A/N: Sorry for not updating, super busy sa enrollment and editing the previous chapters of SW... and decorating and reading na rin. Lol (Special thanks to my Ate Paaaat for being honest! Love you ♥)
Very very very short update. Love you guys!
Chapter 12
Hindi ko talaga ugaling mag-lunch pagkatapos ng klase. Mas gusto kong dumiretso na lang ng uwi at doon na sa bahay kumain. Mas makakatipid ka pa.
Pero simila ng araw na iyon, nang pumayag na maglunch si Renia kasama ako ay araw araw na kaming naglulunch bago umuwi. Ayaw pa rin niyang magpahatid at lumabas sa labas. Ayon sa kanya, talagang bahay-eskwela-bahay lang daw ang routine ng buhay niya.
"Lunch?" tanong ko sa kanya pagkalabas ng last professor namin para sa araw na ito.
"Sige," sagot niya habang ibinabalik sa loob ng bag ang kanyang mga libro.
Pagkasara niya ng zipper ng kanyang bag ay agad ko iyong binitbit at wala na rin siyang nagawa kundi hayaan na lang ako. Natutuwa ako kapag binibitbit ko ang bag niya, pakiramdam ko kasi ay boyfriend niya ako.
Habang ineenjoy ko iyong pagbitbit sa bag niya ay nahuli ko siyang nagpipigil ng ngiti. Kaya hinawakan ko ang kamay niya para ihinto siya sa paglalalad.
"Bakit?" nahihiyang tanong ko.
"Anong bakit?" tanong niya sa akin pabalik habang kinakagat niya ang kanyang labi.
"Nakangiti ka..."
Natulala ako nang pinakawalan na niya ng tuluyan ang kanyang magandang ngiti. Nabitawan ko pa ang kamay niya.
"Am I?" tanong nito.
Napatango na lang ako at sinundan siya nang naglakad na ulit ito. Alam kong hindi na ako namamalikmata dahil mismong sa harapan ko siya ngumiti.
Pakiramdam ko kung smiling face si Renia ay mas lalo pa akong mababaliw sa kanya. Pakiramdam ko isang tawa lang mula sa kanya ng dahil sa akin ay mabubuo ang sampung taon ng buhay ko.
Langya, Jethro. Mas masahol pa sa pagkabakla ni Braiden ang pagkabakla mo.
"Anong gusto mo, Je? Libre ko," sabi niya pagkaupo pa lang namin sa upuan sa cafeteria.
At iyon ang pinakaunang libre at pinakaunang ngiting ibinigay sa akin ng Re ko.
**
PRESENT
"May update na ba doon sa pinapahanap kong tao?"
Hindi ko alam kung ilang beses ko nang naitanong iyon sa kanila pero wala akong pakialam kung ilang beses at ilang taon ko ng itinatanong iyon. Dahil ang gusto ko lang ay ang mahanap siyang muli.
"Hindi pa po, Mr. David. Pero nagdagdag ako ng tao para maghanap sa kanya."
Ilang beses ko na ring narinig ito mula sa mga hindi mabilang na private investigators na binayaran ko.
Ilang beses na rin akong nagtimpi para hindi sila saktan dahil sa sobrang tagal ng kanilang paghahanap. Naniniwala akong mas mapapabilis kung mananatiling maayos ang pagtrato ko sa kanila. Dahil kailangan ng understanding sa paghahanap sa kanya kaya hinahabaan ko ang pasensya ko.
"Okay, thank you. You may go now," sabi ko sa kanila at agad din naman silang umalis ng opisina ko.
Pagkalabas nila ay napapikit ako at inaalala ang mukha niyang hinding hindi ko makakalimutan.
Where are you, Re? I am still waiting for you.
It has been eight long years of incompleteness. I don't want to count anymore. I want you to come back and stay with me.
I want to hold your hand and eat your meals with me.
I will understand and accept your apologies. I will understand everything without hearing anything from me. Just come back...to me.
Renia, where are you? Can I still call my Re?
BINABASA MO ANG
Still Waiting (KathNiel) [Finished]
FanfictionHow long can a man wait for the girl he barely knows? "If you love a person, you are willing to wait even if it takes a lifetime."