MFIAG 49-- Failed

8.1K 192 5
                                    

MFIAG 49-- Failed

*Shey's Pov*

Matapos kong mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto ko at nandun na din lahat ng mga bagahe ko. Ready na din si Kuya kasi sya ang hahatid sakin sa airport.

Di naman daw sasama sina Mama dahil ayaw daw nilang dun mag iyakan. Haha natatawa nalang ako pero sa totoo lang, ayoko din na ihatid nila ako dun. Baka di ko kakayaning umalis. 

Hindi paman talaga ako nakababa ay nakita ko na si Mama na namumula ang mata. O sabihin nyo nga, sinong hindi din mamumula ang mata? Pero kahit gusto ng tumulo ng mga luha ko ay pinipigilan ko parin, dapat ipakita kong, matapang na ako at kakayanin ko dun sa Germany.

Nung nasa salas na ako, kabababa ko lang sa hagdan ay lumapit sakin si Mama at niyakap ako ng napakahigpit. Tapos kumawala sya at hinaplos haplos nya ang mukha ko habang nagsasalita.

"Ah, my daugther. Mag ingat ka dun lage, okay? Dont forget to eat, lagi mong alagaan sarili mo. I will miss you baby.  I love you. We will visit you okay?"

"I love you too, Ma."

Sagot ko naman kay Mama. Umiiyak na sya samantalang ako naman ay pipigil ng luha.

Maya maya naman ay si Papa nanaman ang lumapit sakin. 

"Princess, tandaan mo yung sinabi ng Mama ha? Bibisitahin ka namin dun, pag pumayat ko pagagalitan talaga kita kahit may mga nakikinig pa. Mag aral kang mabuti. I love you, prinsesa ko." Gusto na talagang tumulo ng mga luha ko pero hindi, hindi pwedi.

Hinilikan naman ako ni Papa sa ulo. Nakita ko din nag punas sya ng luha. Paaa :(

"Yes, Pa. Mami-miss ko din kayo ni Mama, I love you po."

"Sige Ma, Pa. Ihahatid ko na si Shey."

Nasa loob na ako ng kotse at habang pinapaandar na ito ni Kuya ay nakatingin lang ako sa salamin kung saan nakikita ko sila Mama at Papa na kumakaway.

Hanggan sa unti unti ng nawawala kasi palayo ng palayo na rin ang kotse.

Tahimik lang kami ni Kuya habang nasa byahe. Isa pa tong Kuya ko sa pinakamami-miss ko. Sya kasi ang pinaka the best Kuya sa mundo, ang human diary ko.

Sa Germany mag iisa nalang ako dun, first ko din to na mag-s-stay sa isang lugar ng matagal, 2years.. 2years din to.

Ang dami ko sigurong bagong ma-e-experience at lahat yun gusto ko talagang ishare dito sa human diary ko.

Hay. Hindi Shey, kaya mo to okay? Fighting!! :)) :(

Nandito na kami ni Kuya sa loob ng airport at nag sisimula na syang mag salita. Pero pipilitin ko paring di umiyak sa harap nya.

"Shey, 2 years kang mawawalay samin. Yes I know we will visit you there but I will still miss you. Dont change your self, okay? Kung gusto mong magbago for good lang. Dont let your memories here will chabge you there. Youre already a lady now, but remember.. for Mommy, for Daddy and for me you will always be our baby our Princess."

Nag pause muna sa sandali at hinalikan ako sa noo.

"Keep safe my princess, always take care. I love you."

Nag tip toe ako para maabot ang pisngi ni Kuya at hinalikan ito.

"I love you too kuya. Bye."

Tumalikod na ako at dinala ang maleta. Sa pagtalikod ko din ay unti unting tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ayokong umiyak sa harap nila kasi, alam kong mas di nila kakayaning umalis ako. Gusto ko din ipakita na, okay lang ako.. ayokong lagi silang nag-aalala sakin. Ang hirap *sob* na lumayo sa mga taong pinakamamahal mo. 

My Fiancee is A GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon