano kung aalis na ko? At hindi na ko babalik... Malulungkot ka ba?" sabi nya

"Natural! Kahit na sira ulo. Baliw. Makulit. Maingay. At napaka-pasaway mo, ma-mimiss pa din kita kapag umalis ka! Pero di ka naman aalis diba?"

"Anak ng tokwa't baboy! Nanglalait ka naman e. Ako mamimiss mo? Weeeeh. Baka nga kalimutan mo na lang ako e. At saka, sinasabi mo na di ako aalis? Sus. Sigurado ka?"

"Bakit aalis ka ba ha?.... iiwan mo ko?" seryosong sabi nya.

"K-kasi..." ito na nga ba ang ayaw nya e. Ang magpaalam. Pero kahit na ganun man, kailangan nya talagang magpaalam.

"Ano?" seryosong tanong nito.

"Aalis na ko. Papuntang... US. Tomorrow morning ang flight ko, pinapapunta na kasi ako nila mama dun. And for me coming back? Di ko alam." tinitigan lang sya ni DJ tsaka nagsalita.

"Eh bakit di ka pa natutulog? Tsk. tsk. Ge, una na ko. Tulog ka na, gabi na o. Ako na lang maghatid sayo bukas."

"So wala sya pake? Hayyyy"

"Mas kailangan ka ng mga magulang mo. Kaya hala ka?! Taas na po at matulog na." sabi nya at umalis na.

------

Ngayon na ang flight ni Kath, at gaya nga ng sinabi ni DJ sya ang naghatid sakanya sa airport.

"Hay nako Kath, it's now or never." bulong nya sa sarili.

"Uhm. DJ" sabi nito

"Oh?" lumapit sya dito at bumulong.

"I love you.. not as a friend but as you." bulong nya sabay abot ng isang letter.

Binasa na iyon ni Daniel... gulat na gulat sya sa nilalaman ng sulat... di nya akalain na mahal pala sya ni Kath... at di nya din akalain na...

"KATH!" sambit nya ng mapansing wala na sa tabi ang dalaga.

Linibot nya ang buong airport hanggang sa may makita syang babaeng may mahabang itim na buhok at may bitbit na bag na tulad ng kay Kath... hinabol nya ito sa pagbabakasakaling si Kath nga ito.

"Kath. Wag ka ng umalis--- SORRY" sabi nya. Sapagkat nagkamali lang sya, hindi pala si Kath ang hinabol nyang babae.

Wala na syang nagawa naupo na lamang sya at sinambit ang mga salitang...

"Bakit ngayon ko lang narealize na mahal na pala kita?..."

------------------

COMMENT, VOTE & BE A FAN!

KathNiel: One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon