Revenge 2

8 0 0
                                    

Memories are like tattoo, a permanent mark that you can't erase even you wanted, a tattoo that will be forever in you even if you die...
~ Mika Mendez

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

" Good morning Ms Mika" masayang salubong sa akin ng office worker at masaya ko din naman silang binati

" Good morning din" I said and smile nang makita ko na nakabukas ang elevator ay agad na akong pumasok, sunod-sunod na rin ang pag pasok ng mga ka office mate ko sa elevator kaya napaatras na lamang ako palikod, ayaw ko naman na makipag siksikan pa.

tahimik na lamang akong nakatayo habang nakatingin sa pinto ng elevator na bigla na namang nag bukas,

hindi ko nalang sana papansinin ang taong pumasok pero halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan nang makita ang ko ang isang pamilyar na lalaki na ngayon ay nasa unahan...

Bakit?

Sa dami ng lugar na pwede ko siyang makita ay dito pa?

Halos hindi na ako makahinga dahil sa kaba at takot na baka makita ako ni JD.

Hindi pa ako handa.

Hindi ko pa gustong makita ang lalaking akala ko ay paniniwalaan at mamahalin ako pang habang buhay, pero sa halip isa siya sa bumigo at nanakit sa akin...

Tumongo na lamang ako upang maitago ang aking mukha, mabuti na lamang ay nasa likuran ako kaya sigurado akong hindi niya makikita...

Pero ang malaking katanungan sa akin ay Bakit siya naandito? Ano ang kailangan niya? Sa pag kakaalam ko ay naging isang matagumpay na business man si JD at sa halip na siya ang nag hahanap ng investors ay siya pa ang personal na pinupuntahan...

It's been a year when the last time I saw him personally, at iyon yung araw na naging isang malaking bangungot sa buhay ko na hanggang ngayon ay hindi ko makakalimutan, napahawak na lamang ako sa kaliwang braso ko nang maramdaman ko ang panginginig nito, ipinikit ko din ang mata ko para kumalma dahil sa kabang nararamdaman ko...

Hindi na bago sa akin ang ganitong reaksiyon ng katawan ko lalo na kung ang dahilan ay ang trauma na nangyari sa akin noon at kahit anong gawin kong limot ay hindi mawalawala sa isipan ko,

Memories are like tattoo, a permanent mark that you can't erase even you wanted, a tattoo that will be forever in you even if you die...

Nang marinig ko ang pag bukas ng elevator ay bahagya akong tumingin sa unahan at tila nakahinga ako ng maluwag nang makita ko na lumabas na ito sa elevator, pero tila nahugot ko ang aking hininga nang magtama ang mga mata namin, nakita ko ang pag kagulat sa mukha nito pero habang sumasara ang pinto ay tila ang pag kagulat sa kanyang mukha ay napaltan ng galit na lalo kong ikinakaba...

Ano na ang gagawin ko? He already saw me, Hindi ko alam kung ano ang gagawun niya ngayong nakita na niya ako, at natatakot ako sa maaaring mangyari, natatakot ako na malaman niya ang itinatago ko...

Mabilis ko na lamang binura sa isipan ko ang mukha ni JD at agad na lumabas sa elevator dahil nasa tamang floor na ako, nag dire-diretso ako sa secretaries office dahil doon Ang opisina ko...

REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon