Kinuha niya ang kasisindi ko lang na sigarilyo sa aking bibig nang makita niya ako sa labas ng campus. Uwian na noon at pinili kong magrelax muna nang kaunti pero nandoon na naman siya. Hindi ko alam kung sinusundan niya ako, inii-stalk niya 'ko o talagang nagkakatagpo lang kami sa malaking campus na ito.
"Nagyoyosi ka pala. Sir," sabi niya.
"Akin na 'yan!" Sinubukan kong kunin muli ang sinindihan kong sigarilyo pero lumalayo lang siya--- parang batang pasayaw-sayaw sa daan habang inilalayo ang bisyo ko sa akin.
"Ayoko nga, Sir. Masama 'to sa kalusugan mo eh. Sige ka...ikaw din."
"Akin na sabi 'yan eh."
Lumapit ako at sinubukan kong muling agawin ang sigarilyo pero nakita lang ako ng mga co-professors ko. Napatigil ako dahil baka isipin nilang nakikipagkulitan lang ako kay Janina. Kinawayan ko sila nang kaunti, kumaway naman sila pabalik at naglakad na palayo.
"Akin na 'yan...isa!" Muli kong hinabol si Janina para lang kunin ang sigarilyo ko
"Ayoko Sir haha..." Tinapon niya ang sigarilyong iyon sa basurahan. Kasabay noon ang pagkainis ko sa kanya. Umiling-iling na lang ako at naglakad palayo.
"Uy Sir, sorry naman." Sinubukan niyang humabol, kinapitan niya ang braso ko na tila pinipigilan ako.
"Sira ka talaga. Last stick ko na 'yon eh. Bibili na naman tuloy ako ng bago," sabi ko.
"Ano po bang mahalaga sa yosi? Napapansin ko kasi lagi kayong nagyoyosi. May pinagdadaanan ka ano, Sir?" tanong niya.
"Oo...ikaw ang pinagdadaanan ko. Pwede bang tigilan mo na lang ako, Ms. Garcia?!" bulyaw ko sa kanya. Natahimik na lamang siya habang nakatingin sa akin.
"Akala ko ba totoo 'yong sinabi mo? Pwede naman 'di ba? Opposites attract Sir. Iyon ang sabi mo."
"Sinabi ko 'yon for the sake of our discussion sa klase. I don't mean everything I said back there. Iniisip mo bang para sa 'yo 'yon, Ms. Garcia? You're really insane!" sigaw ko sa kanya. Ayan na naman tuloy siya sa mukha niyang parang pusang kinawawa.
"'Wag mo 'kong tingnan ng ganyan..." sabi ko sa kanya. Napayuko na lang siya habang nakatingin sa ibang direksyon ng kalyeng iyon.
"Akala ko ba pwede, Sir? Bakit hindi mo makita sa sarili mo na may feelings ako para sa 'yo?!" sabi niya sabay lapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko habang yinuyugyog.
"Dahil hindi pwede. Ilang beses kong sasabihin sa 'yo 'to? Estudyante kita, propesor mo 'ko. Hindi pa ba sapat na dahilan 'yon?"
"Hindi...kasi sa tuwing maririnig ko 'yon iniisip ko na hindi tayo pwede kasi prof kita...estudyante mo 'ko. Hindi mo sinasabing wala kang feelings o anuman. Kaya alam ko meron...meron kang nararamdaman."
Tuwing nagkakaroon kami ng mga diskusyong ganito nabobobo ako. Minsan iniisip ko mas matalino pa siya siguro kaysa sa akin. Tama nga siya. Ano nga bang meron at lagi kong sinasabi na prof niya ako at estudyante lang siya? Bakit hindi ko na lang sinabi na ayoko kasi hindi ko siya gusto, hindi ko siya mahal. Pero ang totoo dahil sa effort niya kaya ako nagkakaganito. Ang malas lang talaga at dumating pa sa buhay ko si Janina.
"Sir naman..."
Tinanggal ko ang pagkakakapit niya sa braso ko. Tiningnan ko siya sa mukha na para bang gusto ko siyang palayuin. Para siyang magnet at ako ang bakal niya. Lagi niya na lang akong nakikita at kapag nakikita niya 'ko agad siyang kumakapit at kapag nandiyan siya, mas lalo rin akong nalilito.
"Mas okay siguro kung nagresign na lang ako. Ewan ko ba sa 'yo!" sabi ko sa kanya.
"Eh bakit hindi mo ginawa?" tanong niya.
"Kasi nag-aalala ako na kapag nawala ako eh magkanda leche-leche na 'yang buhay mo. Kasalanan ko pa. Sumpa ka talaga sa 'kin, Ms. Garcia. Kung pwede lang talaga, ibaling mo na lang 'yang sinasabi mong pagmamahal sa ibang tao."
Natahimik na naman siya. Ganoon na ba ako kasama talaga? Inilalayo ko 'yong mga taong nagmamahal sa 'kin. Kaya walang tumatagal na tao sa paligid ko eh. Mga magulang ko tinaboy ako. Sabi ng mga kapatid ko arogante raw ako. Masama bang gawing katotohanan ang mga bagay na gusto kong gawin? Masama bang maghangad ng bagay na makakapagpabuti sa akin? Pero ang tanong mabuti pa nga ba? Bakit ko ba kailangang ilayo si Janina sa akin?
"Sir...kahit isang araw lang. Kahit isang araw lang oh. Para maintindihan mo lang 'yong nararamdaman ko, Sir..." sabi niya. Patay na, hindi ko napansing lumuluha na pala siya.
"Sana kahit isang araw lang...'wag mo namang isiping estudyante mo ako...hindi ko iisiping prof kita. Iwanan natin lahat. Ang lahat ng taong huhusga sa 'tin. 'Wag natin silang isipin...dahil wala naman silang pakialam sa atin 'di ba? Kahit isang araw lang..."
_________________________________
Hindi ako nakasagot. Peste. Masasabi kong maswerte akong tao, pero malas siya dahil binibigay niya 'yong pagmamahal niya sa akin. Hindi ko naman maibigay 'yong kailangan niyang pagmamahal. Pero ano ang ginawa ko? Ang naalala ko'y niyakap ko na lang siya sabay halik sa kanyang noo. Hindi ko kaya. Hindi ko rin alam kung bakit. Ipit sa gitna ng tawag ng serbisyo, sa pagtuturo at sa pag-ibig. Iyon nga ba ang dahilan ko?
"Naisip ko rin ang sinabi niya noon. Kahit isang araw lang? Maiparamdam niya lang kung ano 'yong totoong nararamdaman niya? Para sa akin hindi patas. Hindi talaga patas ang ganoong set-up dahil masasaktan din siya sa huli. Pero..."
______________________________
Nagfile ako ng resignation sa unibersidad na pinagtatrabahuhan ko. Ano ang dahilan? Siya ba? Hindi rin. Saktong may sakit ang mama ko at kailangan kong dalawin sa Ilocos. Iyon ang sinabi ko sa mga co-professors ko. Pero ang bulung-bulungan sa klase ay nagresign ako dahil kay Janina.
"Masaya ka na?" tanong ko kay Janina nang makita niya ako sa madamong parte ng campus. Malungkot ang mukha niya, at dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang nakayuko.
"Ito na ang lahat ng gamit ko. Wala na akong gamit sa locker namin. Kahit sa faculty. Ang dami 'no?" Sabay pakita ng bag kong de gulong at ang ilang mga folders na hawak ko. Muli naman siyang umiyak.
"'Yan ka na naman. Iiyakan mo na naman ako. Uhmm...may gusto nga pala akong ibigay sa 'yo."
Ipinakita ko ang isang maliit na kahon. Inabot ko sa kanya iyon. Binuksan niya naman at doon ay nakita niya ang mga sulat niya na ibinigay sa akin. Lalo siyang napaluha nang makita iyon. Inabot niya iyon sa akin ulit at pinilit na ngumiti.
"R-regalo ko sa 'yo 'yan. Kung gusto niyo po itapon niyo na lang. Okay lang naman, Sir. Okay lang naman."
"Hindi...ikaw ang gumawa niyan. Kaya sa 'yo 'yan. Hindi ko matatanggap."
Ngumiti ako sa kanya. Naglakad palayo. Nilagpasan ko pa rin siya habang nakatayo at nakaabot ang kanyang kamay hawak ang box na iyon. Saka ko lang narinig ang mabibigat niyang paghikbi at paghinga. Napapikit na lang ako at napatigil sa aking paglalakad. Muli akong humarap. Nakatayo pa rin siya at dahan-dahan niyang ibinabalik ang kanyang kamay mula sa pagkakaabot.
"Malapit na ang sem break ah....gusto mong sumama sa Ilocos?" tanong ko sa kanya. Nagpahid siya ng luha sabay lingon sa akin. Ngumiti siya, napapatawa habang kinukuskos ang kanyang mukha dahil sa luha.

BINABASA MO ANG
The Jumper (Short Story
RomanceKung tutuusin ay halos 420 feet o kulang-kulang tatlumpu't limang palapag ang taas ng gusaling kinatatayuan ko ngayon. Ang bilis ng hangin na tumatama sa aking mukha ay umaabot ng 30 hanggang 40 kilometro per oras. Ang taas ng harang kung saan ako n...