Makalipas ng mga ilang oras at naghanda sila ng kanilang gamit upang makapaghanda at siyempre, para muling pumasada si Kevin at si Rolando ay muling pumasok sa kaniyang trabaho.
Naka-suot na ng pantalon si Kevin at pansamantalang ipinahiram ni Rolando ang grey niyang polo t-shirt. Fit naman iyon kay Kevin at mas lalo pang nangingibabaw ang kaniyang dibdib sa suot niya kahit ang isa sa butones ay nakabukas—dahil pakiramdam din ni Kevin hindi rin siya makakahinga kung sakaling isasarado niya pati ang butones nito, kaya hinayaan na lang niya itong unbottoned (hindi nakasara ang mga butones) ang kaniyang polo.
Samantala, nag-semi-formal muna ang naging suot ni Rolando. Yung naka-long sleeve na blue which is naka-tuck in sa kaniyang pantalon na itim, mayroong coat na itim (pero hindi niya muna susuotin iyon once nasa kasagsagan siya ng biyahe) at nag-suot ng brown na leather shoes at sabihin nating top sider iyon. Naging disente siya sa kaniyang suot at lalong ikinahanga ng husto ni Kevin ang kaniyang suot. Nangangarap na sana nakakapagsuot siya ng mga ganyang kasuotan. Pero hindi niya iyon nasabi ngunit sa kaniya isipan lang.
At siyempre, kaniya-kaniya sila ng ayos sa kanilang mga sarili lalo na sa kanilang mga buhok. At tapos nagpabango din silang pareho.
Siya nga pala, Si Kevin na rin ang nag-yaya na ihatid si Rolando sa lugar na kaniyang pinagtatrabahuan para hindi na siya mahirapan sa commute pagkatapos lang nila pumunta sa bahay nila Kevin para dalawin ang kaniyang mga anak, tapos siyempre dadaan muna sila sa botika para bumili saglit ng gamot para sa kaniyang Anak.
At dahil doon, sumang-ayon naman si Rolando. Siyempre, iniisip niya na kung magti-triple commute pa siya papunta lang sa kaniyang trabaho, medyo mahihirapan pa siya. At dahil sa alok ni Kevin, agad-agad naman niya tinanggap iyon.
Ilang sandali pa, Lumabas na silang dalawa sa bahay ni Rolando at kasalukuyang nasa harap sila ng gate dala-dala ang shoulder bag ni Rolando na itim. Pero bago ang lahat, tiniyak niya munang mabuti ang mga pinto, mga nakabukas na mga ilaw, ang tangke sa kusina, para hindi malapa ng apoy ang kaniyang bahay kasi wala siyang matitirahan... at mga bintana at mga pintuan, para hindi mapasukan ng mga kawatan. Especially ang lock ng gate, hindi niya rin pinalampas kaya locked din siya ng kandado.
“Haaay! Okay na ang lahat.” Buntong hininga na deklara ni Rolando, “Maghapon na naman akong nasa galaan.”
“Oo nga, Baby!” Pasang-ayon naman ni Kevin at tinungo nila ang taxi na mula nu’ng ito’y nakaparada sa garahe, ngayon ito ay inilabas niya sa tapat ng kanilang gate (at pinatay lang ang makina). “Pero mas malala naman ako.”
“Uy nga pala, Daddy Kevin.” Deklara pa ni Rolando habang binubuksan niya ang pinto ng Taxi at inalis ang bag na naka-sukbit sa kaniyang balikat at nang ito’y naka-harap sa kaniya, binuksan niya ang zipper nito at mayroong kinuhang nakabalot na paper bag. Tapos inilabas niya rin ito at iniabot kay Kevin. “’Wag ka po papalipas ng gutom sa biyahe, ah?” Paalala pa niya tapos isinara din niya ang kaniyang bag.
Kinuha naman ito ni Kevin ng pareho niyang mga kamay at sinilip ang loob, nang makita niya iyon, isang tupperware na mayroong laman na Carbonara at mayroong nakalagay na tinidor na naka-bukod ngunit nasa loob ng paper bag, “Uy, salamat, Baby, ha?” Paglugod pa niya.
“Wala ‘yun, Daddy.” Ngiting sambit ni Rolando. “Tara na, dalawin natin mga anak mo.”
“Talagang gusto mo rin makita yung bahay ko, ah?” Nakatinging sambit ni Kevin at nakangiti habang binubuksan pa rin ang taxi.
“Oo naman!” Pagbigay-diin ni Rolando. “Tsaka isa pa, maaga pa naman, eh.”
“Sige, pumasok na tayo sa loob.” Deklara din ni Kevin nang hilahin niya ang mga pinto ng sasakyan. “Habang ‘maaga pa’ nga.”
Tumango lang si Rolando at binuksan ang pinto kung saan ang passenger seat sa likod ng driver. Sa left side siya pumasok. At tapos inalis niya ang bag at tila parang pinaupo sa kaliwa niyang tabi.
Nakapasok na rin si Kevin sa loob ng sasakyan galing sa kaliwang side at isinara din ang pinto sa kaniyang tabi. Naroon ang manobela at ilang mga consoles na nakaharap sa kaniya at tila natatanaw din ang ilang dekorasyon na nakadikit sa mga gilid ng salamin ng sasakyan.
Nang isasara sana ni Rolando ang pinto ng sasakyan sa left side, “Dito ka sa tabi ko.” Deklara ni Kevin. “Huwag ka d’yan, hindi kita masyadong makikita.”
As in, seryoso? Sa lahat ng mga naging pasahero ni Kevin ay gusto niyang nasa harap at sa tabi niya si Rolando? Sa katunayan, hindi naman iyon ang inasahan ni Rolando na sa biyahe ay magkatabi na sila. Kaya ang pakiramdam ngayon ay parang lumulukso ang kaniyang damdamin sa tuwa at pagkasabik (excitement) kaya naman agad siyang bumaba ang sasakyan at isinara ang pintuan. Tapos umikot sa likod ng sasakyan tungo sa right side nito at hindi niya inakalang ipagbubukas pa siya ni Kevin. Kaya naman nang natanaw ang katawan ni Kevin na naka-upo at nakaabang ang kanang kamay nitong gustong lumapit sa kaniya. “Halika.”
Pumasok naman si Rolando sa loob ng sasakyan at kaninang nasa-passenger seat siya, nasa front seat na siya katabi ng driver seat.
“Seatbelt, Baby.” Biglaang deklara ni Kevin at ang malalim nitong tono, At hindi iyon ang inaasahan ni Rolando. Sa deklara ni Kevin, nakita niya naman ang nakabukas na seatbelt na magkahiwalay sa pagitan ng kaniyang inuupuan. Tapos ikinabit din niya iyon.
“So, wanna ride with me...” Nakatinging tanong ni Kevin kay Rolando at gumamit ng wikang Ingles dala ng malalim nitong boses habang naka-hawak pareho ang mga kamay niya sa Manobela. “Baby?” Padagdag pa niya. At si Rolando naman ay napatingin sa mukha ni Kevin dala ang mabighani niyang ngiti. Alam niyang weird sa pakiramdam kasi, alam naman niyang nakasakay na siya sa kaniyang sasakyan. Pero tila iba yung pakiramdam kapag kasama si Kevin. Parang gusto na niyang makasama ng buong-buo at kung maari huwag aalis sa kaniyang tabi.
“Yes, Daddy!” Nakangiting tugon ni Rolando.
Mabagal ni Rolando inilalapit ang kaniyang kaliwang kamay tungo sa tabi ni Kevin upang abutin ang kaniyang kamay, at nagawa naman niya iyon nang ibinitaw ni Kevin ang kanan niyang kamay mula sa manobela at hinawakan ang nakaabang kamay ni Rolando na tila magkahawak na ang kanilang mga kamay.
Ilang sandali, bumitaw din si Kevin sa pagkahawak at kusa ring inilayo ni Rolando ang kaniyang kamay palayo sa kaniya. Tapos, sinimulan nang paganahin ang makina ng sasakyan hanggang sa narinig niya ang mahinang ugong ng sasakyan at pakiramdam niyang medyo naalog ang kaniyang katawan dahil sa kaniyang ipagtatapat, unang beses pa lang siya nakakasakay sa front seat katabi ng driver seat kasi usually sa passenger seat siya umuupo. “Next time, Daddy, ako naman po yung sakyan ninyo.” Hindi man sinasadyang sabihin ni Rolando ngunit nasabi niya dahil nadala lang ito sa kung anong nararamdaman niya kay Kevin.
Sa ipagtatapat ni Rolando, kung sakaling mauulit muli ang nangyari sa kanila, nais naman niyang magpagalaw kay Kevin at handa na rin naman siya doon.
Napatawa lang si Kevin sa sinabi ni Rolando at pakiramdam ni Rolando medyo awkward siya sa kaniyang sinabi. Samantala, nang naipatakbo niya ang taxi na kanilang sinasakyan at iniikot ang manobela. “Haha! Sure, Baby!” Napahalikhik niyang sambit kahit naka-harap sa dinadaanan at patuloy sa pagmamaneho. Na ikinangiti naman ni Rolando at pakiramdam niya’y nawala ang awkward sa kaniyang nararamdaman.
“Dadalhin kita sa masarap na biyahe.”
Ang wakas...
BINABASA MO ANG
Road to Temptation
General Fiction[PG+18] FIRST TIME MEN-TO-MEN EXPERIENCE Ang kuwento na ito ay ipinukaw mula sa pamagat na 'Taxi Lead'. Isang kuwento ng isang Taxi Driver na nagngangalang 'Kevin' at ang pasahero naman ay si 'Rolando Martinez', ay hindi inaasahang nagkita sa tabi n...