Chapter 2
DANE'S POV
Pagkarating ko sa garahe ay agad agad akong bumaba at tumungo sa front door ng bahay. Hindi pa man ako nakakakalahati sa pagpasok ko ay sinalubong na kaagad ako ni dad. Tsk bakit ko ba nakalimutan na mag-aabang to.
"San ka galing tally? Kumain ka na ba? Hindi mo man lang nagawang magpaalam kahit saglit. Ganyan ka na ba talaga?" Dad said with his begging voice.
"Pwede ba dad? Sa Shooting Range lang ako galing at kasama ko sila Penelope kanina so wag na kayong mag-alala jan. Saka kumain na ako, kumain na kami sa restaurant. Pagod ako so aakyat na ho ako sa taas." Pilit na galang kong sabi at tumalikod. Pero bago pa ako makarating sa hagdan ay nagsalita siya. Napahinto naman ako dahil don.
"Alam kong galit ka sakin anak, tally. Pero wag mo naman sana akong tratuhin ng ganito dahil tatay mo pa rin ako at karapatan kong makatanggap ng respeto galing sayo. Mag-iisang taon nang wala ang mommy mo kaya sana naman mapatawad mo na ko. I don't want us to be like this forever anak, and i know your mom won't like it too. So please talk to me, yung maayos." Pagmamakaawa ni dad. Pero hindi ako makaramdam ng awa dahil hanggang ngayon masakit pa rin.
Nagbiglang harap ako sa kanya habang may namumuong luha sa mga mata ko, hindi ko na kayang ikimkim pa to kaya ngayon ko ilalabas sa kanya lahat ng hinanakit ko.
"REALLY DAD? YOU REALLY WANT MY FORGIVENESS? HOW WOULD I BE ABLE TO FORGIVE YOU IF UNTIL NOW I AM STILL HURTING. DAD NASASAKTAN PA RIN AKO EVERYTIME NA MAIISIP KO NA NAMATAY SI MOMMY DAHIL MAS PINILI MONG MAKIPAGKITA SA MGA BARKADA MO AT MAGLIWALIW KAHIT NA ALAM MONG NUNG TIME NA YUN AY MAY MGA NAGBABANTA SA BUHAY NATIN. NI HINDI MO MAN LANG NAISIP NA MAARI KAMING GALAWIN NUNG MGA YON KAPAG UMALIS KA. AT ALAM MONG WALA AKONG KALABAN LABAN DAHIL NUNG MGA PANAHONG YON MAHINA PA AKO AT HINDI AKO GANITO."
"DAD! ALAM KONG ALAM MO NA SI MOMMY LANG ANG SANDALAN KO, OO NAIINTINDIHAN MO KO PERO SI MOMMY HINDI LANG PANG-UUNAWA ANG BINIBIGAY NIYA SAKIN. DID YOU KNOW WHAT MOMMY IS ALWAYS GIVING ME WHEN SHE'S STILL BREATHING? NO? WELL LET ME TELL YOU THEN. SHE'S GIVING ME HER FULL TIME AND LOVE. THE THINGS THAT I DIDN'T GET FROM YOU. CAN YOU UNDERSTAND ME DAD? I LOVE MOM MORE THAN YOU BECAUSE SHE ALWAYS SPEND HER TIME WITH ME, UNLIKE YOU. YOU'LL GIVE ME THE MATERIAL THINGS AND THAT'S IT. SO NOW CAN YOU BLAME ME FOR NOT GIVING YOU MY RESPECT AND FORGIVENESS? IKAW ANG RASON KUNG BAKIT NAMATAY SI MOMMY DAD. SO PLEASE STOP BLABBERING DAHIL LALO LANG AKONG LUMALAYO AT NAGAGALIT SAYO EVERYTIME NA MAAALALA KO ANG PAGKAMATAY NI MOMMY." Pagbuburst out ko habang umiiyak. Sabi ko hindi na ako iiyak pero heto ako ngayon, crying my heart out.
Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at dali dali akong nagtungo sa kwarto ko at nilock iyong pagkapasok. Humiga ako sa kama at niyakap ang unan ko at doon ako umiyak ng umiyak. Narinig ko naman na nagsalita siya sa labas.
"Anak tally, kausapin mo ako. Hindi ko gusto yung nangyari please anak. Forgive me please. Ayoko ng ganito tayo, please my daughter." Naririnig kong sabi ni dad. Lalo akong naiyak nung marinig ko na medyo nagcrack yung boses niya. Pero hindi ko pa rin siya pinansin at umiyak lang ng umiyak.
I'm sorry mommy if i'm like this to dad. But i really can't help it but to blame him for your death. Alam kong hindi mo gustong maging ganito ang samahan namin ni dad pero mom hindi ko pa kaya. Nasasaktan pa rin ako kada babalik sa alala ko yung pagkamatay mo. Mom miss na miss na po kita. Mom kahit saglit lang balikan mo ako, gusto kong marinig ulit ang boses mo at gusto kitang yakapin ng mahigpit. Please mom kahit isang beses lang. Sana po mapatawad mo ko sa ginagawa ko pero mom promise ko po sa inyo, kapag okay na ako i'll try to forgive dad para po sayo. I love you and I miss you so much mommy.
Hinayaan ko na lang na tumulo yung luha ko at inalala lahat ng mga alaala namin nung buhay pa si mommy. Maya maya lang rin ay nakatulog na ako, dahil siguro sa sobrang pag-iyak at pagod.

BINABASA MO ANG
REBEL HIGH
AçãoREBEL HIGH School for those rebellious people that you will not dare to mess up with. Isa na rin si Tally Dane Baltazar sa mga rebellious at dapat katakutan. Si Dane ay isang rebel at may sariling batas, hindi siya natatakot gumawa ng kahit ano dah...