#8. Gitara <3

2.9K 69 3
                                    

KathNiel: One Shot Stories

#8. Gitara <3

---------------------------------------

 

[Bakit pa kailangan magbihis, sayang din naman ang porma. Lagi na namang may sisingit sa twing' tayo'y magkasama...]

 

 

"KATH!" sigaw nya.

"Oh, Daniel. Bakit?" tanong naman sakanya ni Kathryn.

"Nalulungkot ka ba?" tanong nya sa dalaga.

"Huh? Hindi naman, bakit?"

"Nag-iisa ka lang kasi sa puso ko." natawa naman dun si Kathryn.

"Kahit kailan talaga, ang hilig mong magbiro." natatawang sabi ni Kathryn.

"Teka, bihis na bihis ka ata? Parang aakyat lang ng ligaw ah." pabirong sabi ni Kathryn. Ang di nya alam tama sya.

"Oo eh." nahihiya pang sabi ni Daniel.

"Naks, kanino?" sabi ni Kathryn. Sasagot na sana si Daniel ang kaso...

"Kathryn. Tara punta na tayo sa library." biglang dating naman ni Enrique, di na nakasagot si kathryn dahil bigla na lang syang hinila ni Enrique palayo ang tanging nagawa na lang nya ay ang mag-wave ng goodbye kay Daniel.

"Oo. Aakyat sana ako ng ligaw... sayo." sabi ni Daniel sa sarili. Tinalikuran na lang nya sila Kathryn at naglakad na lang din palayo.

***


[Bakit pa kailangan ng rosas, kung marami naman ang mag-aalay sa'yo]

 

 

"Whoo. Kaya ko 'to!" sabi ni Daniel sa sarili para magbigay ng self-support. Bumili kasi sya ng isang boquet ng read ang white roses. Magtatapat na kasi sya kay Kathryn.

"Woah. Flowers? Buti naman nawala na ang katorpehan mo." pangangasar naman sakanya ng kaibigang si Katsumi.

"Tss." sambit nya sa kaibigan. Tinalikuran na nya ito at nagsimula ng maglakad patungo sa kinroroonan ni Kathryn. Ang  kaso lang...

KathNiel: One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon