P R O L O G U E
DANE'S POV
Nag-aasikaso ako sa aking kwarto nung may kumatok sa pinto kaya napahinto ako sa ginagawa at hinintay na bumukas iyon.
"Ma'am tally, pinatatawag po kayo nang daddy niyo sa kanyang opisina. Ngayon na raw po." Napairap naman ako dahil sa tinawag sa akin at dahil na rin sa sinabi nito.
"Yes ya! Pupunta na ako, just a minute."
"Okay po ma'am"
Maya maya lang rin ay narinig ko na ang yabag papalayo nang aming katulong.
Napaupo naman ako sa kama at napakamot sa batok, alam ko na kung anong pag-uusapan naming mag-ama at nauurat na ako dahil paulit ulit na lang grr.
But i don't have any choice so i immediately get up and fix myself before going out and went to my father's office.
Pagkarating ko sa opisina ay walang katok katok akong pumasok at nakita ang aking ama na kuno't noong nakatingin sa akin. Pasimple naman akong umirap dahil don.
"Don't you really know how to knock ha Tally Dane? And don't you dare roll your eyes on me again."
"Tsk! What is it again dad? What do you need?" Pabalang kong sagot at sumandal sa nakasarang pinto.
"Can you please make yourself a lil' bit polite? Nakakairita yang mga ganyan mong pananagot tally. And please take a seat. " Masama ang tinging sabi niya at iminuwestra ang upuan sa harap ng table niya. And i've no choice but to obligue.
"There! So what now dad? May pupuntahan pa ko so please make it fast." Hindi ko na naitago ang inis ko.
"God! You're really a pain in the ass tally dane."
"Oh well, dahil nagmamadali ka naman na i'll get straight to the point. You'll enter REBEL HIGH this coming school year and you can't do anything about it." Ngingisi ngising sabi niya.
"Wth dad? Nakakailang lipat na ako ng school ha?! Every year na lang nililipat mo ko hindi na ko tumagal sa isang school. Ano bang problema mo dad? Simula nung mawala si mommy lagi ka na lang ganyan, lahat gusto mo ikaw ang nasusunod." Hindi ko na napigilang ivoice out ang mga gusto kong sabihin. Punong puno na ko.
"You really don't know? Isn't it obvious based on the name of your new school? REBEL HIGH and you're a Rebellious one so you belong there. And kaya ginagawa ko to dahil gusto kong mapabuti ka dahil simula nang mamatay ang mommy mo ay nagkaganyan ka na. Hindi ka dating ganyan anak, kaya sana maintindihan mo ako." Mahinahong sabi ni dad. Napayuko naman ako dahil alam ko sa sarili kong totoo yung sinasabi ni dad.
Since mamatay si mommy ay naging ganito na ako. To tell you guys honestly mabait at tahimik na tao ako dati, pero nung mamatay si mommy dahil sa kapabayaan ni daddy nag-umpisa na akong maging ganito.
Si mommy lang ang kakampi ko sa lahat ng bahay kaya hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon na wala na siya at wala na akong kakampi.
Naglakad ako palabas sa opisina ni dad pumasok sa kwarto nila, eto na lang ang natitira kong ala-ala kay mommy ang kwarto nila at mga gamit niya. Pagkarating ko dun ay pumasok agad ako at nilibot ang tingin sa paligid ng kwarto nila. Wala pa ring pinagbago at ganon pa rin ang ayos and i'm thankful to that.
Pumasok ako sa closet nila at kumuha ako ng isang damit ni mommy bago lumabas at umupo sa kama, napansin ko naman ang picture naming tatlo nila mom and dad kaya kinuha ko yun. Napakasaya pa namin dito na kung titignan ay parang wala kaming problema, pero ngayon wala na si mommy. Naramdaman kong tumulo ang luha ko kaya dali dali kong pinahid yon. Mula nang mamatay si mommy pinangko ko sa sarili ko na hindi na ulit ako iiyak dahil hindi na ako yung dating mahina na Tally Dane Baltazar.
Humiga ako sa kama nila dad at niyakap ko nang mahigpit ang damit ni mom habang iniisip na siya yung yakap yakap ko at hinayaan kong tumulo yung luha ko hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Naalimpungatan ako at napatangin sa orasan, 3:50 pm na ang haba naman ng tulog ko. Pero agad din akong napabangon nung maalala kong may lakad nga pala ako tss stupid bat ko ba nakalimutan.
Dali dali akong lumabas sa kwarto nila mom at pumunta sa kwarto ko para mag-asikaso. After kong mag-ayos ay sinuot ko yung leather jacket ko at kinuha yung shades at susi ng kotse ko. Nung alam kong okay na lahat ay lumabas na ako ng kwarto at tumakbo pababa ng hagdan, nakasalubong ko pa nga si yaya lenny.
"Oh tally iha san ka pupunta? nagpaalam ka na ba sa dad mo?"
"May pupuntahan lang ako ya, hindi na po ako nakapagpaalam dahil nagmamadali na po ako sige na ya una na ako."
After kong sabihin yon ay agad agad akong lumabas at sumakay sa kotse ko. Pagkasakay na pagkasakay ko ay pinaharurot ko agad iyon at minaneho papunta sa lugar kung saan man ako nalilibang.

BINABASA MO ANG
REBEL HIGH
ActionREBEL HIGH School for those rebellious people that you will not dare to mess up with. Isa na rin si Tally Dane Baltazar sa mga rebellious at dapat katakutan. Si Dane ay isang rebel at may sariling batas, hindi siya natatakot gumawa ng kahit ano dah...