CHAPTER 8

27 3 0
                                    

LittleRed_Dress' note: Basahin nyo yung Chapter 1 ulit ha?!? Binago ko eh!!!!

enjoy!!!

Vote. Comment. Share.

~*~*~*

June 2, 2014, Monday

Chlorella's POV

Tatlong buwan na makalipas ng nagkaroon ng kapayapaan. Dalawang buwan na rin magmula ng malaman kong wala na kong suportang pinandyal na matatanggap mula sa QMA dahil sa isang flat 80 sa card. Maskit, pero ganoon talaga.

Kaya nagdesisyon kami ni Author na lumipat ng school. Sa isang High School sa Paranaque. Si Autgor, madadalian yang mag-adjust kasi plastik daw lahat ng mga kalase niya. Ako, namimiss ko na sina Diane, Alona, Jadmine, at si Maxi.

Nga pala, ngayon ang First day of school namin. Nakasimangot ako. Wala kasi akong kakilala. At dahil mataas ang grades ko at teachet dito ang ninang namin ni A, first section kami pareho. Ang bad trip ay nakangiti na si Chlo kanina (pang-umaga ang mga grade 7 at 4th year) at ako, mamaya pa ang uwi. Haysst.

Nainis ako sa 'My name is....' portion. Hindi ako kindergarten.

Umuwi ako ng nakasimangot. Inantay ako ni A sa SM Bicutan. At dahil di sila nagpapapasok ng naka-uniporme ng mga iskwelahang karatig (pwera kung may guardian), nagpapasalamat akong naka-civilian kami.

"Chlo!" tawag ni A sakin mula sa malayo. Nakita ko naman sya nakaupo sa may upuan sa labas ng Mcdo. May lalaking nakaupo sa harap niya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at pagtingin ko ay parang  pamilyar yung lalaki. Parang...

"Quez?!?" patanong kong pagtawag sa kanya. At tama nga ang hula ko. Bumbunan pa lang niya, alam ko na eh. Haha.

Nakakunot ang noo niya. Ang laki ng problema. "You did not told me you were moving out." walang emosyon nyang sabi.

Nakatayo pa rin ako. Hindi man lang nila ako pinaupo. "Kasi naman... yung scholarship ko.. biglang nawala kaya bigla akong lumipat. S-sorry." nahihiya kong sabi.

Ngumiti si Quez. "Don't worry Tibs. Hindi ako galit. I was just... shocked. But I am not mad at you."

"Talaga?!?" nakangiti kong tanong.

"Talaba." sagot ng ignorante kong kapatid.

"Epal." pagsisimula ko sa pang-iinis.

"Rude." sagot ni A.

"Epsi!"

"Mean!"

"Pam-pam!"

"Careless!"

Sabay kami ni A na napatingin kay Quez. Nakangiting pinapanood kami ni Quez. "Bakit di ka nang-aawat?!?" sabay na sabay na tanong naming dalawa.

"Remember that I said that the two of you are annoying in a good way?!? Mark my word girls." nakangisi nyang sabi.

"Eh... bat ka nga pala nandito?!?" pag-iiba ko ng topic.

"My uncle lives here. I had my vacation in here. BTW Tibs, did you spent your birthday?!?"

Napahalumbaba labg ako. "Nag-mall lang kami kasama si Tita Hayley... Bumili kami ng mga libro saka nag-arcade kami!!! Saka kumain kami sa buffet."

"Our parents were busy na eh. Mom got a job from the company of her parents. Ganoon din si daddy. Kahit ganon, Tita Yzabelle was always with us." dugtong ni A.

"Sorry...." paghingi ni Quez ng tawad.

"Ano ka ba?!? Kahit nung wala pang trabaho si mama ganyan na setting namin kaya immune na ko. At least tong si A, close sya kay mama. Ako... wala." unrti-unting pumatak ang mga luha ko.

Tinignan muna ako ni A. "Chlo... sorry."

Suminga ako sa tissue. "Ang drama. Wala yun. Quez, manlibre ka naman o! Gutom na ko eh!"

"Sige. But wait..." pinunasan nya yung mga mata ko gamit yung mga daliri niya. "There you go. I'll just buy something to feed Chlo's dinosaur in her stomach."

Napangiti ko. Hindi sya nabibigong mapatawa o mapangiti ako. Kaya nahulog ako sa kanya. Ganito pala ang love?!? Yung akala mo babagal ang lahat pag lalapit sya sayo tapos bumibilis naman ang oras pag kasama mo sya?!? Yung hahamakin mo ang lahat makasama mo lang sya. Yung, nagwawala lahat ng organs mo lalo na yung pasaway mong puso tuwing tititigan ka nya, bibigyan ng compliment, o di kaya ay sasamahan ka. Ang sarap naman umibig.

Ang problema ko nga lang, one sided love ata ito. Ako lang ang nagmamahal. Masakit, oo. Pero ang sarap sa pakiramdam. Kung dati ayaw mo na mabuhay, bigla ka magkakaroon ng pag-asa. Bakit? Kasi meron kang dahilan upang bumangon sa kama at batiin sya kahit good morning lang sa text. Pero uulitin ko, masarap magmahal kaya lang maaakit din kasi KAIBIGAN lang niya ako.

Bumalik si Quez. Nanahimik kami. Alam nilang hindi ako madaldal pag kumakain. Gusto ko tuloy-tuloy. Walang sagabal haha.

Nang matapos ang aming kainan, tumayo na kami at aalis.

"Chlo, goodbye." paalam ni Quez.

"I hate saying goodbyes" sagot ko. "Ang goodbye kasi para sa hindi mo na makikita kailanman. Dapat 'till tomorrow'. "

Nginitian nya ko. "Okay. Till tomorrow Tibs."

Nginitian ko din sya. "Till tomorrow Beks."

At tumungo na kami sa mga direksyong aming pupuntahan.

Nang makauwi kami sa condo unit ng ninang namin, nung matutulog na kami ay bigla akong kinausap ni A.

"Chlo?"

"Uhmm?" nakapikit kong tugon.

"Masaya ka na ba?!?" tanong sakin ni A.

"Hindi. Kasi wala pa kong kaibigan sa bago kong school."

"Loka. I mean about you and Queztine.... are you happy with your status?!?"

Natigilan ako sa sinabi nya. "Okay lang."

Kahit madilim, alam kong ngumisi sya. "You're such a liar Chlo. Don't worry. I know what will happen next." at tinalikuran ako ng bruha.

Nagsalubong ang mga kilay ko... "Magiging kami?!?" tanong ko ng punong-puno ng pag-asa.

Nagkibit-balikat lamang siya. "Sleeptight Chlo." at tinulugan nya ako.

-__- Badtrip.

Kung alam nya ang susunod na0 mangyayari, ano kaya yun. Ahhh. Ayoko mag-isip. Nakakasakit ng ulo.

Pero di pa din ako nawawalan ng pag-asa! :)

Stuck In The ElevatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon