Chapter 1

98 2 0
                                    

“Sir Nathan, may naghahanap po sa inyo sa baba *katok*, Kyla daw po pangalan, nililigawan niyo daw po siya, tapos pinapunta niyo daw po siya dito”

“Yaya, diba wala pa akong nililigawan sa buong buhay ko NGSB ‘tong alaga mo tas ngayon may nililigawan ako? Baka magnanakaw yan pinapasok niyo agad”

“Sir, papunta na po yung babae dito sa taas, hila-hila ng mga guard, sir”

“Ha? *bukas pinto*”

“Sir, nahuli po namin nilalagay yung baso ng juice sa bag niya pati yung platong pinagpatungan ng baso”

“Sabi ko sa inyo, magnanakaw yang pinapasok niyo”

“Sorry po, sir, di na po mauulit” *sabay-sabay  yumuko ang tatlo”

“Sige na, mag-aayos pa ako ng gamit”

Hi, I’m Nathaniel Gon Cruz, isang lalakeng pinagpala na nanggaling sa isang mayamang pamilya pero hindi masaya, oo nga’t may yaya, may driver, may kusinero, may hardinero at marami pang iba, pero wala naman akong kadugo sa bahay, kaya buti na lang may mga kaibigan akong kasama palagi sa lahat ng trip at kagaguhan ko sa buhay, hindi ako yung masyadong badboy na tulad ng ibang gwapong bida sa mga istorya, di ako yung nanliligaw ng sandamakmak para kahit papano may reserba, hindi ako yung two-timer na mahihiya na lang yung orasan kapag naglaro na sa pag-ibig, at hindi ako yung tipo ng tao na naniniwala sa LOVE AT FIRST SIGHT.

Papasok ako ng school kasi nanggaling ako sa labas, hindi kasi pwedeng lumabasako sa labas ng school, diba? 4th year high school na ako. Mag-aaral ako kasi gusto ko hindi dahil gusto ng mga magulang ako, kasi gusto ko pag nagkaanak kami ng magiging asawa ko, maging edukado tulad ko.

“Sir, ID niyo po?”

“Manong Guard naman oh, graduating na, di niyo pa ako kilala, anak ni Lawrence Cruz, remember?”

“Oo nga po pala, pasensya na po, Sir”

“Okay lang, Manong Guard…”

Makakalimutin na guard ditodapatpinapalitan, pero naghahanapbuhay tss. Sige wag na nga..

“Excuse me nga, nagmamadali lang”

May babaeng nagmamadali, uunahan pa akong pumasok..

“Ma’am, teka lang po, bago po kayo pumasok, ID niyo po?”

“Late Transferee, ako kuya Guard, kaya wala pa akong ID, Kakausapin pa ako nung Registrar para sa kulang kong mga requirements, kaya papasukin niyo na ako” sabi nung babaeng nagmamadali kasabay nung pagsasalita niya..

“Sige na, papasukin niyo na Manong Guard, Late Transferee naman pala” bait ko na naman

“Salamat, by the way I’m Tasha sige mauna na ako sa loob, nagmamadali kasi talaga ako”

“Sige, bye”

napangiti ako ng babaeng ‘to at di ko alam kung bakit, ano kayang year level nung Tasha na yun, at bakit siya biglaang napalipat dito sa school na ‘to,

“Nate, nate, tara bilis, may away dito, si Cass tsaka isang babaeng parang baguhan dito”

“Ano!? Babaeng baguhan?” Baka si Tasha.. “Saan ba yung away Cian?”

“Sa building bago yung, sa Registrar”

Si Tasha nga ‘to, naman oh, kabaguhan kaaway agad ni Cass..

“Cass!”

“Ikaw pala, Nate” masyadong maamo pag ako kausap

“Ang aga-aga, nanggugulo ka na naman, at sa bagong salta pa, ano bang problema?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Elepanteng Lumilipad (Isang patunay na Walang Forever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon