Chapter 10

12.4K 262 13
                                    

Chapter 10

Pagkatapos ng araw na iyon ay pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng bagong goal. Ito ay dahil kay Renia. Kahit na iniwan niya akong nakatingin doon sa company nila ay hindi dahilan iyon para sumuko ako.

Kung dati sa major lang ako nag-eexert ng effort ngayon sa lahat na ng subject. Nagtanong rin ako sa dean kung qualified ang mga grades ko noong first year para mapasama sa cum laude. Hindi ko kasi sineryoso ang mga 3-units subjects ko dati.

Average lang daw ang ibang minor subjects pero flat one naman sa mga major subjects kaya siguradong makakabawi daw ako.

Hindi ako tumigil sa pangungulit kay Renia, at hindi na rin niya ako pinakiusapan pang iwasan siya. Siguro napagtanto nito na hinding hindi ko susundin ang hiling nito. Humiling lang siya ng kahit ano basta huwag iyong pinapalayo niya ako sa kanya.

Minsan, nakukuntento na lang ako sa pasulyap sulyap sa kanya. Mas mabuti na iyon kaysa naman sa pinapalayo niya ako.

Last week pa nang sabihan kami ni Ma'am Balingit na magreview na kami para sa Quiz bee competition sa January. Niyaya ko siyang magreview kaso sabi niya magagawa naman naming magreview kahit na hindi kami magkasama. Naintindihan ko siya dahil sigurado akong katulad din ng sinabi niya ang sasabihin ko kung si Sandra ang naging partner ko sa quiz bee.

Speaking of Sandra...nasa tabi ko siya ngayon habang nagbabasa ako ng libro para report ko sa Science. Ilang araw pa bago ang report pero mas maganda na ang ready. Kahit ako naninibago sa sarili ko kasi kapag may ganito, impromptu lang pero ngayon iba. Ibang iba ng dahil kay Renia.

"Jethro," tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinapansin.

Padabog itong sumandal sa upuan niya na inilapit niya sa upuan ko.

"Bakit ba lagi kang ganyan? Ayaw mo ba sa akin?"

At talagang itinatanong mo pa iyon? Gusto kong sabihin pero masyadong harsh kaya hindi ko na lang pinansin ang tanong niya.

"Alam mo ba kung bakit pinili kong mag-Architecture?" tanong niya sa akin.

Ilang beses mo nang nasabi sa akin pero wala pa rin akong pakialam.

"Para partner tayo. Engineer ka at architect ako."

Kahit na ilang beses na niyang sabihin sa akin iyon ay naiinis pa rin ako. Ano bang nakita ng isang ito sa akin?

"Tigilan mo ako, Sandra."

Sa pagkasabi kong 'yon ay lalong lumaki ang ngiti niya. Bwiset.

Nagmana pa yata ito sa akin.

"Hindi pwede, Jeth," sabi ni Sandra na lalo kong ikinainis.

"Gustung gusto mo talaga kapag sinasabihan kita ng masama no?" Hindi ko naitago ang pagkairita ko habang tinatanong iyon.

Ngumiti siya sa akin at bahagyang tumawa. "Syempre, hindi. Sino bang may gustong masabihan ng 'linta' at 'panggulo'? Lalo na kapag galing sa taong mahal mo?"

Madalas ko siyang sabihan ng ganoon. Alam kong sobrang sama ko para gawin iyon pero mas magiging masama ako kung hinayaan ko siyang umasa. Pero kahit anong gawin ko, hindi niya pa rin ako tinitigilan.

"Kung ayaw mo pala edi tigilan mo ako," I said.

Bahagyang lumiit ang ngiti niya at umalis siya sa pagkakasandal sa upuan para mas matingnan niya ako sa mukha.

"I tried but I just realized it's more painful. Mas masakit iyong hindi kita nakakausap na kahit ganito lang kesa sa pagtawag mo sa akin na panggulo."

Bahagya akong tulala sa kanyang sinabi. Bakit...bakit parang narinig ko ang sarili ko sa sinabi niya?

Nginitian niya ako pagkatapos ay tumayo na.

"Osige, nakakaistorbo naman ako," huling sabi niya bago umalis.

I was guilty. Alam ko kung anong nararamdaman niya dahil ganoon din ang pinaparamdam sa akin ni Renia.

Wala sa sariling napatingin ako sa kabilang table kung saan nagbabasa si Renia na ngayon ay pinapanuod ako. Gaya ng dati, hindi niya iniwas ang tingin niya. Hindi siya tulad ng iba na mag-iiwas ng tingin kapag nahuhuli. Siya iyong tipo na hihintayin ka niyang tumingin para mabasa niya iyong nasa isip mo.

Napalunok ako at ako na ang nag-iwas ng tingin. Kahit na sobrang natutuwa ako kapag tinitingnan niya ako sa mata ay hindi ko pa rin maiialis iyong hiya dahil alam niya kung anong tumatakbo sa utak ko.

Did she find out that I compared what I am doing to Sandra to what she's doing to me?

I sighed before I opened my notebook and wrote something. Tumayo ako at lumapit sa kabilang table para ibigay sa kanya iyong pinunit kong papel sa notebook ko.

"I'm sorry." Iyon ang nakasulat sa papel.

Imbis na basahin niya ang papel ay tiningnan lamang niya ang mata ko. This time hindi na ako umiwas ng tingin, gusto ko lang patunayan sa kanya na sincere ako sa paghingi ng tawad.

Huminga si Renia ng malalim at kinuha ang papel na binigay ko sa kanya. Nagsulat siya doon pagkatapos ay niligpit na kanyang mga gamit at tumayo.

Binigay niya sa akin ang papel pagkatapos ay naglakad na siya palabas ng library.

I was too stunned to follow her. Anong ibig niyang sabihin? Binibigyan na niya ako ng chance?

I reread it for many times.

Let's review for the competiton. Sat. 8 am. Library.

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon