Chapter 7:

95 4 0
                                    

"I'm sorry. Sorry kasi....masyado mo akong minamahal pero..." sabi ko sa kanya. Hindi ko masabi sa kanya ang mga susunod na kataga. Ayokong madismaya siya.

"Hindi naman ako humihingi ng kapalit, 'di ba? Masaya naman tayo ngayon. Naalala mo 'yong hiningi kong isang araw? Ginawa mong isang linggo. Dahil doon sobrang saya ko na," sagot naman ni Janina.

Tiningnan ko na lang siya at pagkatapos ay ibinaling ang tingin ko sa bintana ng bus. Umuulan na. Sa pagkakataong ito mas naiisip ko ang kalungkutan, ang katotohanang babalik na naman kami sa reyalidad. Anong mangyayari pagkatapos nito? Natatakot ako.

"Babalik na tayo. Gusto ko sanang malaman mo na, hindi ko kayang ibigay sa 'yo 'yong hinihingi mo," sabi ko sa kanya.

Naging tahimik lang siya pero nagulat ako nang tingnan ko ang nangingilid niyang luha, na nagsimulang gumuhit sa kanyang pisngi. Nilingkis niya na lamang ang aking braso habang itinatago ang kanyang mukha sa aking balikat.

"Sana hindi na lang tayo umalis. Hindi ko ito naisip, dahil akala ko okay na tayo."

"Babalik ka sa school mo, at hindi mo na ako makikita. Magtatrabaho ako nang maayos. Ayokong isipin mo ako pagbalik natin," sabi ko sa kanya.

______________________________

Nakakapansisi rin pala. Kasi noong mga panahong alam kong mahal ko na siya eh hindi ko inamin sa sarili ko. Hindi ko tuloy nasabi sa kanya. Ayokong mahalin siya kasi minahal niya ako. Hindi patas. Kaya gusto kong ibigay niya 'yong pagmamahal niya sa ibang tao.

Nang makauwi kami at maghiwalay sa bus station ay hindi na siya nakipag-usap. Bigla na lang siya umalis. Akala ko nga hinintay niya ako paglabas ko ng CR pero wala na siya doon. Naalala ko, hindi na rin siya kumikibo. Kasalanan ko naman kasi. Kasalanan ko lahat.

Noong pumunta ako ng school para bumisita ay nabalitaan kong wala na siya. Hindi ko alam kung nasaan siya. Hindi ka na raw pumasok. Akala ko magiging okay ang lahat. Iyon pala hindi. Hindi ko pinansin ang lahat. Akala ko kasi lumipat lang siya ng unibersidad. Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho sa NSO. Pero hindi ko alam kung anong klaseng lason ang iniwan niya sa mga labi ko. Ang naaalala ko lang kada minuto ay ang halik niya. Hindi ko makalimutan. Saka ko maiisip na hanapin siya kahit alam kong huli na ang lahat.

Binuksan na ng mga pulis ang mga ilaw sa ibaba. Gumagabi na. Ito na ang huling tawag ko sa kanya. Alam kong sa dinami-rami ng miss call ko sa kanya ay hindi niya rin ako pupuntahan talaga. Kahit naman na nakikita niya ako sa TV ngayon ay hindi niya pa rin ako pupuntahan. Hindi niya kaya at hindi niya iyon gagawin. Pero naalala ko lang ang pagkakataong nakita ko s, kasabay ng pagguho ng lahat ng pangarap ko. Hindi ko akalaing wala na pala talaga akong babalikan.

The Jumper (Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon