Story 4: He's Here Too

60 2 0
                                    

Alexene's POV

***Westward High***

Yaaah! Nasa school na kami ngayon!

Hindi ko man lang naenjoy ang 3 days suspension namin!

Dahil yon sa Stupid Jerk sa mall!

Sa tuwing mahahawakan ko ang ...

Waaahh!! Naaalala ko lang sya!! >_<!

"MISS DE LEON!" biglang may sumigaw. O.O

"Y-yes sir?" tanong ko.

Nakita ko yung teacher namin galit na galit na at yung mga classmates ko nakatingin na sakin.

"I.SAID.GO.OUT.NOW.!" sabi ni Sir. Halatang pinipigilan nya yung galit nya.

Oh-oh. :(

"But ---" aapila pa sana ako pero tinuro na nya yung pintuan.

Bago ako tumayo tinignan ko muna sila Louisse. >_>

>_<! Bwisit nayan!! Tumatawa pa sila aa?! -___-!

--Fast Forward--

**Break Time**

"Hey Alex! Musta mapalabas?" pang-aasar ni Caysie. Nandito kami ngayon sa cafeteria.

"Hehe." inis kong tawa.

"GUYS GUYS GUYS!!" biglang sigaw ni Chloe.

Tignan mo to, makatakbo kala mo hinahabol!

O____O!

Takbo? Habol?

May Trauma na ata ako kay Stupid Jerk! >_<!

"Ano bang problema mo?!" inis na tanong ni Louisse nang makalapit si Chloe sa table namin.

"Penge muna juice." sabi ni Chloe na hingal na hingal padin.

Inabot ko sakanya yung juice ko at tuloy tuloy nyang ininom yon!

"Ehemm. MAY WAFU SA SCHOOL NATIN!!" sigaw nya ulit.

Aish! Ang ingay! >_<!

"Eh ano?" walang gana kong tanong.

"Alex! Wafu to wafu!" sabi nya with hand gesture pa!

"Anong pangalan?" tanong ni Leena.

"Clifford." sagot ni Chloe.

"Full name?" tanong ni Maxene.

Really?! Interesado sila? -__-

"Hmm. Hindi ko pa alam eh." sagot ni Chloe.

"Then, sama sama tayong aalam." nakangiting sabi ni Louisse with taas-taas pa ng kilay.

Oh no. May mali ata! :(

***Wash Room***

Para malinaw lang. Nasa wash room kami. Pero hindi sa babae, sa LALAKE!!

Sabi na eh, may mali sa expression ni Lou kanina eh!

"Hoy, lumabas na tayo dito!" i whisperd. Kailangan mahina lang boses, baka may makarinig samin sabihin namboboso kami.

"Ssshh! Sandali lang!" bulong din ni Lou.

Haaay! +____+

Amang nasa langit, patnubayan at gabayan nyo po kami sa gagawin namin ngayon. +

"Here here guys, i found it." mahinang sabi ni Leena.

Lumapit naman kami sa kanya.

'Clifford Layle Legazpi'

Yan ang nakalagay na name sa locker.

"Okay. Alam nyo na, pwede na siguro tayong umalis." pagpapa-alala ko sakanila.

"Sige sige tara na." sabi ni Maxene.

Salamat naman.

Papalapit na kami sa pinto ng biglang bumukas ....

O_______O"

"IKAW?!" sigaw ko.

Siya?! Bat sya nandito?!

"Ako? Anong ako?" tanong nya habang nakaturo pa sa sarili nya.

Aba't nakalimutan na nya?! >_<

Ang kapal ng mukha!!

Pinaghahahampas ko sya "Ikaw! Manyak! Impakto! Kinuha mo ang pagkababae ko! Hayop ka! Manya ---"

"T-teka! Ano bang sinasabi mo?!" tanong nya habang umiiwas sa hampas ko.

"WALA! MANYAK!" sigaw ko sa mukha nya at tumalikod na ako para umalis.

Pero ... May naisip pa ako >:]

Lumingon ulit ako at lumapit sakanya.

As in MALAPIT! >:)

"BASTOS!" sigaw ko sabay *BOG*

"OUCH! YOU'RE CRAZY!" inis na sigaw nya.

Hahahaha :) Buong lakas kong tinapakan yung paa nya!

I give him an evil grin before i walked away.

HAH! Una palang yan Mr. Legazpi. I will make sure there's more.

Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon