PAGBUBUNYAG
"Sa ngayon.. Wala muna tayo dapat na pagkatiwalaan.. Kung hindi ang sarili natin" ang sabi ni Elisa..
Nasa isang silid sila ngayon.
"Papatayin ko kung sino man ang gumawa nito kay Cynthia!" sigaw ni Marco
"Marco! Tanggapin mo nalang ang nangyari! Alam naming mahirap pero tanggapin nalang natin.." sabi sa kanya ni Chris
"Tingin mo ba ganun nalang yun kadali?! PALIBHASA KASI HINDI MO ALAM ANG NARARAMDAMAN KO!!" sigaw nito. Hinawakan na sya ni Darrylle sa braso
"ANONG HINDI KO ALAM?! NAMATAYAN DIN NAMAN AKO DATI DIBA? NAMATAY YUNG GIRLFRIEND KO!! KAYA WAG NA WAG MO KO SASABIHAN NG GANYAN!!"
Natigilan ang lahat.. Nabitawan na din ni Darrylle si Marco
"I-ikaw! ikaw ang gumawa nito?" maluha-luhang tanong ni Elisa
Nanayo ang mga balahibo nila sa tawa ni Chris
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!! Ang galing mo Elisa!! Nahulaan mo!" ngumiti ng malademonyo si Chris. Akala mo'y nasaniban ng masamang ispirito..
"Hindi ikaw si Chris! Hindi ikaw ang kaibigan nam-----"
"KAHIT KELAN HINDI KO KAYO ITINURING NA KAIBIGAN KO!! GINAMIT KO LANG KAYO PARA MABUHAY MULI ANG GIRLFRIEND KO!! AT SIGURADO AKONG.. HINIHINTAY NA NYA AKO NGAYON!!" sigaw nito..
"Pwes.." napalingon sila sa nakayukong si Marco
"Pagsisisihan mong ginawa mo dahil.. MAMAMATAY KA RIN NAMAN!!!!!" bigla nitong sinugod ni Chris at pinagsusuntok..
Walang nagbabalak na umawat sa dalawa.. Lahat napupuno ng takot
"Darrylle! Let's go home!" aya ni Lizzy ngunit umiling lamang ito.
"Akala ko.. Tayo ang pinaka-masayang barkada" bulong nito
"TUMIGIL NA KAYONG DALAWA" sigaw ni Elisa.. Tumigl si Marco sa pagsuntok.. Puno na ng dugo ang mukha nya gayun din si Chris na halos wala nang lakas
"Patawarin ninyo ako.. Patawad Marco" sambit ni Chris.. Kumuha ng kutsilyo si Chris sa kanyang bulsa at isinaksak iyon sa kanyang kaliwang dibdib..
"P--pa--tawad" sabi nito at tuluyan nang nawalan ng malay
Napuno ng hagulgol ang buong kwarto..
Kahit na masama ang ginawa nito sa kanila..
Naging parte pa rin ito ng kanilang buhay..
Kahapon lang ay masaya sila.. Ngunit ngayon ay napalitan ng takot at lungkot..
Nabawasan na sila ng dalawang importanteng tao sa buhay..
Noong araw din na yon ay umalis na sila sa bahay..
Pumasok sila sa eskwelahan na halos walang lakas.. Napakalungkot nila..
Simula din nang makaalis sila sa bahay na iyon.. Hindi na muli nilang natagpuan si Marco.. Hinanap nila ito kung saan-saan ngunit wala ito..
Naisip na lamang nila na nagpakalayo-layo ito upang makalimutan ang nangyari..
BINABASA MO ANG
ALAY (One Shot)
HorrorPaano kung magkaroon kayo ng proyekto.. Na ang akala mo'y magiging masaya.. Iyon pala ay ang magdadala sa isang kakilakilabot na karanasan.. Handa ka bang... Iaalay ang buhay mo.. Para sa iyong grado?