Dedicated to one my favorite authors, @kristiannevivien. Boss! You are one of my inspirations. #fangirling
Chapter 13
Unang araw pa lang ng Christmas break ay nagkita na kami ni Renia. Lulubus lubusin lang namin ang pagrereview dahil sa January na ang competition.
Nagsuggest ako na sa bahay na lang niya pero umayaw siya kaya napagdesisyunan naming sa isang park na lang magreview.
Walang masyadong tao kaya agad naming nakuha ang pinakamagandang spot doon kung saan hindi mainit. Nakasilong kamo sa isang malaking puno. Naglatag ako ng kumot kung saan namin ipinatong ang mga libro at mga pagkain.
Pinapanuod ko siya habang nililipad ng hangin ang kanyang buhok habang ipinapaliwanag ang isang bagay na tungkol sa Science. Alam kong dapat ay sa mga sinasabi niya ako magfocus pero hindi ko talagang maiwasang hindi bigyang pansin ang magandang tanawin na nakikita ko habang kaharap siya.
May nagbago, marami. She was already comfortable with me. Ngumingiti na rin ito at least three times a day. Pero hindi sa lahat ng tao, sa akin lang. At higit sa lahat, hindi na niya ako sinabihang tigilan siya.
Hindi na ako magtataka kung sabihin niyang ako ang tinuturing niyang best friend dahil sa nakikita ko ay ako lang ang friend niya. Pero hindi ako makukuntento kung hanggang doon lang. Noon ko napatunayan na ang tao ay hindi talaga makukuntento hangga't nabubuhay sila dito sa mundo. Once in a while, they demand something more.
Tumigil sa pagsasalita si Renia at nakakunot ang noong tinitingnan ako. The time she opened her mouth again, I knew I was being scolded again. I did not mind, I love her more when she does that.
"Ganda mo kasi," wala sa sariling sabi ko.
Nakita kong napalunok siya bago buksan ang dala niyang basket. Nilabas niya mula roon ang isang Sailor Moon mug na familiar sa akin pagkatapos ay nagsalin ng tubig.
"Sailor Moon," sabi ko at ngumiti naman siya.
Pagkatapos niyang uminom ay nagpaalam ako kung pwede rin akong makiinom. Pumayag naman siya kaya agad akong nagsalin ng tubig sa dala niyang mug.
Diretso kong ininom iyon, nang wala ng lamang tubig, nahawakan ko iyong ibabang part ng mug. May pricetag ito?
While she was reading a book, tiningnan ko iyong sa ibaba ng mug at nakita ko ang David's Supermarket pricetag na nakalagay doon. Sa Supermarket namin niya nabili itong mug?
Sa tingin ko matagal na niyang nabili ang mug na iyon. I remember this mug. Noong nagsisimula pa lang iyong supermarket namin ay madalas kong sinasamahan si mama na nasa cashier pa noon kaya nakikita ko ang mga binibili ng mga customers. Usong uso ang Sailor Moon noon kaya mabili sa mga bata ang mug na katulad ng mug ni Renia.
Iniligpit ko ang mug sa basket pagkatapos ay muling pinanuod si Renia na nagbabasa. Hinding hindi ako magsasawa sa seryosong mukhang ito. Hinding hindi kahit na parang araw araw ay nasa Alaska ako.
"Je, do you know how to get this?" turo niya sa isang equation sa Calculus.
Lumapit ako sa kanya para tingnan iyon at saka tinuro sa kanya. Ang nakakapagtaka lang...ay madali lang ang itinanong niya o baka nakalimutan lang talaga niya kung paano iyon sagutin?
"Thank you," nakangiting sabi ni Renia pagkatapos ay binitawan ang librong hawak at tiningnan ang kapaligiran.
"I'm loving this place." I heard her say.
Napangiti ako nang sinandal niya ang likod niya sa puno habang nakapikit ang mga mata. Agad kong kinuha ang phone ko at kinuhan siya ng mga pictures habang nasa ganoong posisyon.
BINABASA MO ANG
Still Waiting (KathNiel) [Finished]
FanfictionHow long can a man wait for the girl he barely knows? "If you love a person, you are willing to wait even if it takes a lifetime."