C H A P T E R : 4

20 2 0
                                        

Chapter 4

DANE'S POV

Ngayon ay naglilibot na ulit kami at mall at naghahanap nang makakainan after namin lapitan si Lope kanina. Noong una badtrip siya kay Stephan pero ilang minuto lang din ay pumayag at sumama na siya. Ewan ko ba don, ang bilis magchange ng mood.

Si Stephan na naman yung nasa unahan namin para maghanap ng makakainan namin dahil mas alam niya ang mga kainan dito sa mall na ito, gala kasi ang loko at laging napapadpad dito. Habang kami naman ni Lope at nakasunod lang sa likod niya.

Maya maya lang ay tumigil si Stephan at humarap samin.

"You know what guys? Narealize ko na nakakasawa na palang kumain sa labas. So naisip ko why not cook na lang sa house niyo Dane at movie marathon tayo? Good idea isn't it?." Stephan suggested while wiggling his brows up and down.

Napaisip naman ako doon and narealize ko rin na tama naman siya, mas maganda kung sa bahay na lang kami atleast hindi pa kami masyadong mapapagastos. Tumingin ako kay Lope to know if she's agree.

"What? Wag mo kong tignan, basta gora ako wherever it is." Nakataas ang kilay na sabi ni Lope.

"Dane's house then. Btw nasa inyo ba si tito? You know takot kami don dahil nakakaintimidate yung dad mo." Stephan asked.

"No dad isn't there, as far as i can remember may business trip siya so basically ilang araw yon mawawala and that's a good thing for me." I answered.

"Let's go to market then, bili tayo ng ingredients. I want carbonara." Parang batang sabi ni Lope. Napatawa na lang ako. Pagdating talaga sa pagkain ang bilis niya.

"Okay, to market then." I said. After ng pag-uusap namin ay lumabas na kami ng mall at pumunta sa parking area at sumakay sa kotse ni stephan. Maya maya lang rin ay nakarating na kami nang market kaya agad agad kaming lumabas ng sasakyan.

"Halika na, i'm so excited." Lope said while smiling widely. Napailing na lang ako at agad agad nang pumasok sa loob.

Si Lope na ang hinayaan naming kumuha ng mga ingredients dahil siya naman ang may gusto at nagdecide kung ano ang lulutuin namin. After makumpleto ang kailangan ay agad agad na kaming dumeretso sa cashier para magbayad. Si Stephan ang nagbayad so less gastos kami lols. After non ay lumabas na kami at sumakay sa kotse na agad namang pinaandar ni Stephan.

---------

After nang mahigit isang oras na biyahe ay nakarating din kami sa bahay. Agad agad naman kaming pinagbuksan ng guwardiya ng gate at pinasok agad ni Stephan yung kotse sa garahe. Agad akong lumabas at pumasok dahil aabisuhan ko ang mga katulong.

"YAYA LENNY! I'm here na, please prepare the Movie Room manonod kami nila Lope and please help them with the plastic bags. Lope want a carbonara so cook for us, bumili na kami ng ingredients." I said habang naglalakad patungo sa hagdan.

"Sige iha, kami nang bahala." Yaya lenny answered.

"And tell to both of them to wait for me, i'm going to change my clothes." After kong sabihin yon ay umakyat na agad ako at nagtungo sa kwarto ko.

After kong magpalit ay agad agad akong bumaba at nakita ko naman sila na nakaupo sa sofa.

"Guys, akyat na kayo sa Movie Room alam niyo naman na kung saan yon. Punta lang akong kitchen." Tumango lang sila sakin bago tumayo at tumungo na sa taas. Habang ako naman ay nagtungo sa kusina para macheck kung naumpisahan na ba ang pagluluto. Pagkapasok ko ay nakita ko silang may kung anong pinagkakaabalahan kaya nagsalita ako.

"What's that? Naumpisahan niyo na ba ang pagluluto? Baka magutom na yung mga kaibigan so mamaya na yan." Mahinahong sabi ko. Pag dating sa mga katulong namin maganda pakikitungo ko dahil ganon ang trato ni mama sa kanila so hanggang kaya ko gagawin ko yon.

REBEL HIGHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon