Chapter 4

6.9K 75 0
                                    

    Ilang minuto pa ang nakakalipas ay inihatid na ng Manong Driver si Rolando sa kanilang tahanan na parang moderno ang disenyo ng kanilang mansyon — maari rin maging mansyon iyon dahil ang mga materyal na ginamit dito ay mula sa marmol, makinis na bato, kahoy para sa lining o border ng bahay, may terrace, usually white and grey ang kulay na ginamit sa pader ng bahay maliban sa ilang mga bagay na ginamit para sa decorations at lining sa bahay. Mayroong garahe ngunit wala namang sasakyan. Kaya no doubt bakit palagi nagko-commute si Rolando. Ito pa yung dating tinitirhan ng kaniyang kapatid at sa kaniya na nakapangalan dahil ang kaniyang kapatid ay nasa abroad din. Kung minsan dito dumadalaw ang kaniyang girlfriend kaso muli, ‘minsan’ lang. At minsanan lang din sila magkita pero nagkakausap din sa calls kapag break time lang. May ilang halaman din palang nakatanim sa gilid ng kaniyang tahanan at infairness, mayroon din silang bakod at gate. Siya nga pala, nasa tapat muna sila ng itim na gate pati ang taxi. Ipinapasok naman ni Rolando pansamantala ang sasakyan ng Driver sa loob ng garahe pero bago iyon ay bumaba muna siya, binuksan ang gate saka ipinarada muna sa loob ng garahe ang sasakyan ng Manong Driver.

    Unang pumunta si Rolando sa tapat ng pintuan habang nasa likod naman niya ang Driver na kasing-taas lang niya (ng height), na nakasunod lang sa kaniya. Ipinasok ang kaniyang susi sa door knob at pinihit ng kaniyang mga kamay. Nang bumukas ang pinto kasabay ang tunog ng bisagra’t-pinto, “Halika, pumasok ka.” Alok ni Rolando at lumakad naman ang Driver habang bitbit pa rin ang kaniyang kaba at kaunting nerbiyos sa susunod na mangyayari. At least, kung sakaling may mangyari  sa kanila, handa pa rin naman ang kaniyang loob.

    Sumunod din si Rolando saka isinara din ang pintuan at ni-lock din niya ang door knob. Tapos sinamahan niya muna ang Driver sa kusina para  uminom saglit ng tubig habang ang Driver ay naglilibot ng tingin ng kapaligiran ng buong kuwarto, lalo na ang sala, dahil nag-dadaing siya kanina na nauuhaw na siya kaya naman sinamahan muna nito ni Rolando. Habang binaba ni Rolando ang kaniyang bag at tuxedo sa kaniyang sofa, mayroong napansin ang Driver na Imported Beer Can mula sa fridge (hindi ko lang masabi na ‘refrigerator’ ng buo) at nagtanong kung pwede siya kumuha ng isa. Pumayag naman si Rolando at humiling na ikuha din siya ng isa nito.

    Bumalik ang Manong Driver sa sala dala ang dalawang Imported Beer Can at iniabot ang isa ng kanan niyang kamay kay Rolando habang naka-upo ito sa sofa. Napatingin naman si Rolando hanggang sa naka-kandado ang tingin sa Driver mula sa ulo hanggang sa iba na tipong parang iniskan ang buong anyo nito habang nakatapat sa kaniyang harapan ang Imported Beer Can na iniabot sa kaniya. Kinuha naman niya ito gamit ng kaniyang kanang kamay, “Salamat, Sir!” Paglugod niya. At ibinalik din ang kamay ng Driver. Napagtanto niyang naka-suot siya ng Blue na pantalon at itim na Rubber shoes, may sinturon na itim, Bagay sa suot niyang pantalon dahil tanaw ang hulma ng kaniyang maskuladong binti pati sa paanan nito.  Hindi mo aakalaing nag-GYM din ito dahil alagang-alaga din niya ang kaniyang katawan. Hindi inaasahan na napatitig bigla si Rolando sa malaking flat-chested ng Manong Driver, kahit may nasisilip itong buhok sa dibdib, napa-imagine kung mayroon siyang abs pero hinihiling sa kaniyang isipan na sana mayroon siya. At hindi mo rin aakalain na matambok din ang kaniyang pwet.

    Hindi nagtagal, nakatitig pa rin si Rolando sa Driver habang nakataas ang kaniyang kanang kamay at umiinom ng beer, napansin niya iyon nang kaniyang mata ay lumihis pakaliwa papunta ang tingin kay Rolando na natutulala.

    Pansamantalang ibinaba ang kaniyang kamay “B-bakit, Boss?” Pagtataka nito.

    Sa tono na iyon ay biglang nahulasan si Rolando na tila para bang ikinalampag sa mukha niya ang takip ng kaldero, nagkamalay din at napakurap sandali na tila, nauutal. “Ah eh,  ano... um,” Nanatili ang pagkautal at tila nagiging kakaiba ang kaniyang ikinikilos, tapos umakto muli na parang normal, “Ano nga po pala pangalan niyo, Sir?”

Road to TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon