BELINDA

146 11 0
                                    

BELINDA

"PARE!! SI CYNTHIA!!" hingal na hingal na sigaw ni Chris sa mga kasama sa kwarto

Agad na napabangon ang dalawa.

Tarantang bumangon si Marco at kinuwelyuhan si Chris

"Anong nangyari kay Cynthia?" tanong nya rito..

Ngunit sa halip na sagutin nya si Marco ay napayuko na lamang ito

"ANO SABING NANGYARI KAY CYNTHIA??! HAA?!" sigaw ni Marco ngunit nanatili itong nakayuko

"SUMAGOT KA PAG TINATANONG KA!!" sigaw nito sabay kawala ng suntok.

"MARC!! HUMINAHON KA!!" sigaw ni Darryl at inilayo ito kay Chris

"NASAAN SABI SI CYNTHIA? BAKIT HINDI KA MAKASAGOT? ANONG NANGYARI SA KANYA? SYA BA YUNG SUMIGAW?" sunod-sunod na tanong nito.. Nagsimula na ring tumulo ang mga luha sa kanyang mata

"N-nasa 3rd f-floor sya" sabi ni Chris at tumalikod..

Siniko ni Marco si Darryl para makawala.. Agad syang tumakbo paakyat sa 3rd floor. Hinabol naman sya ng dalawa..

"Cy-Cynthia?" hindi makapaniwala si Marco sa kanyang nakita..

Napaluhod sya at napayuko, para syang mawawalan ng lakas.. Lumakad sya papalapit sa dalaga..

"CYNTHIAAA!! SINONG GUMAWA SAYO NITO?!!" niyakap nya ang bangkay ng dalaga.. 

"M-marc.." sinusubukang pakalmahin ni Chris si Marco

"HUWAG MO KONG HAHAWAKAN!!" sigaw nito sabay tapik ng kamay nito.

"What happ-- OH MY GAAHD!!" nanlaki ang mata ni Lizzy sa nakita. Para syang nasusuka

"Bakit Liz-- CYNTHIAA!!" sigaw ni Elisa..

"OH MY GOSH!! NAKAKADIRI!!" sigaw pa ni Lizzy

Sino nga ba naming hindi mandidiri sa itsura ni Cynthia...

Dilat ang mata.. Nakalabas ang dila.. Puro sugat ang buong katawan

At ang nakakapapangilabot pa ay ay bukas ang kaliwang dibdib nito.. At nawawala ang puso nito..

"Ang mabuti pa.. Tawagin natin si Manong.. Sya lang ang makakasagot ng lahat ng ito!" sabi ni Darryl at dali daling bumaba

Lahat sila ay nakatingin sa bangkay ni Cynthia.. Si Marco naman ay patuloy pa rin ang pagyapos sa kasintahan.

ALAY (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon