Chapter 2

0 0 0
                                    

Cara's POV

"Ah multooooo!" sigaw ng kasama ko habang tumatakbo kasi hinahabol na naman niya kami.

"Once I chase one of you I'm going to lock her in my house and never let her go to escape from me!" sigaw nito samin.

Hindi ko alam pero medyo kinilig ako pero syempre natatakot rin nuh.

"Masaya ka naman. Hala siya ikaw na dyan Cara!" natatawang sabi nito at tinutulak-tulak pa ako.

"Bwisit ka wag mo akong tulak-tulakin dahil naku baka ikaw ang matulak ko ng wala sa oras!" angil ko sa kanya pero tumawa lang siya habang tumatakbo kami.

Tinignan ko siya mula sa likod at jusko maaabutan na niya kami. Bakit naman kasi nag daya may gulong pa ata sapatos nito eh.

"Cara may gulong ata sapatos nito ang daya eh!" sabi nito na nakatingin din sa kanya.

"Kaya nga eh." pagsang-ayon ko sa sinabi dahil hutek baka nga may gulong to sa sapatos.

Dahil nga nakatingin ako sa kanya habang natakbo eh hindi ko nakita ang dinadaanan namin ayan natalisod tuloy ako at nauwi sa pagkadapa.

"Ay tanga sorry akin." bulong ko.

"Cara tayo mahahabol na niya tayo!" shit muntik ko ng makalimutan na may nang hahabol nga pala samin.

Medyo malayo ang distansya namin ngayon ni Eeraj dahil nga nadapa ako.

Bumagal ang takbo sa sakit na nararamdaman ko parang hindi ko na kakayanin kanina parin kasi kami nagtatatakbo kaya talagang baka mahuli niya ako.

"Cara bilisan mo nasa likod mo na siya!" sigaw sakin ni Eeraj kaya naman napatingin ako sa likod ko na pagkakamali pala.

"Gotcha!" sabi nito at hinila ang braso ko para mahatak niya ako.

"Cara!"

"Eeraj!"

Shit! Hindi pwede ngayon palang naiiyak na ako. Nagpupumiglas ako para lang makapunta ulit kay Eeraj pero masyado siyam malakas.

"Bitiwan mo ako!" naiiyak na sabi ko. Gusto ko ng bumalik kasama si Eeraj.

"Cara! Wag mo kunin bestfriend ko maawa ka kuya!" iyak na sigaw ni Eeraj mula sa malayo.

"Eeraj! Tulong!" sabi ko dito pero  biglang may humatak sa kanya.

"Bitiwan mo ako! Bitaw!" sabi ko sa humihila sakin pero tinawanan niya lang ako.

"Make me." usal nito at nginisian pa ako.

"Bitaw!" pagmamakaawa ko pero ayaw niyang bumitaw tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

Tinignan ko saglit si Eeraj pero hawak na rin siya ng isang lalaking may blue na buhok. Mahapdi at umiiyak din siya tulad ko.

"Eeraj!!!" sigaw ko dito pero wala kaming parehas na magawa masyado silang malakas kumpara samin.

"Cara!!! Babalikan kita!" nabuhayan ako sa sinabi niya. Tama lalakasan ko ang loob ko.

"Ako din Eeraj tandaan mo babalikan din kita." sabi ko at napahagulgol na lang ako at wala ng nagawa kundi ang magpahatak sa lalaking to. Nawawalan na din ako ng lakas.

May binubulong siya sakin pero hindi ko marinig at maintindihan. Di ko alam pero bigla na lang bumigat ang talukap ko. Unting-unti na pumipikit ang mga mata ko at dilim na lang ang nakikita ko pero ramdam kong may bumuhat sakin at narinig ko pa ang sinabi niya.

"I will never let you go... NEVER."

I'm Inlove with this DEMONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon