Chapter 3:

115 5 0
                                    

"Matigas ang ulo mo? O sige. Asahan mo ako sa school. Pahihirapan kita. Hmm. Haha...nakakatawa."

Pero sa totoo lang hindi ko alam kung hanggang saan ang aabutin ng pisi ko dahil sa'yo. Inuubos mo ang pasensya ko eh. Pero nakakatuwa ka talaga.

"Kung ano man ang gumugulo sa'yo makakatulong ako! Bumaba ka lang diyan. Isa akong social worker, mag-usap tayo."

Akalain mo nga naman. Nagpadala pa sila ng social worker sa itaas ng gusaling 'to. Humarap ako sa kanya nang dahan-dahan. Ipinakita pa niya ang ID niya habang nakatitig sa aking mata. Tantya ko ay mga nasa 50 years old na ang babaeng ito. Ang mga kamay niya ang nagsasabing hindi pa siya humahawak ng mabibigat na gawain sa bahay. Ang leeg niya ay nagsasabing 'oo tama ka...nasa 50 years old na nga ako.' Pero ang mukha niya ay parang nagsasabi na nasa 30 pa lang siya. Maganda siya, pero umiwas na lang ako ng tingin at muling humarap sa bangin na kinatatayuan ko.

"Wag kayong lalapit," sabi ko na lang sa kanila. Agad naman silang naglayuan at pinigilan ang isa't-isa. Muli kong hinithit ang sigarilyo na hawak ko. Nasaan na ba ako? Ah oo nga pala. Noong nagulat ka at nakita mo akong nasa school pa.

______________________________

Hindi naman ako nagresign. Iniisip ko siguro mas kailangan mo ng gabay para sa pag-aaral mo. Siguro kung wala ako eh baka hindi ka na pumasok. Ewan ko ba sa inyo. Ang mga katulad mo kasi mawala lang ang inspirasyon nila sa pag-aaral eh hindi na papasok, magbubulakbol. Ang malala eh magdodroga, magbibisyo...at ano pa nga ba? Patapon na buhay. Hindi ko ginusto ang mangyari sa'yo 'yon. Kaya eto, andito ako sa eskwelahan at naglalakad sa hallway para makarating sa klase natin. Pero nakita kitang nakatambay sa labas ng room. Malungkot, kausap ang mga kaibigan mong hindi ko naman alam kung alam ang sitwasyon mo. Pero sa tingin ko ay alam nga nila. Nagulat ka nang makita mo akong papalapit. Ang malungkot at namumugto mong mga mata ay biglang nagkaroon ng buhay. Para bang nagkakulay ang lahat sa paningin mo. Tumayo ka at kinausap mo ako.

"S-sir...akala ko po nagresign na kayo?" sabi mo sabay harang sa harapan ko. Ginawa ko lang blangko ang ekspresyon ko para maitago ang natatawa kong karakas.

"Are you happy now? May klase pa tayo. Bakit kayo nakatambay dito?" strikto kong tanong. Agad namang nagsiyukuan habang naglalakad papasok ang dalawa niyang kasama habang siya eh nakatayo lang sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. Nakangiti lang siya habang nakatitig sa aking mga mata. Hindi ko malaman kung naiiyak siya o natutuwa. Para hindi maging awkward ay nauna na akong pumasok sa room, saka siya sumunod nang papalapit na ako sa aking mesa.

"Where were we? Ah...nagbigay ako ng assignment sa inyo last meeting 'di ba?"

"Yes sir..." tamad nilang sambit. Agad akong dumeretso sa white board at isunulat ang mga katagang 'Quantum Physics.'

"Sir...ang quantum physics po, napansin ko lang. P-parang nangyayari 'yan sa araw-araw din 'di ba?" Si Janina ang sumagot.

Nakakapanibago kasi hindi naman siya talagang palasagot sa klase. Mahiyain siya pero sa pagkakataong iyon ay sumagot siya...nang hindi ako nagtatanong. Tumingin ako sa kanya. Tila kinabahan naman siya, kala mo ay sinisilaban habang nakaupo sa kanyang upuan.

"You were saying something? Ms. Garcia?"

"Uhmm. I was thinking of something sir. I'm...I'm sorry."

"Don't be. Gusto kong marinig ang paliwanag mo about quantum physics," sabi ko sa kanya sabay upo sa harapan ng aking mesa.

"Well sir...para sa'kin kasi interesting yung law of attraction sa physics. Parang...you reap what you sow. You get what you give...uhmm..."

Hindi ko makita yung sense kung bakit kailangang sabihin nya 'yan sa harapan ko. Napakunot na lang ako ng noo habang nakatingin sa kanya.

"Pero bakit po sa love. When you have something to give...when you gave almost all of your effort eh wala pa ring bumabalik?" Napatingin ang buong klase sa kanya. Ang iba ay napapangiti pa. Namula naman ang mukha niya at tila nahiya. Napangiti rin ako at napatingin na lamang sa aking mesa.

"Uhmm...I'm sorry," sabi niya sabay yuko.

"Don't be. Maganda yung paliwanag mo, that's true..hindi patas ang mundong ito Ms. Janina. Masanay ka na. Hindi porket ang isang bagay ay kayang magbigay ng force ay mapapagalaw niya na ang bagay na kasalubong niya. Kasing simple ng pagsuntok sa pader. Hindi mo na nagalaw yung pader, nasaktan ka pa," paliwanag ko. Napansin ko naman na biglang lumungkot ang kanyang ekspresyon. Tumayo ako sa aking kinauupuan at naglakad-lakad sa harapan.

"Pero let me tell you something. Some forces are not the same. Hindi sila magkatulad pero they were meant to be intact." Agad siyang nabuhayan ng loob at muling tumingin sa akin.

"Gaya na lang ng static at magnetism. We all know that in magnetism, north and south attracts each other. In static, negative attracts positive energy. Kaya siguro pwedeng kontrahin yung sinasabi mo about love." Napangiti na lamang siya at muli na namang namula ang kanyang pisngi.

"Yiee...ayan may sagot ka na sa love problem mo," panunukso naman ng iba pang mga estudyante ko sa kanya. Napangiti na lang ako ulit at sinubukang magsulat ng panibagong lesson sa white board. Tiningnan ko siya ng ilang beses, nakangiti pa rin siya. Ayokong magbigay ng malalim na depinisyon sa sinabi ko kanina. Nagbigay lang ako ng paraan para maging magaan ang lahat para sa kanya. Ayokong habambuhay niyang kimkimin ang salitang 'walang forever'. Masakit isipin na wala nga. Wala naman talaga eh. Ang lahat ng bagay ay naluluma at nasisira. Ang lahat ay napaglilipasan. Ang lahat ng tao ay namamatay.

________________________________

Pero hindi ko alam kung nagkamali ako ng pagkakasabi ko sa'yo niyan. Wala akong nararamdaman para sa'yo. Kung meron man ay hindi pagmamahal 'yon. Yun ang inakala ko.

Nakakapagod din palang tumayo dito sa mataas na harang na ito. Sinubukan kong umupo. Bawat galaw ko ay napapatili ang mga tao sa baba at sa aking likuran. Muli akong humugot ng isang stick ng sigarilyo sa aking bulsa. May dalawa pa akong natitira, ibabawas ko muna ang isa para alalahanin ang lahat. Sinindihan ko ang sigarilyong iyon, hinithit ang usok nito sabay buga. Dinala na lang ng hangin ang usok sa aking likuran. Malamig pa rin ang hangin. Mas lumalakas pa. Tantya ko ay nasa 50 kilometro per oras na ang hangin na tumatama sa aking muka. May kalamigan na halos aabot na sa 20 degrees celsius. Mas malamig pa pala ang paskong ito kaysa sa inaakala ko. Mas okay pala talagang nagsisindi ako ng sigarilyo para mainitan ng kaunti...bago tuluyang matapos ang lahat.

The Jumper (Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon