Chapter 5

34 0 0
                                    

Snowbelle

"Belle? Hinahanap ka ng kaibigan mo..." Katok ni yaya sa pinto ng kwarto ko, actually bago lang ako grumaduate ng senior high kaya break muna namin ngayon...

"Belle, hija? Kanina pa sya doon... Hinihintay ka nya," saad ni yaya, tumayo ako mula sa pag kakahiga sa kama at pinag buksan sya ng pinto...

Pinagsisihan ko kung bakit ko pa binuksan ang pinto...

"Kausapin mo naman ako, Snowbelle..." Pag susumamo nya sakin...

"Alis na ako–"

"Ya! Dito lang po kayo!" Saad ko Kay yaya, "Sige po, Ya, ako na po ang bahala..." Pinanlisikan ko sya ng mata...

Bwesit!

"Mag usap tayo." Saad nya na naman, at ako'y nababahala dahil sa kaseryosohan nya...

"The heck? Umalis ka na nga!" Bulyaw ko sabay sira ng pinto ngunit na harang nya ng kamay.

"Ano ba! Snow, hindi na tayo mga bata para maging immature!"

Ako? Immature?

"Kung ako immature, ano'ng tawag sayo? Ha?! You don't have the right to say that towards me! Sino ka ba sa inaakala mo ha?!" Gigil na gigil ako, lumayo ako sa pinto at hinayaan syang makapasok sa loob ng kwarto.

"May problema ba tayo, Snow? Ano ba, may nagawa ba ako na ikinasama ng loob mo? May nasabi ba ako? Snow! Hindi ako manghuhula! Please tell me!" He's frustrated.

Natawa ako ng mapakla dahil sa mga sinabi nya...

"Problema? Wala, walang problema...nagawa na ikinasama ng loob ko? Wala, wala kang nagawa saking masama...may nasabi? Wala, wala kang nasabi... Haha! Masyado ka lang nag o-overthink." Sabi ko na lang kahit ang totoo sakit na sakit na ako...

Problema? Oo! Meron! Kayo ni Ate ang problema ko!

Nagawang ikinasama ng loob ko? Oo! Marami! Sinasaksak mo ko sa paraang hindi mo namamalayan! May peklat na nga siguro...

Nasabi? Oo! Kahit maliliit lang 'yon, kahit mababaw lang 'yon... Still, it hurts me a lot. Bulag ka lang kasi, kahit alam mong ikakasakit ko tinutuloy mo parin, para sakanya, gagawin mo.

Gusto kong sabihin yon sakanya ngunit hindi pa napapanahon...

"Just go... Kung maari hindi na muna kita makita, para narin maiwasan ang ganitong pag uusap na hindi naman tayo sanay... Palamigin muna natin ang mga sarili saka kung okey na, doon na tayo mag usap o di kaya mag kita ulit..." Pinipigilan kong umiyak sa harap nya, nanatili akong matatag...

"Is that really what you want?" He asked, then I nod.

Lumapit sya sakin, bago hinawakan ang mag kabilang pisngi ko't hinalikan ang noo ko...

"Basta, kung kailangan mo ako, I'm always here for you... See you when everything is fine, Lady." Saad nya sabay labas ng kwarto ko.

I wanted to stop and just hugged him but I know I shouldn't. Kailangan kong panindigan ang mga sinabi ko sakanya.

Para narin hindi ako ma fall ng mas malalim at para narin hindi na ako dumepende sa kanya... He have his life so do I.

Iiwas ako hanggang maari...

Kahit masakit, kailangan.

Pasasalamatan ko rin ang sarili ko dahil sa naging desisyon kong ito.

One day, I'll forget you.

One day, I won't care.

One day, It won't sucks.

One day, It doesn't matter.

One day, It'll vanished.

Just, One day... And it will end just like this. Me and myself will be free from this crashing feelings someday...

-----------------

P.S: You deserve to be happy, Lady Bug... But, he doesn't deserve to be broken when the day you'll going to leave him...

Sinong excited?

*Taas kamay*

Ako!!!! Hehehe!

Stay with me mga pepols!


Kung ako nalang sana...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon