ANG PAGTATAPOS

144 8 0
                                    

ANG PAGTATAPOS

Araw ng graduation nila.. Si Elisa ng valedictorian.. Masaya sya, kasama na rin Lizzy at Darrylle.. Pero hindi pa rin nila maitatago ang lungkot sa mga mata nila..

"And now, let's listen to the speech of our valedictorian.. Elisa Malubay!!"

Humugot ng malalim na hininga si Elisa bago nagsalita

"Una sa lahat.. Nais kong pasalamatan ang mga sumusuporta sa akin.. Sa mga taong tumulong sa akin para makarating ako dito.

Sa mga magulang ako at mga kaibigan ko.. Kung hindi dahil sa inyo, wala ako dito sa harap ngayon.. Sana manatili kayong nasa tabi ko..

Sa mga kaibigan ko na sila Lizzy at Darryle, salamat sa pagiging matatag.. Salamat kasi sa dami ng napagdaanan natin nanatili pa rin tayong malakas..

Sa mga teachers ko.. Thank you ng marami! Minsan nagiging pasaway din ako.. Pero talagang ginagabayan nyo pa rin ako sa kung ano ang dapat kong gawin..

Hanggang dito na lamang ang masasabi ko..

Maraming salamat sa inyo!"

Nagpalakpakan ang mga tao matapos ang speech ni Elisa.. Agad syang tumakbo papalapit sa mga kaibigan.

"Nice one girl! Ganda ng speech mo ha!" sabi sa kanya ni Lizzy sabay tapik sa kaibigan.. Napatingin naman si Lizzy kay Darryle.

"Balita ko may sasabihin daw si Darryle sayo!" dagdag ni Lizzy sbay ngiti ng malawak

"Ha? Ano yun?" inosenteng tanong ni Elisa..

"Oh ano Darryle? Natameme ka dyan? Eh smantalang kanina lang kung makatitig ka dito kay Elisa parang matutunaw na!" pang-aasar ni Lizzy

Napakamot ulo naman si Darryle at lumapit kay Elisa

"Oh ano yun Darryle?" tanong ulit ni Elisa

"Hmm.. Elisa kasi ano eh.. G- gusto-- Ay hindi.. Mahal kita! Oo tama mahal na nga ata kita!" biglang namula ang pisngi ni Darryl at napayuko

Napangiti naman si Elisa at inangat ang ulo ni Darryl

"I love you too!" sambit nito at binigyan ito ng damping halik sa labi..

ALAY (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon