ONE
Alfea's City...
"Shafaya!" Mabilis akong naglakad patungo sa pwesto kung saan si Cola nang masilayan siya sa isang tindahan habang katabi niya si Alomene na isa pa naming kaibigan.
Agad akong nagbeso sa kanilang dalawa nang makarating na'ko mismo sa harapan nila at mabilis silang pinameywangan. "Ba't 'di niyo man lang ako hinintay sa casa?"
Akmang sasagot na sana si Alomene nang bigla siyang siniko ni Cola. Seriously? May tinatago ba sila sa'kin?
"Ah—eh... may pinuntahan lang kasi kami kanina, right, Alomene?" Mabilis namang napatango ito bilang sang-ayon at umiwas ng tingin. Really?
"I can sense na meron kayong tinatagong dalawa." I saw how their faces turned into pale. "C'mmon guys, we're friends, right? Just tell me kung anumang bagay yun."
"Sorry, Sha, pero importante kasi iyon e," si Alomene.
Okay fine! Kung ayaw sabihin, edi wag pilitin. Basta malalaman ko rin 'yan soon.
"Tara na, baka ma'late pa tayo sa gagawin natin ngayon." Inunahan ko na sila sa paglalakad.
I took a look at my wristwatch, malapit na pala ang takdang oras na dapat naming gawin ang mga bagay na yun. All I want right now is to rest pero 'di ko naman magawa-gawa dahil meron pa'kong trabahong dapat tapusin.
"Hay buhay... kung pwede ko lang sanang baguhin ang lahat, sana'y nabago ko na pero papaano ko naman mababago kung sa una palang masyado ng komplikado ang buhay ko?"
Meanwhile...
"Did you see the target?" tanong ko sa ka'partner ko habang tinitignan niya ang babaeng target namin ngayon through to her micros.
"Yup!" maligalig nitong sagot.
Napahugot naman ako ng hangin at mabilis itong ibinuga. Mabuti naman dahil sa ilang oras ng pagmamatyag namin sa babaeng target naming yun ay ngayon lang talaga kami nakahanap ng time upang sundan siya kung saan man niya balak pumunta.
"But Bliss..." Napataas ako ng kilay. "Mukhang may iwe'welcome—" Binalik niya ulit yung tingin sa micros at sa akin. "—pa tayo..."
"Don't tell me na nandito rin sila?" hindi makapaniwalang-tanong ko sa kanya. Alinlangan naman siyang napatango sa akin at halos mapamura ako dahil lintek lang talaga, pati ba naman dito 'di parin kami tinatantanan ng mga kalaban na yan?!
Mabilis akong kumuha ng mga kakailanganin sa malaking bag kung sakaling mapalaban ako at mabilis na tumalon sa isang mataas na gusali. Narinig ko pang tinatawag ako ni Elka but I just ignored her. Wala ng time at kailangan na naming iturok 'tong bagay na 'to sa kanya bago pa kami maunahan ng mga pisteng ipis na demonyong nais iturok din sa babae ang kaparehong likidong capsula nang gaya ng sa akin.
Saktong pagka'landing ko sa ibaba ay saktong ding lumabas yung mga ipis na mga nilalang habang nakangisi pa. Putakte naman, 'oh! Ba't ampapangit nila?!
"Hoy ikaw!" Duro sa akin nung ipis na mataba na parang kalabaw. "Bakit ka nandito, ha?!"
"Malamang uunahan kayo sa gagawin niyo," pabalang kung singhal na sagot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Morxis
FantasyBecause of a one mistake, Shafaya has a Morxis. Morxis, it's a liquid capsule that can give you a magic power when you inject it to a human body.