Pagbaba ng MRT sa Cubao ay excited akong naglakad papunta sa terminal ng bus na pa Bataan. Di ko inalintana ang pagod at antok at walang humpay na tulakan at siksikan sa MRT. Gusto ko nang makauwi.
Kagagaling ko lang sa school at medyo bangag pa ako dahil wala akong tulog. Wala akong tulog dahil kakatapos lang ng final exams namin. After ng exams ay dumiretso na agad ako sa MRT Boni station. Hindi na ako huminto sa dorm ko dahil dala ko na ang mga gamit ko, medyo tatlo ang dala kong bag, isang para sa school, at dalawa para sa mga maruming damit at isa pa pala para sa mga malinis na damit. Wala na kasi kaming klase, at wala na akong kukumpletuhing requirements at ngayon ay binigyan kami ng oras para magbakasyon, dahil after two weeks ay graduation na namin.
Pagdating ko sa bus terminal ay nadatnan ko ang isang bus na papunta ng Bataan na paalis na, dali-dali akong sumakay doon. Ang route ng bus ay pa-Mariveles, sumakay na ako dahil madadaanan naman on the way ang pupuntahan ko, sa Balanga, mga limang ang pagitan bago mag Mariveles. Nagbayad na ako ng pamasahe na medyo 160 dahil estudyante ako.
Hindi ko sinabi sa parents ko na uuwi ako dahil gusto ko silang sorpresahin, instead ay tinawagan ko muna ang isa sa mga kaibigan ko sa Bataan na si Neil. Idi-nial ko ang name niya sa cellphone ko at ilang rings lang ay sinagot na niya.
“Neil!” bati ko sa kanya nang nakangiti.
“Oy Ahrianne napatawag ka ata? Kamusta?” Tanong ni bebe ko na may kalmadong boses. Medyo monotonous kasi ang boses ni Neil at parang laging kalmado na walang emosyon.
“Eto pauwi na ako ng Bataan, excited na nga ako eh.”
“Ayun tamang-tama sama ka sa amin ni Kaye! Pupunta kaming subic,” si Kaye ay isa ko pang bestfriend.
“Subic? Eh di pa ako nakakauwi, parang ayoko sumama,” sabi ko na nagdadalawang isip. Pwede naman akong sumama dahil hindi ko pa naman sinasabi sa parents ko na uuwi ako.
“Ayan tayo eh, sumama ka na libre ko naman lahat ng gastos,” alok uli ni Neil.
“Wow, big time! Sige na nga! Sasama na ako,” sagot ko sa kanya.
“Sige hantay kita ng alas syete sa terminal, doon kami magkikita ni Kaye, dala ko naman kotse ko wag ka mag-alala,” sabi niya sa akin. Napatingin ako sa orasan, At napagtanto ko na ang estimated time ng pagdating ko sa Bataan ay alas tres ng hapon.
“Eh saan ako tatambay ng alas tres ng hapon? Bawal naman ako umuwi sa amin baka hindi na ako payagan umalis.” Sabi ko sa kanya.
“Edi sa amin ka muna dumiretso,” sabi niya.
“Sinu-sino ba tayo?” tanong ko.
“Kakulit mo naman ay Ahrianne,” sabi niya, “tayong tatlo nga lang. Bakit may naiisip ka pa ba na isama? O may tao kang gusto mo na kasama?” Alam ko kung saan patungo ang pagtatanong niya.
“Neil nga! Tigilan mo ako,” sabi ko.
“Tawagan ko na ba si Niel?” tanong ni Neil.
Noong narinig ko ang pangalan niya ay bigla akong nalungkot at parang bumigat ang dibdib ko. “Hayy nako nevermind!” sabi ko nalang at pilit na ngumiti. “Sige na bye bye na matutulog na ako dito sa biyahe,” sabi ko sa kanya.
“Oh baka lumampas ka nanaman tulad ng dati?” sabi niya. Dati kasi ganito rin ang setup namin, kas medyo nadelay ang lakad namin dahil lumampas ako ng mga limang bayan, sa Mariveles ako napadpad.
“Hindi na, promise sige na bye bye na Niel, see you later?” Medyo namali pa ako ng bigkas ng pangalan niya. Ang nabigkas kong pangalan ay kay Niel na tunog “nyel”, ano ba iyan!
BINABASA MO ANG
Clarity
RomanceMay mga bagay na sadyang hindi mabigyang linaw. May mga bagay rin na sadyang malinaw naman pero ayaw mo lang tanggapin kaya mukhang malabo. Pero may mga bagay na sadyang nakakalito at sobrang labo. Gaya ng sitwasyon naming dalawa. Sitwasyon na walan...