Chapter 23

9.8K 337 27
                                    

Chapter 23

I feel like a fool loving a person without knowing anything about her. I don't even know her real name.

Mahal ko siya. Mahal ko ang mga ngiti at ang seryosong mukha niya. Mahal ko ang bawat galaw, reaksyon, at lahat ng salitang lumalabas sa matalino niyang bibig.

I understand now why she did not let me do things I wanted to do for her. Kung bakit ayaw niyang magpahatid at ang pag-ayaw niyang makilala ang mga magulang ko.

Gusto ko siyang makita at yakapin siya ng mahigpit para pawiin ang lahat ng sakit na naramdaman niya.

Where are you, Re? I miss you...please, come back.

Hinawakan ko ang bote ng beer at tinungga iyon. Kakauwi ko lang sa Pilipinas pero ito agad ang hinarap ko.

Re, I'm drinking beer. You don't want it, right? Then come here and stop me. I will stop and kiss you.

"Pre, nakarami ka na," suway sa akin ni Christopher. Pero hindi ko iyon pinansin. Itinuon ko lang ang pansin ko sa beer na hawak ko at sa pag-asang babalik sa akin si Renia.

Pero nang tumahimik ang paligid ay nilingon sila.

"Mag-ingay kayo!"

Tiningnan lang ako ng dalawang bugok na nasa harapan ko. Pinapanuod nila ang bawat lagok ko at ni hindi nila ginagalaw ang mga inumin nila. Kung nandito lang siguro si Braiden ay siya ang mag-uubos ng mga inumin nila. Pero habang wala siya ay ako muna ang proxy.

Kukunin ko sana ang mga beer nila pero ibinaba ni Christopher ang mga iyon.

"Lasing na lasing ka na, Jethro. May trabaho pa bukas," suway sa akin ni Christopher.

Binalingan ako ng nag-aalalang mukha ni Jorg, "Alam kong namiss mo ng sobrang ang alak pero magdahan dahan ka lang."

Hindi ko na sila muling pinansin at nagpatuloy lang sa paglagok ng alak.

I'm wasted. Come back, Re, please?

"Tangina. Sana binilhan na lang natin ng iced tea 'to!" Narinig kong sabi ni Jorg.

"No! She'll come back if she finds out I'm drinking this again," sagot ko kaya nagkatinginan ang dalawa.

"Kung si Renia na naman ang tinutukoy mong gago ka. Alam kong siya naman talaga..." huminto ito at tila hindi alam ang sasabihin.

"Hindi si Renia ang gusto kong bumalik. Hindi siya. Ibang tao."

Natahimik ang dalawa at natulala sa sinabi ko.

She's not Renia. She's my Re.

Ang Re ni Je na mahilig magselfie dahil sa tingin ko ay sa pamamagitan ng mga selfie niya nakikita ang totoong sarili niya. Ang totoong Re ni Je.

Masakit para sa akin nang malaman kong nagsumikap siya para sa ibang tao at alam kong doble doble ang sakit na nararamdaman niya.

I was very very confident that you were having a good life. But I'm having doubts now, baby. What are you doing now? Maayos ka ba?

Natatakot akong isipin na nahihirapan itong humanap ng trabaho ngayon dahil wala siyang diploma sa totoo niyang pangalan. I know you don't need a diploma to live but she has her own dreams.

Wala siyang pamilyang malalapitan kaya paniguradong nag-iisa na naman ito ngayon.

Sa pag-iisip ko lang lahat ng hirap niya ay naiiyak na naman ako.

I don't understand them! Paano nila nagawa iyon sa isang taong may pangarap?

That's cheating!

Naalala kong pinagtatanggol ni Re ang apelyidong Mapagpigil dati. She's very kind. Kung ako ay hahayaan ko lang ang mga taong pagtawanan ang pangalang iyon dahil they deserve it!

Re... come back to me. I will lessen the pain.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit minsan ay ayaw niyang gamitin ang pangalan niya. Re Niya ang pinalagay niya imbis na Renia.

I think she wanted to tell me.

Baby, you said you are mine. Just mine. Can I claim you now?

Gusto kitang mahanap. Pero hindi ko alam kung paano. I don't even know your name.

Sumuko na silang lahat. Paano ka daw nila makikita kung hindi nila ang pangalan mo?

Kaya kong maghintay pero h'wag mong patagalin. Habang tumatagal, mas sumasakit.

Lalo kitang minamahal ngayon. Naiintindihan ko na lahat. Ayaw mong maging girlfriend kita dahil ikaw si Renia noon.

Damn it, Re. Come back. Isang sem lang tayong nagkasama pero walong taon na akong naghihintay para makasama ka ulit.

Asahan mong hinding hindi ka mahihiwalay sa akin kapag nagkasama ulit tayo. Hinding hindi. This is another matter of life and death.
**

A/N: Thank you po sa lahat ng walang sawang nagvovote at nagcocomment dito sa story. Sinubukan ko pong imention kayong lahat ng madalas magcomment bago po ito matapos. See the picture na nakaattach sa chapter na ito. ♥

Ilang araw na lang ang bakasyon at ilang araw na lang ang #SW. :((((

Still Waiting (KathNiel) [Finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon