C H A P T E R : 6

12 3 0
                                        

Chapter 6

DANE'S POV

Nagising ako nang mga bandang alasingko nang umaga at gustuhin ko mang bumalik sa pagtulog dahil maaga pa ay hindi ko na magawa. Kaya napagpasyahan kong bumangon na at tumungo sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.

After kong maghilamos ay lumabas ako nang kwarto at tumungo sa kusina. Pagpasok ko ay nakita ko sa Manang Lenny na naghahanda na para sa almusal mamaya. Kinuha ko naman yung atensyon niya dahil parang hindi niya pa ramdam ang presensya ko.

"Yaya." I called her habang naglalakad para pumunta sa counter at tinukod ko doon ang kamay ko. Napalingon naman siya sakin at noong makita ako ay ngumiti.

"Oh hija ikaw pala, ang aga mo naman masyado? Hindi pa ako nakakapagluto nang almusal. Gutom ka na ba? Umupo ka na doon at ipaghahanda na kita." Sabi niya.

"No yaya, i'm not hungry. I just wanna ask you if may sinabi si dad about sa new school ko? Wala pa kasi yung mga documents ko and wala pa kong gamit cause i am expecting na siya na ang bahala sa lahat." Tinatamad kong tanong. Tumango naman siya sakin.

"Ah oo umuwi siya kagabi pero dahil tulog ka na hindi ka na niya ginising at binilin na lang sa akin. Umalis din kasi agad ang ama mo pagkatapos non. Nasa may lamesa niya raw sa library ang mga kakailanganin mo. Kumpleto na iyon." Nakangiting sabi ni yaya. Tumango naman ako at nagpasalamat. Palabas na sana ako nang tawagin niya ako kaya tumigil ako at lumingon.

"Yes ya? May kailangan ka?." I asked.

"Wala naman hija. Pero pinasasabi nang daddy mo na magdala ka nang maraming gamit mo dahil dormitory school ang papasukan mo. At hindi siya makakauwi dito nang ilang buwan kaya mabuti na rin yon. At magpakatino ka na raw ngayon." Mahabang sabi ni yaya. Nainis at napairap naman ako dahil don. Hindi ko na siya sinagot at tuluyan nang lumabas ng kusina.

Habang naglalakad ako papuntang library slash office ni daddy ay napapaisip ako. Dormitory ang papasukan ko which means hindi ako makakalabas don hanggat hindi natatapos ang school year. Nabadtrip naman ako dahil doon. Paano ako gagala kung hindi ako makakalabas don? At saka sila Lope hindi ko makikita baka magtampo yung mga yon. Kahit kailan talaga pinasasakit ni dad ang ulo ko, jesus.

Maya maya lang din ay nakarating na ako sa harap nang office ni dad at agad agad ko naman itong binuksan at pumasok. Pagkapasok ko pa lang ay nakita ko na ang isang folder kasama ang mga gagamitin ko sa school na yon. Agad agad ko namang tinignan ang mga gagamitin ko at napairap na lang ako dahil masyadong girly ang mga cover nang notebook. Badtrip ka talaga dad kahit kailan.

After kong tignan ang mga iniwan ni dad ay napagpasyahan ko nang bumalik sa kwarto para mag-asikaso. 6:00 kailangan makaalis na ako dahil 7:00 daw ang start nang klase doon.

After mag-asikaso ay inayos ko na lahat nang dadalhin kong mga damit. Nilagay ko lahat sa maleta at yung iba ay sa bagpack. Nung makita kong okay na ang lahat ay nag one last look muna ako sa salamin. Hindi pa ako nakauniform dahil dun ko pa lang makukuha sa school na yon together with my i.d. Kaya ang suot ko lang ngayon ay Jeans at Loose Shirt. Yes hindi ako girly manamit ever since dahil mas komportable ako sa mga boyish outfit.

Habang pinagsasama sama ko yung mga dadalhin ko ay biglang tumunog yung phone ko. Nung tignan ko kung sino ang tumatawag ay napairap na lang ako. Tinatamad ko itong sinagot.

"What took you so long to answer your phone tally dane?!" Dad shouted angrily. Napairap naman ako dahil don. Tss.

"What now dad? You called me just to shout at me? What a very nice way of saying your Goodmorning." I said, sarcastically. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

REBEL HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon