Chapter 3

0 0 0
                                    

Cara's POV

Nagising ako sa isang malaki at kulay itim na kwarto. Puro black nasa impyerno na ba ako? Medyo sumasakit ang ulo ko at napasapo agad ako bigla.

"Aish! Ano ba to ang sakit naman ng ulo ko. Teka asan ba ako?" tanong ko sa sarili ko at tinignan ng mabuti ang buong paligid.

"Ano ba yan puro black siguro demonyo may-ari ng— Teka! Kwarto ba to?" tanong ko ulit sa sarili ko. Muntanga lang.

Lalo atang sasakit ang ulo ko sa nakikita ko puro black. Lahat itim. Pader kulay itim ganun din ang mga gamit pero ilaw lang ata ang naiiba.

Biglang may pumasok na scenario sa utak ko. Unting-unting nanlaki ang mata ko. Yung nangyari samin sa eskinita. Teka si Eeraj!

Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko pero bigla sumakit na naman ang ulo ko. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto na ikinagulat ko.

"F*ck! Sino ka? Lumayo ka sakin! Wag mo akong sasakt—!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makilala ang taong nasa harap ko ngayon.

Siya. Siya nga. Siya yung humatak sakin palayo kay Eeraj siya rin yung minamanmanan ko. Nag-uulap agad ang mga mata ko dahil sa mga nangyari. Sana makita ko pa si Eeraj.

Napaurong ako ng unting-unti siyang lumapit sakin. Natatakot ako sa kanya ang talim ng pagkakatitig niya parang papatay ng tao.

Isa-isang pumapatak ang mga luha sa pisngi ko habang nararamdaman ko ang mabigat na presensya niya. Mas natakot pa ako ng sumampa siya sa hinihigaan ko.

"Wag..." pagmamakaawa ko dahil natatakot ako sa kanya.

"Cara... Why your so beautiful..." he said in a seductive way. Wag niyang sabihin na...

"Your mine, your mine only... And be mine for TONIGHT." matigas na sambit nito na ikinatakot at dahilan ng pagtaas ng mga balahibo ko mula sa katawan ko.

Napahikbi na lang ako pumikit na lang ako. Ramdam ko ang paghawak niya sa magkabilaan kong balikat.

"Wag..." pagmamakaawa ko at hindi ko alam kung nakikinig siya. Pero parang hindi. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.

Hindi ko dinidilat ang mga mata ko. Hindi ko aakalain na ang minamanman ko ang magdadala sakin sa ganitong sitwasyon at nang dahil din sa pagmamanman ko eh nagkahiwalay kami ni Eeraj.

Eeraj tulungan mo ako...

"Cara..." nang dahil sa pagtawag niya ay napadilat ako at tinignan siya. Hindi ko alam pero parang nahihypnotise ako sa ginagawa niya. No! Hindi! Wag kang marupok! Makukuha niya ang v-card mo.

Pinilit kong iwasan ang mga titig niya pero hindi ko kaya. Parang nanghihigop ang mga mata niya ng natitirang enerhiya mula sa katawan ko.

BABAGSAK ANG BATAANNNNN!!!

I'm Inlove with this DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon