Episode #3 Half

53 5 0
                                    

 PREVIOUSLY:

“When Ms. Olivares said she has a relative here . . .  she was pertaining to you right?”

Bigla akong natulala.

_________________________________________________________________

“Huh?”

“Don’t even try to deny it. You already answered me just by your reaction.”

“Haha. As if.”

“I don’t know why you are making such a big deal out of it.”

“Seryoso. Hindi nga.”

“Okey. If that’s what you say.”

Ibinaling na muli niya ang atensyon sa hawak na libro. Sinabi man niyang okey pero sa tingin ko pareho naming alam na nagsisinungaling ako. Para sa akin siya na ang first friend ko sa High School kahit alam kong hindi siya ganoon sa akin. Mabait siya, matalino, at hindi mapanghusga.

Sasabihin ko ba?

Sinasabi ng utak ko na huwag pero may kung anong pakiramdam din na naguudyok sa akin na sabihin sa kanya. Sa tingin ko, mapagkakatiwalaan siya.

“Oo.”

“I’m sorry?” Hindi niya ako narinig.

“Oo. She is my sister. I mean half-sister.”

“Hhmm”, tumango tango lang siya habang sinabi iyon.

“So?” Inaantay ko ang reaksyon niya.

“So?” Nagtaka naman siya?

“Iyon, na iyon? Hhmm ka lang diyan? Paano mo nalaman?”

“I told you it’s no big deal.”

“Para sayo oo, pero para sa akin hindi. Secret dapat iyon. Secret okey?”

“What?” Bigla siyang natigilan.

“Anong what?”

“What did you just said?”

“Na oo magkapatid kami. Ngayon mo lang ba na-gets?”

“No. No. After you said that.”

“Na dapat secret lang na magkapatid kami. Dapat walang makaalam.”

Pagkatapos nun ay bigla na lang siyang ngumiti.

Wow. Totoo ba ‘to? Marunong siyang ngumiti?

“Ahmm. Hello?”

Nakangiti pa din sa akin iyong kausap ko.

O my god. Nababaliw na ‘to?

“You have no idea what you just did missus.”

*rrrriiiiiiiiiiinnnnngggggg!!!!!!!!!!

Bigla kaming napatayo sa pagtunog ng bell. Nagmadali kaming pumunta sa grounds at hinanap ang aming pila. Kahit sabay kaming naglakad hindi kami nag-kibuan. Ewan ko kung bakit pero iniisip ko kung ano iyong huling sinabi niya kanina. Gusto ko siya sanang tanungin pero nawala na iyong ngiti sa mukha niya. Balik ulit sa dati. Sa pila papuntang room, na sa likod ko na siya kaya hindi ko mabasa kung man ang iniisip niya.

Focus. Focus. Nasa room ka na ulit.

Pagkaupo. Hinanap ko siya sa paligid. Nandoon siya sa bandang likod.

Wow. Lahat meron na nga siyang spot under a tree, sa likod. Ang swerte nga naman.

Tatawagin ko sana siya pero nanatiling nakabuka ang bibig ko. Hindi ko alam ko man lang pala nakuha ang pangalan niya. Nakakahiya, hindi din pala ako nakapagpakilala. Ang bilis kasi ng oras. Alam ko na! Aabangan ko mamaya kapag nag roll call. Hehehe.

High School: Take A RideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon