Pilot

0 0 0
                                    

Cara's POV

"Cara!" tawag ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko. Sinamaan ko agad siya ng tingin.

"Tsk. Ano ba ang ingay mo naman Eeraj kita mong minamanman ko siya oh!" pabulong na bulyaw ko sa kanya. Nag piece sing lang siya at hindi ko na siya pinansin.

"Pshhh. Sungit!" saad nito kaya naman pinatahimik ko na ulit siya. Nakakaasar talaga pag ito ang kasama eh.

"Ano bang tinitignan mo ha? Sino b— Ah! Ikaw si Cer—!" hindi ko na siya pinatapos dahil sobrang nakakairita talaga yung pagsigaw-sigaw niya.

"Shush! Ano ba sinabi kong wag kang maingay diba?" konti na lang talaga masasapak ko na tong babaeng to.

"Sorry naman Cara kasi naman siya ba yung sinasabi mong cr—?" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"Oo siya nga yun kaya wag kang maingay isa pa wag mong ipagkakalat kung hindi talagang malilintikan ka sakin!" banta ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Aba't!

"Okay okay sabi mo eh para namang natatakot ako sa pinagsasabi—." hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bigla kami nakarinig ng baritonong boses mula sa likod namin.

"The hell are you doing here in my place? Care to explain the both of you why your here in my place?!" galit na bulyaw samin ng sinusundan kong lalaki.

"Shit!" bulong ko at hindi alam kung anong gagawin ni hindi magawang lingunin siya.

"Cara..." natatakot na saad ni Eeraj habang mahigpit ang hawak sa aking braso.

Isip Cara! Isip! Wag kang magpagkabobo this time mag-isip ka ng paraan! Please. Biglang umilaw ang bumbilyang nasa ulo ko kahit wala naman sana lang tama at effective tong gagawin ko.

"Are you going to escape huh?" sabi nito at kahit na nakatalikod ako ramdam ko ang pagngisi niya mula sa likod ko. Ramdam ko din na mas lalong humigpit ang kapit ni Eeraj sakin.

Buong tapang kong hinarap siya kahit na halos lagutan na ako ng hininga. Shet! Bakit ang gwapo mong lalaki ka!

"H-hindi ah!" matapang kong usal kahit na sa totoo lang natatakot na ako.

Nako bahala na si batman!

"Eeraj takbo!" sigaw ko at nagtatakbo kami palayo sa kanya.

"You bitch comeback here or else your going to die in my place!" galit na sigaw nito samin at tumakbo din para habulin kami.

"Bilis! Bilis!" sigaw naming dalawa dahil ghad! Napakabilis pala nitong lalaking to. Baka patayin pa kami nito.

"MAMAAAAAAAAAA!"

I'm Inlove with this DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon