Episode #7 S-T-A-R

30 4 0
                                    

Has anybody noticed na wala pang name ang ISANG character?

Sorry for the longest “first day” ever.  It took six episodes.

I’m trying to make things shorter now.

Enjoy reading!

____________________________________________________

“Ma!!!!!!”

Tahimik pa din ang bahay. Bakit walang tao? Nasaan si Mama?

“Ma!!!! Muuhh!!!!”

“Ano ba yun? Ang ingay ingay mo.”

Naglalaba pala siya sa likod. Nagpunas siya ng basang kamay kasi magmamano ako.

Habang nagmamano, “Ma, si Ate Janica. . . “ .

Bigla niya akong pinutol. “Haha. O Kamusta?”

Anong HAHA?

Nakakunot ang noo ko sa kanya.  “Wala pa ‘kong sinasabi.”

“Alam ko no.”  

Sanay na siyang hindi ako nangongopo.

“ALAAAAM MOOOO???”

“Eto naman makasigaw. Ang OA.”

“Anong OA? Ano ‘to?”

“Syempre surprise sa iyo yun. Hindi mo dapat malaman. Ang cool no?”

Grabe. Nanay ko ba talaga ‘tong kausap ko? Sa kanya ba talaga ako nanggaling?

“Surprise? Cool? Ang surprise bibilhan mo ako ng IPHONE 4S. Ang cool may sarili akong kwarto. Hindi yung share kami ni Ate Janica? Gusto ko ng mamatay!!!!! ”

“Hhoy. ‘Yang bunganga mo a. Anong mamatay, mamatay ka dyan?. Wag muna ngayon. Wala pa tayong pera. Kakabayad lang ng tuition mo. Ang mahal mahal din nung graduation fee ni Ate Janica mo. Hindi pa ‘yun bayad  sa bumbay.”

Grabe. Pera talaga ang inintindi hindi ako ?

Nakasimangot na ako. Sumalampak sa may sofa. Ano ba naman ‘yan. Wala talagang magandang nangyari ngayong araw na ‘toh. Napansin kong nakatingin sa akin si Mama.

“Ako ang nagsabi sa Ate mo na ‘wag ng sabihin sa ‘yo. Pasensya ka na anak. Akala ko matutuwa ka.”

Hhmmp. Ngayon naman kinokosensya niya ako.

“Nakakainis naman Mama e. Bakit doon pa? Bakit kailangan pa akong sundan?”

“Pero si Ate mo ang nauna sa school na iyon. Natanggap na siya doon bago ka pa man gumaling sa bulutong mo.”

Huh? Siya ang nauna doon!

“So. .  . . . “

“So . . . .  ?”

“Bakit doon niyo pa ako inenroll ? ?  ! ! ! ! !  Lalung nakakainis ! ! ! !  ”

“E kasi naman anak ang dami daming eskwelahan. Alangan naman isa isahin ko pa iyon lahat. Tsaka di ba sabi mo gusto mo malayo?”

“WWwaaaaahhhhhhhh. . . . . . . . . . .”

Tumakbo ako paakyat ng hagdag. Nakakainis na buhay ‘toh. Wala akong kakampi dito sa bahay. Lagi na lang akong pinagtitripan ni Mama tsaka ni Ate. Biglang tumunog ang phone ko. Nagtext si Ate.

Nasaan kna? Nakauwi knb?

Nice. May bantay na nga dito sa bahay, pati ba naman sa school. Initsa ko ang sa tabi yung phone. Wala akong balak mag-reply sa kaniya. Naku. Bahala siya dyan.

High School: Take A RideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon