Chapter 1

0 0 0
                                    

Cara's POV

"Ano wala na ba siya? Hindi ba tayo nasundan ha? Baka nakasunod yun naku lagot tayo pagnagkat—!" hindi ko na ulit siya pinatapos dahil nakakairita na naman siya.

"Ano ba ang ingay mo pag tayo nahuli kasalanan mo!" angil ko sa kanya. Kasalukuyan kaming nagtatago sa isang makitid na eskinita. Sinisilip ko kung nakasunod ba siya o hindi?

"Naku naging kasalanan ko pa eh ikaw naman tong nagmamanman sa lalaking yun slash c—." hindi ko na agad siya pinatapos at agad na tinakpan ang nakaririnding bunganga niya.

"Shush! Sige pagkalat mo pa iiwan kita dito!" banta ko kaya naman tumahimik siya.

Bumalik ulit ako sa pagsilip para makita ko kung nasundan niya ba kami o hindi. Mahirap na baka mahuli niya pa kami. Maingat akong sumisilip baka kasi mamaya eh nandito lang pala siya sa tabi-tabi.

"Ano wala na ba? Wala na ha? Cara?" tanong ni Eeraj pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Ingay nito!" asik ko dito bunganga talaga ng babaeng to walang preno.

Nang makasiguro ay sinabihan ko ang kasama ko na lumabas na at umalis na kaagad.

Takbo ulit ang ginawa namin makaalis lang sa eskinita na to.

"Dito tayo dumaan!" sabi ko kaya naman agad kaming lumusot. Kung saan na kami nakalusot at parang nasa maze pa ata kami nakakapagod naman to hindi ba namin mahanap ang labasan.

"Ang sakit na ng paa ko wait lang Cara taympers lang!" sabi nito at bumitaw sakin at tumigil sa pagtakbo. Napahinto rin ako dahil hingal na hingal at pagod na rin naman ako.

"Tara na baka mahanap pa niya tayo." yaya ko na tinanguan lang niya. Nagbalik kami sa pagtakbo at hinanap ang daan palabas.

Mukhang naliligaw pa ata kami. Tsk. Kasalanan to ni Ce—. Arghh! Nakakainis talaga.

Nagkanda hilo-hilo na kami sa pagikot kung paano lalabas sa eskinita na to hanggang sa makita namin ang liwanag sa isang daan. Tinakbo lang namin yun at tuwang-tuwa kami ng biglang—

May lalaking nakatayo at nakangisi sa amin.

"Naku po sinasabi ko na nga ba eh!" asik ni Eeraj at nagtatakbo kami papasok ulit ng eskinita pero parang may mali.

Napatigil kami sa pagtakbo. Pareho kaming gulat na gulat. Hindi pwede to! Nakatayo siya at nakasandal sa isa sa mga pader na animoy model at nakatingin sa amin ng may ngisi.

"Tsk. I told you. You cannot escape from me..."

"KYAAAAAAAA!"

I'm Inlove with this DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon