Acknowledgement

2.1K 11 1
                                    

 Acknowledgement? Pasasalamat? Eh para saan halos lahat ng detalye ng mga ipinaglalagay ko dito ninety-four percent akin lahat ng detalye? Kung meron man ako pasasalamatan... edi sino..?

 Ah, Ayun! Eto-eto-eto...

 Happy 1K Followers sa Wattpad! Isang 'Ayieeeut' naman d'yan sa akin! HAHAHA!!! Anyway, Lubos po akong nagpapasalamat sa mga sunud-sunod na daily followers ko at counting pa rin po as of today. Nakakataba po sa heart. Pramis *sniffs* (Sana hindi niyo naman isipin na i-unfollow ako kasi magtatampo ako nu'n, sige kayo *sad*) Halos dalawang taon din akong naging inactive sa paggawa ng mga kuwento sa Wattpad at tila nawawalan na ng mga idea sa paggawa ng mga stories but I can create a story pa rin kasi gumagawa rin ako ng mga sanaysay, talumpati, thread or blogs like tutorials... kulang na lang ikuwento ko na rin ang buong buhay ko. Ngunit dahil sa unti-unti ninyong pagbabasa ng aking mga works sa Wattpad, nagkaroon muli ako ng pagkakataon na makagawa muli ng panibagong konsepto at gayunpaman, nanatili pa rin sa dyanra ko ang LGBTQ+, kasi bahagi din po ako d'yan. At uulit-ulitin ko sa inyo na hanggang d'yan lang talaga ang aking kakayanang gawa'n ng kuwento.

 O sige, isingit ko na rin yung kapatid ko, ka-workmate ko, kasi nagtanong-tanong din ako sa kanila kung ano talaga usually trabaho ng isang team leader lalo na sa call center. Kasi dati pangarap ko rin ang maging call center kaso baka hindi naman ako palarin dahil sa boses ko na mahinhin at baka hindi qualified... kahit sinusubukan kong i-adjust yung boses ko at gawing malalim ang tono na tila parang maskulado sa pandinig ng ibang mga tao... Ayun, sige salamat sa kanila dahil sa pagbibigay ng munting impormasyon.

 Isama ko pa si Men.com dahil sa kanila ang lakas nila makapag-impluwensya ng mga manonood at tila nagagawa na rin ng manonood yung kanilang napanood. At sana may mabait na mag-donate ng subscription para sa akin nito... Baka naman? Hihihi!

 Insert ko na rin si Kamisama dito kahit napaka-savage ng nasa scene na isinulat ko pero pakiramdam ko binigyan niya ako ng pagkakataon na makapaglahad muli ng panibagong kuwento ayon pa rin sa nangyayari sa totoong buhay ng bawat tao... at hindi sinasadyang ipasok ang matinding pambihirang karanasan sa kuwento.

 Sa mga loyal followers ko na nag-aabang pa rin hanggang ngayon ng 'His Temptation 3', bigyan niyo'ko muna pang-starbucks! Hahaha! Biro lang. Ano, medyo mapapahaba po kasi siya kung gagawin ko kasi sa tuwing iniisip ko yung possible happen regards du'n sa last scene ng Book Two of 'His Temptation', mas magiging challenging siya para sa akin at lalo pang dadami ang kaniyang yugto. May magbabago sa plot, attitude, manner, role ng gaganap sa kuwento. At kung pipilitin niyo talaga ako... Pilitin niyo kasi ako makagawa hindi yung naka-abang lang kayo d'yan! Hahaha.

 Muli, nagpapasalamat po ako sa pagtangkilik niyo sa aking mga kuwento. Have a nice day!

 O siya nga pala, flex ko na rin yung First Explicit Men-To-Men Gay Erotic Sexperience na ginawa ko na halos aabot ng 100K Views. (Cover drop below if skipped.) Grabe, hindi ko din inaakala na makakaabot pa siya ng ganu'ng kadaming views! Maraming salamat din po sa pagbabasa ng Una at Ikalawang libro ng 'His Temptaion'. Hindi bale, sa mga susunod na buwan baka siya na rin ang magiging project na aking gagawin... Soon! *smiles, feeling excited*

 Soon! *smiles, feeling excited*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Road to TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon