Chptr 9: It is time.

2 0 0
                                    

Rios's POV

Building A. Building A. Sa likod ng Building A.

Nandito na sya. Kanina nya pa ako hinihintay. Hindi nko mapakali. SASABIHIN KO NA ANG LAHAT. ANG LAHAT LAHAT NG TOTOO.

"Ica.."

"Bakit Rj? Bakit?"

"Ica, huminahon ka. Ang gusto ko lang ngayon.. Makinig ka lang sa lahat ng sasabihin ko. At pagkatapos kong magsalita, hahayaan kitang gawin kung ano mang ninanais mo." Sabi ko na diretsong nakatingin sa mata nya. Ganito ako ka-sincere.

"S-sige.." Kinakabahan siguro sya.

"Ba't ang cold mo sa'kin? Dahil ba sa hinika ka nang dahil sa'kin? Di ko naman yun intensyon. Gusto lang kitang masolo nung mga oras na yun. Gusto kitang makabonding, kumbaga. Ayaw na ayaw kitang ipahamak. Ayaw ko ipahamak yung...babaeng nagpabago sa akin.

Si Xylica. Ikaw. Ikaw...yung babaeng gustuhin. Ikaw yung girlfriend material. Ikaw pa rin yan. Ikaw kasi yan.

Napakatanga ko sa ginagawa kong to. Bumalik ako sa ibang katauhan. Bumalik ako nang may ibang pangalan. Hindi ako naduduwag na magpakita sa inyo pagkatapos ng ginawa ko. Natatakot lang ako na baka, iba na yung mabalikan ko rito.

Pero hindi. Walang nagbago. Akala ko kayo na ni Xavi. Pero tutok ka pa rin sa pag-aaral. Ikaw pa rin yung...Xylicang nakikita ko lagi sa simbahan sa Singapore."

Umiiyak na sya. Ayoko syang nakikitang ganyan.

Pero kaylangan ko tong ituloy.

"Ica.. Ako si Rasper Josef Soriano. Nagkakilala tayo 6 years ago sa simbahan sa Sg. Nang dahil yun sa jolens. Diba? Natatandaan ko pa yun. Hindi ko yun makakalimutan kasi yun yung araw na.. Ngumiti ulit ako dahil sa masaya ako, hindi dahil sa nagpapanggap akong masaya."

--

Then, Now, and ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon