CHAPTER 7

30 3 2
                                    

LittleRed_Dress'note:Yzabelle, wala kang magagawa. Kailangan ko ng bagong character. Haha. dedicate ko sayo to :)

Vote. Comment. Share.

~*~*~*

March  21, 2014, Friday

Chlorella's POV

Matapos ng insidente noong February 14, sinunod naman ni Quez ang pinakiusap ko. Akala ko ipaglalaban nya ko. Akala ko paninindigan ko sya. Ganon ba yon? Kung mahal mo ang isang tao, hahamakin mo ang lahat masunod mo lang sya?!? Kung ganon, ang selfless ng mga kalalakihan. Hindi na ako ginugulo ni Venus at ng konsiyensya ko. Pero bakit hindi ako masaya?!?

Kasi nauno ako mahulog bago ako tumalon. "Jump then Fall" nga daw sabi ni Taylor Swift. Ang pagtalon, yun yung pagririsk kung  magiging kayo talaga. Kaya una yun sa paghulog na yun na yung pagmamahal itself. Bakit ako nahulog sa kanya?

Nagmamartsa na si Quez. Gold medal kasi sya kaya huli siya. Ako, bronze lang kaya una.

Tumingin ako sa gilid, nakita ko si Venus. Nginitian nya ko. Yung ngiti nya sakin nung hindi pa kami magkakilala ni Quez. Nginitian ko sya pabalik. Pilit yung akin. Gusto kong magmakaawa sa kanya. Feeling ko selfless ako kasi pinasaya ko sila. May pagka-selfish din kasi sinaktan ko si Quez for the sake of peace.

Nang matapos ang program, uuwi na sana kami ni Author. Ang kapatid kong nagyayabang kasi Valedictorian sya. (Kahapon yung graduation nya). Eh pareho lang naman kaming si Tita Hayley ang umattend sa mga graduation at recognition namin. NEVER our parents. College na si Tita Hayley na kapatid ni Daddy. Elementary pa lang si Tita Hayley, sya na kumukuha pati ng card namin.

"Chlorella!" tawag ni Venus. Nakahawak sya sa braso ni Quez. Lumapit sila samin

"Hay nako Chlo. Yang bruhilda na yan sarap batukan!!!" pabulong na sigaw ni A sakin.

"Yung bibig mo A!" paninita ni Tita Yzabrlle. "Ano Chlo? Pupunta ka sa kanila?!?"

Bumuntong-hininga ako. "Tita Hayley, Kaya ko to."

Nginitian ako ni Tita Yzahelle. "Okay. Basta andun lang kami sa waiting shed ha?!? A, tara!" at naglakad sila papalayo.

Kumalas si Venus mula sa mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ni Quez. Dali-daling tumungo si Venus sa kinaroroonan ko.

"Chlorella! Pwede ka bang makausap?!?" masiglang tanong ni Venus. Tumingin sya kay Quez. "Privately."

Tumango naman ako. Hinila nya ang braso ko at naglakad kami papuntang second floor.

"Venus, kung tungkol to kay Quez I'm-" at hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil itinapat ni Venus ang hintuturo nya sa bibig ko.

"Shh. It was not your fault." bumuntong hininga sya at tinanggal ang nakaharang nyang kamay sakin. "Ako dapat ang magsorry sa lahat ng sinabi ko sayo. I was to greedy and selfish."

"Huh?!? Wala-"

"Hindi yon wala. Alam kong nasaktan ka. And from the 'kaibuturan' ng puso ko, sorry." at yinakap nya ko.

Wala sa loob ko ibinalik ang yakap sa kanya.

Kinalas ni Venus ang pagkakayakap sakin at hinawakan nya ang mga ang kamay ko. "Alam ko na kung bakit ako naiinggit sayo."

"Ha?!? B-bakit?!?" kinakabahan kong tanong.

Ngumiti sya. "All because, besides from your badass atitude, na 'wala akong pake basta bahala na' and 'walang basagan ng trip', you still have a kind heart. Ang selfless mo masyado. And I guess, that is what Quez liked about you."

Lalo kumunot ang noo ko. Ngumisi naman sya. "Di ba sabi nga nila; 'The truth will set you free'?!? And because of the truth, all of my anger and pain was released. Sige na, may konting pain pa din kaya lang, nakakatulog na ako sa gabi at mapapasaya ko ang iba."

Nginitian ko sya. "Ikaw ang tunay na selfless."

Tinignan nya ako ng masama. "You are the badass but I am the b*tch in here okay?!? Secret lang natin yung about kay Quez ha?!? But seriously, hindi ko to ginawa for the two of you. Ginawa ko to para malinis na ang konsensya ko at masigurado kong hundi impyerno ang bagsak ko. Alam kong kayo ang para sa isa't isa. Wait! I have to talk to your sister para mas lumaki na ang assurance ko! And turn around, your knight in shining armor is coming."

Umukot ako at si Quez ang bumungad sakin. "Hi Tibs."

Ngumiti ako. "Hello Beks. Namiss mo ko no?!?"

"Oo. At alam kong ikaw din." sagot nya habang nakangisi.

"Wow! Straight na yung Tagalog mo! Pinarebond mo yang dila mo no?!?"

"Maybe." at bumaba kami. Nakita ko si A at Venus na nagngingitian. Ang saya. Payapa ang lahat.

"A sampalin mo ko!" sabi ko kay Author.

Ang bruha ginawa nga. Ang lakas pa.

"A!!!" sita ko.

"Masunuring bata lang." at ngumisi sya. "Hindi ka nananaginip."

"BTW. Remember my vision about Quez asking a favor to you?!? It was for him. Dapat sya ang binalaan ko na huwag sumunod sayo pero I'm happy with my mistake." dagdag ni Author at nagtawanan kamin lahat.

Pinatunayan ni Venus sakin na totoong ang permanente lang sa mundo ay ang pagbabago at lahat ay pwedeng magbago.

Perpekto na ang lahat para sakin sa mga oras na to. Sana ganito na lang lagi.

Stuck In The ElevatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon