ANG SIMULA

251 7 0
                                    

ANG SIMULA

"Okay class.. Because it's your sembreak..  I'm going to give you a group project" 

Nagsimulang magreklamo ang mga mag-aaral.

"Mam naman eh! Paano kami makakapag-enjoy kung gagawa pa kami ng project mo?" reklamo ni Cynthia

"Yeah right! Kaya nga sem-break diba kasi 'break' " dagdag pa ni Elisa

"Eh mam.. Ano po ba yang group project na yan?" tanong ni Marco, ang nobyo ni Cynthia

"Simple lang naman tong project ninyo.. At sigurado akong makakapag-enjoy kayo!" paninigurado ng kanilang guro.

"Okay.. So tell us what's that project that can make us enjoy?" sabi ni Lizzy habang nakataas pa ang isang kilay

"Gusto ko kayong magsearch ng mga magagandang pangyayari o mga kababalaghan.. maaari kayong mag-search sa internet at gagawin nyo itong parang documentary... Ganun lang yon" paliwanag ng kanilang guro

"Duuuh~ Enjoy? Paano kami mag-eenjoy sa ganon?" sabi ni Lizzy sabay irap ng kanyang mata

"Nasa diskarte nyo na yan kung paano kayo mag-eenjoy.." sabi ng kanilang guro at ngumiti

Maya-maya lang ay tumunog na ang bell. Hudyat na iyon ng kanilang uwian. Iniwan na sila ng kanilang guro

Nagsialisan na rin ang mga estudyante sa kanilang silid-aralan.. Ang magkakaibigan na lamang ang naiwan..

Nagsilapitan ang mga lalaki sa pwesto ng mga babae

"So girls.. Anong plano naten? Total tayo lang din naman ang magkaka-grupo" sabi ni Darryl sa mga kaibigan

"We don't know either.." maarteng sabi ni Cynthia sabay cross-arms.

Mahabang katahimikan ang naganap sa kanila.. Pawang lahat ay nag-iisip kung ano ang kanilang dapat na gawin.

"Guys! May naisip ako!!" biglang sabi ni Chris sa mga kaibigan matapos ang mahabang pananahimik

"Ano naman yang naisip mo?" tanong ni Elisa

Tumayo si Chris at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon nya. 

Tiningnan nya isa-isa ang mga kaibigan..

"Mag-ghost haunting tayo" nakangising sabi nya sa mga kaibigan

"OO!! Masaya yan!! Makakapasa na tayo, makakagimik pa tayo tama?" pagsang-ayon ni Marco 

"NO!! AYOKO!! I--I'm scared of ghost!!" Pagtanggi ni Cynthia halata sa mukha niya ang takot. Namumutla na ang kanyang mukha

"Huwag kang mag-alala mhine!! Nandito lang naman ako para sayo eh! Walang masamang mangyayari sayo!" sabi ni Marco sa nobya at niyakap ito ng mahigpit..

"Oh! Tama na yang cheesy lines na yan!!" singit ni Darryl.

"Manahimik ka dyan Dar!" sigaw ni Marco

"But.. Where are we going to do that? I mean.. Do you guys know some places where ghost exists?" kunot-noong tanong ni Lizzy

"May alam ako kung saang lugar.. At paniguradong.. Magiging masaya tayo doon!" nakangiting sabi ni Chris sa mga kaibigan.

Nagkatinginan silang lahat at tumango sa isa't-isa...

ALAY (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon