Chapter 5
Stephan's POV
So habang papalayo ang sasakyan ko sa bahay nila Dane ay nag-umpisa na kaming mag-usap ni Lope about our plan.
"So what are we going to do? Susundan talaga natin si Dane sa school na yon?" Lope asked.
"Yes! Susundan natin siya don for assurance na hindi talaga siya mapapahamak. Mahirap na, alam natin na kayang lumaban ni Dane pero may kahinaan pa rin yan. So doon din tayo mag-aaral para may kasama siya." Mahabang paliwanag ko.
"Lakas talaga nang tama mo kay Dane ano? We're best of friends since day 1 but i didn't saw you like this. You're so effort to get her attention when it is so obvious that she doesn't care and give a damn about your feelings. She is kind kaya pinatutunguhan niya tayo/ikaw nang ganyan pero alam kong alam mo na walang malisya yon. So wake up Stephan and stop pushing yourself to Dane." Nakataas ang kilay na sabi Lope. Tsk dami na naman niyang nasabi.
"Alam mo ikaw? Ang dami mo nang nasabi tapos lumayo ka pa sa topic. Concern lang ako kay Dane kaya ganito ako okay? Napakamo talagang mag-isip tsk." Iritadong sabi ko.
"Concern? Really stephan? Concern ka rin naman sakin pero hindi ka dumating sa point na sinundan mo ko para lang masure kung safe ako. So hindi ka pala talaga concern sakin kasi hindi ka naman sumusunod sakin ganon? Unbelievable." Sabay irap niya sa hangin. Nakakabaliw talagang kausap tong babae na to.
"Alam mo ikaw? Napakagaling mo talaga mag isip. Ewan ko sayo. Pag-usapan natin yung gagawin bukas hindi yung kaano ano lang na maisip mo." I said while glaring at her. Hindi na lang kasi makisama, puro kalokohan ang iniisip.
"Fine! Ano bang balak mo talaga?" Nakairap na sabi niya.
"Yun nga susundan natin si Dane sa REBEL HIGH so ako nang bahalang mag-asikaso ng mga kailangan nating papeles. Basta bukas na bukas papasok agad tayo so don't be late. We will meet on the cafe nearby sa village niyo." I said nang hindi tumitingin sa kanya.
"Yes boss i won't be late para naman makasama mo agad ang love of your life. Tss." Kahit hindi ko siya tignan alam kong tumitirik na ang mata niyan.
"Ewan ko sayo." I said.
"Whatever Stephanie." Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na sa pagmamaneho.
Yes tama ang nabasa niyo. Susundan namin si Dane sa REBEL HIGH para sure kaming safe siya. Mahirap nang hayaan mag isa yung war freak na yon. I'm sure bukas na bukas magkakaroon ng first encounter with some students yun don. So kaya eto kami ni Lope susunod sa kanya.
And yung sinasabi ni Lope na love of my life ko si Dane is hindi totoo. Yes type ko si Dane but i'm not inlove with her and i don't know where did Lope get that idea. Malawak lang talaga imahinasyon niyang babae na yan. Concern ako sa kanilang dalawa so kung sino man ang kailangan nang suporta at tulong one call away lang ako so ewan ko sa kanya bakit ganyan siya mag-isip.
After nang ilang minuto pang biyahe ay nakarating na rin kami sa bahay nila at hininto ko ang kotse ko sa tapat nang gate nila. Hindi ko na pinasok dahil hindi naman na rin ako magtatagal dito dahil aasikasuhin ko pa papeles namin.
Pagkaparada ko ay humarap ako sa kanya. "So bukas ha? Wag kang malelate dahil maaga tayong papasok." I said, half smiling.
"Yes yes, no need to repeat. Oh sige na, mag ingat ka sa pagmamaneho." After niyang sabihin yon ay lumabas na rin siya nang kotse at pumasok na sa gate nila nang walang lingod lingon.
Noong masigurado kong nakapasok na siya sa loob ay agad agad ko nang minaneho yung kotse ko patungo sa bahay.
---------------

BINABASA MO ANG
REBEL HIGH
AzioneREBEL HIGH School for those rebellious people that you will not dare to mess up with. Isa na rin si Tally Dane Baltazar sa mga rebellious at dapat katakutan. Si Dane ay isang rebel at may sariling batas, hindi siya natatakot gumawa ng kahit ano dah...