Nakakatawa kasi nakikita ko na naman ang mga upos at pakete ng mga sigarilyo sa baba ng tinutungtungan kong harang. Ang dami na naman pala. Siguradong hindi ako bubuhayin ng bangungot na ito. 'Yon ang akala ko. Binaba ko ulit ang mga kamay ko kasabay ng paghupa ng tensyon ng mga tao sa ibaba.
"Wag kang tatalon. Hintayin mo kami diyan!"
"Mahabaging Dyos!"
"Dyos ko po, iligtas niyo po siya."
"Bumaba ka na diyan pre...kung ano man ang dahilan mo wala pa 'yan sa kalingkingan ng buhay mo."
Sino ba sila para sabihan ako sa kung ano ang gagawin ko? Diyos? Hindi ko alam kung naniniwala pa ako sa kanya. Pero alam ko kailan ko lang tinalikuran ang Diyos. May oras pa ba ako para bumalik? Andito na ako eh. Ano pa nga bang babalikan ko do'n? Wala na rin naman akong dahilan. Wala na...kasi nagpakatanga ako.
"Bumaba ka na diyan maawa ka sa ibang tao na nakapaligid sa'yo."
Marami na nga ang nakapaligid sa akin ngayon. Nasa halos limandaang tao na ang nasa ibaba. Kasama na ang mga tao sa likuran ko na sinusubukan akong pakalmahin. Kakalma ako. Sige. Sa paraang gusto ko. Lintik na sigarilyo kasi 'to hindi pa ako pinatay dati pa. Kumuha ako ng isa pang stick mula sa jacket na suot ko. Inilagay ko itong muli sa labi ko sabay sindi gamit ang lighter. Konting ubo lang pero okay na. Swabe na ulit ang lahat, pailing-iling ng kaunti sabay ngiti. Kelan nga ba kita nakilala? Kelan mo nga ba inamin sa akin na ikaw ang nagpapadala ng mga sulat na 'yon?
_____________________________
"Sir Evan. Phone call po. Janina daw?"
Alam ko ikaw na 'to. Malakas na rin ang loob mo at dahil hindi mo naman alam ang phone number ko eh tumawag ka sa opisina ng NSO. Matapang na galaw para sa isang babaeng mahinhin ang timpla.
Tumayo ako para puntahan ang kabilang kwarto. Nginitian ang ilang mga ka-opisina sabay sagot ng tawag mo.
"Hello?"
"Uhhm. Sir...si Janina po ito."
"Yah. I know. May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya. Segundo ang lumipas pero wala kang sinabi sa akin. Ang naririnig ko lang ay ang mabibigat niyang paghinga.
"Uhmm. Janina? May problema ba?" tanong kong muli sa kanya.
"Sir...kasi po na'ndito po ako sa labas. Okay lang po ba na mag-usap tayo?" sambit niya sa wakas. Pero nagulat naman ako. Bakit naman siya pupunta sa lugar na ito ng ganitong oras? Alas otso na ng gabi. Kung tutuusin ay halos dalawampung porsyento na lang ng lahat ng may trabaho ang nakikipagbuno ngayon para makasakay pauwi. Pero ikaw nagawa mo pang pumunta dito. Ano kayang pumasok sa kaisipan mo?
"Anong ginagawa mo dito? Nasa trabaho ako. Marami akong ginagawa."
"Sir...please," sabi niya sabay singhal nang kaunti. Ano pa nga bang magagawa ko. Andiyan ka lang naman sa baba at naghihintay sa akin.
"Haay...sige hintayin mo 'ko diyan." Para wala na lang makulit. Sige.
Pinuntahan ko siya. Dahil lang sa pagbaba ko sa hagdan na ito para makipagkita lang ay magsasayang ako ng 12 calories. Pero sige. Para lang malaman kung ano nga ba ang dahilan mo sa mga sulat na ibinibigay mo sa akin.
"Sir may naghahanap po yata sa inyo," sabi ni Mang Isko. Nginitian ko lang siya sabay lapit sa taong naghihintay sa akin. Hinawakan ko ang braso nya sabay lakad palayo.
"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya pagkabitaw ko. Wala siyang sinabi. Tiningnan niya lang ako na para bang may lungkot sa kanyang mga mata. Dumiretso kami sa pinakamalapit na convenience store. Kung susumahin ay malayo-layo rin dahil sa pasikot-sikot na dinaanan namin. Hindi pa rin siya nagsasalita. Bumili na lang ako ng maiinom at ibinigay sa kanya ang isa.

BINABASA MO ANG
The Jumper (Short Story
RomanceKung tutuusin ay halos 420 feet o kulang-kulang tatlumpu't limang palapag ang taas ng gusaling kinatatayuan ko ngayon. Ang bilis ng hangin na tumatama sa aking mukha ay umaabot ng 30 hanggang 40 kilometro per oras. Ang taas ng harang kung saan ako n...