Chptr 7: Truth or Consequence

9 0 0
                                    

Xavi Lohardo's point of view

Shit naman. Sa lahat ng pwedeng bumisita si Dara pa. Tsaka! Di naman sya nagbisita. Nambwisit! Shit talaga. Anong sasabihin ko kay Ica? I mean.. paano?

Pagkalabas ni Dara sakto kararating lang nila tita at mama. Pwede na raw lumabas si Ica. Di na sila nagtagal sa ospital since ayaw nilang lumaki bill nila at sa bahay na lang magpapahinga si Ica. Di ko pa sya nakausap simula nun. Magtatatlong araw na ngayon at di na ako makakapagpigil..

Sasabihin ko na ang totoo.

Pumunta ako sa bahay nila at nadatnan ko sya nakahilata sa mat na nakalatag sa sahig at kumakain ng chips habang nanonood ng movie.

Alam nya na naroroon ako kaya ipinause nya agad ang movie.

"Ica.."

Hinarap nya ako. "Xavi, hindi pa ako nakakabawi sa rambol ng utak ko.. then nagkaroon na naman. Sabihin mo nga.. may dapat ba akong malaman?" Napatayo sya.

Ieexplain ko? Or ieexplain ko? Ieexplain ko na lang.

"Uhm.. Ica.." kaya mo yan Xavi.

Parang ang hirap sabihin.. kaso.. hindi ko kayang makita na syang naguguluhan at nahihirapan. Ayoko na rin na si Dara ang magsabi sa kanya. Baka maiba pa yung kwento.

"Tititigan mo lang ba ako?"

"Si Rj Zaquales at Rj Soriano ay iisa."

"That's it? And gusto mo maniwala ako sa'yo? Xavi, di nakakatawa."

"Totoo Ica. Please bel--"

"Kelan pa kayo nagkaroon ng communication? Siguro ginagamit lang ni Rj si Rios no!"

"Hindi Ica. Si Rasper Josef Soriano at Rios Joshen Zaquales ay iisang katauhan lamang. "

"I won't believe this nonsen--"

"Ica, I am telling the truth."

"No. Stop it Xavi! Stop it!"

"That's why bigla tayong nagkaroon ng transferee sa batch natin. Gusto nyang mapalapit ulit sa'yo. He wanted to tell you everything. He wanted to say sorry pero di nya alam kumpaano."

"Then tell me why did he hurt me? Bakit nya kaylangang sabihin sa'kin lahat ng yun?! Diba pati ikaw sinaktan nya? Nasaktan ka sa sinabi nya kaya nasaktan mo rin ako? SHET ANO BA PURO PASAKIT."

"Hindi na ako ang sasagot sa mga tanong na yan."

Hindi ko na kaya ang atmosphere. Lumabas nko ng bahay nila. Umiiyak na naman sya. Dahil sa'kin. Sorry Xy. Sorry Xy.

--

Lameeee :((

Then, Now, and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon