KathNiel: One Shot Stories
#11. You...
--------------------------------------
Tears...
Yun yung kasangga ‘ko sa bawat problemang kinakaharap ‘ko, namatay si Mama, nag-asawa ng iba si Papa at yung stepmom ‘ko ayaw na ayaw sa’kin.
A real-life Cinderella indeed, pero sa kaso ‘ko wala akong fairy godmother at prince charming.
Akala ‘ko habang buhay na ‘kong iiyak dahil sa sakit at lungkot na nararamdaman ‘ko. Akala ‘ko habang buhay na ‘kong iiyak ng walang kahit sino na mag-aalo o magpapatahan sa’kin. Akala ‘ko habang buhay na ‘kong mag-iisa.
Pero, akala ‘ko lang pala yun, coz all of a sudden... you came.
---Flashback---
Kasalukuyan akong nakaupo sa isang swing habang umiiyak.
Hindi ‘ko alam kung umiiyak ba ako dahil sa nakatanggap nanaman ako ng mag-asawang sampal mula sa stepmom ‘ko...
O umiiyak nanaman ako dahil hindi nanaman ako pinagtanggol ng sarili ‘kong ama. Idagdag mo pa na mas mahal niya ang stepmom ‘ko kaysa sa’kin na sarili niyang anak.
Napangiti ako ng mapakla habang patuloy pa din sa pag-agos ang mga luha ‘ko.
“Alam mo bang panyo ako?”
Napatunghay ako sa nagsalita—isang lalaki na mga kasing tanda ‘ko lang siguro.
“Gusto ‘ko kasing punasan ‘yang mga luha mo.” Sabi niya at saka niya pinunasan ang mga luha ‘ko gamit ang dalawang hinlalaki niya.
“S-salamat.”
Mula sa peripheral vision ‘ko, nakita ‘kong umupo siya sa swing na nasa tabi ‘ko.
“Alam mo bang diary ako?”

BINABASA MO ANG
KathNiel: One Shot Stories
Fanfictiona compilation of one shot stories starring kathryn bernardo and daniel padilla ((former porebercee))