THREE
Kanina pa ako banas na banas dito sa bed ko habang nakatingin kay Haven na patuloy parin sa kakadaldal like dude, almost 3 hours and half na ata siyang nagsasalita nang walang para.
"Pero alam mo ba Shafa?" Bored ko siyang tinignan. "Ano?"
"Sabi nila nakakatakot daw dito kapag hatinggabi na lalo na yung tinatawag nilang Death Woods."
"Death Woods? Nandito ba yan sa loob ng Grim?" interesado kung tanong. Medyo interesting na kasi yung topic nitong si Haven ngayon kaya napukaw niya yung atensyon ko.
Napaisip siya bigla. "Sabi nila, oo, nandito raw sa loob. Medyo nakalimutan ko na kung saan talaga banda sa Grim basta nandito daw sa loob ng school at ipinagbabawal na pumunta dun."
"Pero ba't nakakatakot dun?"
"Based on what I heard, marami daw mga monsters, black witches and of course, nandun din yung mga enemies nating mga Blackis," she answered.
"Blackis?"
"Mga katulad din natin na merong Morxis but they use their power to harm others and create darkness around this world," Haven explained.
Woah! Meron din pala ditong tawag sa kanila like akala ko lang sa mga movies mangyayari 'to? Meron pala sa totoong buhay.
"But... they're usually a shadow forms at kaya rin nilang mag shift into monsters or tao katulad natin."
About dun sa nangyari sa Alfea City. Yung sa shadows naming tatlo. Ngayon alam ko na kung bakit nawala yung mga anino namin that time.
"At alam mo bang merong isang Gainex na nakapunta sa loob ng Death Woods?" Napatanga ako. Akala ko ba ipinagbabawal pumunta dun?
"Seriously? Diba bawal pumunta dun?" Bigla akong napaupo.
"Yun na nga e, bawal nga. And yup! She broke the rules at ang masama pa ay dahil sa pagpunta niya dun sa Death Woods..." Napatigil siya at tinignan ang buong silid. "Di na siya ulit nakabalik."
MAAGA akong nagising kinaumagahan. This day will be fine for me as long as 'di ako mapa'trouble sa first day of school ko. As long na nandito ako sa loob ng Grim, kailangan kung mag-ingat dahil nga isa lang namang pagkakamali yung pagturok sa'kin nung Morxis at baka mamaya, wala pala akong magic power, right? So mahirap na.
Tinignan ko si Haven na natutulog parin sa kama niya at napailing na lang. Wala ata sa plano nitong babae na 'to na bumangon sa kama niya at tulog na tulog parin. Bahala na siya dyan, tutal malaki naman siya kaya, kaya na niya yung sarili niya.
Cafeteria...
Nandito ako sa loob ng Cafeteria habang kumakain ng pancakes. Gosh! Nakakamiss din palang kumain nito, mabuti na lang talaga merong akong isang student na napagtanungan kung saan yung papuntang Cafeteria.
In fairness, parang restaurant lang din 'tong loob ng Cafeteria nila dito. Merong nag a'assist sa'yo sa loob at merong kumukuha ng mga orders mo. Typical restaurant theme.
"Oh my geee! The Phantom X is here!" rinig kung tili nung isang babae; katabi ng table ko.
"Finally! Makikita ko rin sila personally! Usually kasi nakikita ko lang sila through t-board kaya I'm so excited to see them!" tili rin nung kasama niyang babae.
BINABASA MO ANG
Morxis
FantasyBecause of a one mistake, Shafaya has a Morxis. Morxis, it's a liquid capsule that can give you a magic power when you inject it to a human body.