Prologo

34 1 0
                                    

ZERO

One hundred years ago...

"You sure about this, Lhar?" Napabuntong hininga siya at mabilis na napatingin sa akin. "Oo," maikling sagot nito.

Kinakabahan man ay umalis ako saglit do'n madilim na kwartong yun para makasinghap ng kaunting hangin. I am afraid for what they're planning to do with the gems. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan pa ba yung mga taong nasa paligid ko dito.

If I have that strong power to stop them.

"Why are you still here?" Napalingon ako bigla sa'king likuran when I heard that voice. Ang pinakakinaiinisan kung boses sa lahat.

"Wala ka na dun," walang gana kung sambit sa kanya. I know na rude na kung rude pero ayoko lang makipag-plastikan sa mga taong ayokong makisalamuha.

"Bitch," I heard her murmured. "By the way, hinahanap ka na dun ni Lhar dahil magsisimula na ang Caelunm."

No. Kailangan ba talaga naming gawin 'to?

"Kailangan ba talaga nating gawin 'to? What if hindi mag success? What if mas lalo pa pala nating pinapalaki ang gulo?"

She stares at me blanky. "You know what? Kung yan lang din naman pala yang pino'problema mo; bakit ka pa sumali sa amin in the first place? If I were you, just shut up your mouth and just go with the flow. Can't you see?! Sa gagawin na'ting 'to magiging maayos yung pamumuhay ng mga nilalang na nandito!"

She has a point. Masyado lang ako napa'paranoid na baka—na baka sa gagawin naming 'to, mapapahamak lamang ang lahat. Hindi lamang kami ang mapapahamak pati na rin ang iba't-ibang mga nilalang na naninirahan sa iba't-ibang dimensyon.

"Trust us, B. Trust the power of Morxis, dahil sa pamamagitan nito; we can change the future of our world."

"We can change the future of our world."

Kaya ba talaga nitong baguhin ang hinaharap?

"Sana lang... sana."

MorxisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon