EXO'S POV;
"Hey baek ang laki pala talaga ng bahay nyo noh, saka ang ganda dito sa probinsya ang sariwa ng hangin kahit sobrang lamig" wika ni kris habang binababa nila yung ibang gamit sa van nila.
"Yah,at hindi parin nagbabago toh,ito parin yung probinsyang pinaglakihan ko, hmm siguro may kunting changes pero ang ganda parin" saad din ni baekhyun habang pinagmamasdan ang paligid. At saka tumulong narin sya sa pagbaba ng mga gamit, halos ilang buwan rin silang mananatili dito para magpahinga.
"Sana naman matahimik muna ang mundo natin dito noh, nakakapagod ng magtago ng magtago, except sa mga concert at fansign natin." Habang buhat buhat ni Kris at papasok na sa loob ng bahay.
"Wag kang mag alala hyung ligtas tayo dito, saka mag eenjoy tayo dito,lalo na ako" at tuluyan na silang pumasok sa bahay, bumalandra naman sa kanila ang tatlong tulog na lalaki.
"Patay naba sila? Bat hanggang ngayon hindi parin sila gising?" Tanong ni kris habang binababa ang mga gamit. Maglilinis kasi sila ngayon at silang dalawa lamang ang nagising.
"Hindi, mga tulog mantika lang yan" wika naman ni baekhyun saka binaba rin ang mga buhat nyang gamit at lumapit sa tatlong tulog at pinaghahampas ito ng unan. "Hey gising na it's already morning na, wake up hey" saka sya naupo sa sofa.
"Hmm anong oras naba hyung?" Tanong ni sehun habang kinukusot kusot ang mata pa nito na parang bata.
"Nakakaantok pa 5 mins pls." Pakiusap ni kyungsoo habang nakadapa pa at ninanamnam pa ang higaan nya.
"Hey kyungsoo wake up na maglilinis tayo ngayon" wika naman ni kris at tinapik tapik pa ang balikat ni kyungsoo.
"Hey kuya lay wake up, umaga na" pagyuyugyog naman ni Sehun kay lay pero hilik lang ang naririnig nila mula dito, kaya hinugot na ni sehun ang kumot nito at niyugyog ulit ito.
" Inaantok pa ako, gusto ko pa matulog" sagot nito saka hinila ulit pabalik ang kumot.
"Chanyeol wake up umaga na" sabay hagis ng unan kay chanyeol na nakanganga pa at tulog na tulog din.
"Hey hyung wake up,we need to clean this house." Wika naman ni baek at tumayo na para maligo.
Yhuna's POV;
"Yhuna uuwi na daw dito ang pinsan mong si kairo" panimula ni mama habang kumakain kami.
"Kelan daw ma?" Tanong ko rito saka sinubo na ang pagkain.
"Mamayang gabi daw andito na sya sabi ni Imelda (kapatid ng mama ni yhuna) kaya ihanda mo na ang kwarto nya" napatango tango nalang ako sa sinasabi ni mama, well masaya naman ako kasi dadating na ang bakla kong pinsan, actually hindi alam nila mama na bakla si insan it's a secret you know.
"Pero bago yun yhuna, may binake ako dun na cake, ideliver mo muna dyan sa mansion ni Donya Tilda ahh" pag uutos naman nito, hays never pa ako nakapasok sa mansion na yun ngayon pa lang.
"Ok po ma" saka kami kumain ng kumain, at ng matapos kami kumain ni mama niligpit ko na ito at naglinis na ng kwarto ko saka nag ayos na sarili dahil mag dadala daw ako ng cake sa kabila. Pero teka sino kaya yung nakatira dun sa mansion na yun noh, at bakit dun nila naisipang tumira ang creepy kaya.
"Yhuna pagtapos mo dyan ideliver mo na tong cakes ahh" sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto, tapos naman ako mag ayos, natatakot lang talaga ako. Paanu kung pagpasok ko dun sa mansion sumalubong sa akin puro matatandang lalaki tas papasukin nila ako sa loob tas magugustuhan nila tapos ---- oh my ghad erase erase erase hindi naman siguro. Pero panu kung puro binata yun na kasing edad ko pero mga sindikato sila tas papasukin nila ako sa loob at saka nila ako papatayin at kukunin mga lamang loob ko tas ibebenta nila edi na deads na ako waaahhhh erase erase erase ano ba yang iniisip mo yhuna.
"Kaya ko toh" pag che-cheer up ko sa sarili ko saka tinuruan naman ako ni kairo ng karate edi magagamit ko yun sa kanila. Tama tama I'm strong woman you know. Sana lang talaga.
"Mama alis na po ako" sigaw ko saka naglakad na papunta sa kabilang bahay, grabe ang creepy talaga nito hays kinakabahan ako.
"Tao po! Tao po!" Sigaw at katok ko dito, bakit ba kasi walang doorbell dito my ghad ang laki laki ng mansion pero walang doorbell. Sabagay ano nga naman ang aasahan ko ehh mukhang makaluma na tong bahay na toh
"Tao po!" Katok ko ulit,at sa pagkakataon na yun ay biglang umawang ang pinto nito, it means bukas pero nasan ang tao? Unti unti ko tong binuksan at ng sa tantya ko na kasya na ako ay agad akong pumasok.
"Wow ang laki" manghang saad ko dito, medyo creepy sya sa labas pero pagdating dito sa loob ang ganda ng style. Makaluma sya pero ang ganda sa mata. Habang sinusulyapan ko bawat detalye ng bahay na toh di ko namalayan na nakapunta na pala ako dito sa kusina kaya pinatong ko na tong box na naglalaman ng cake sa lamesa,aalis na sana ako kaso nasinghot ko ang bango at sarap naman ng cake na toh.
"Ang bango naman" bulong ko sa sarili ko, bubuksan ko kaya to at tikman ko, kaso baka naman magalit sa akin yung nagpa deliver nito pero ang bango talaga syet, isang tikim lang naman eh just one slice lang. Binuksan ko ang box at hindi nga ako nagkamali ang sarap nga ng cake na to kasi chocolate to mygashhh nakakapang laway, agad kong kinuha ang kutsilyo at nag hiwa. Agad ko namang tong tinikman my gash ang sarap talaga.
"Hmmm sharap nwaman nyito" wika ko habang punong puno ang bibig ko ng cake, agad naman akong naubo at nabilaukan kaya hinanap ko ang ref at kumuha ng tubig kaso habang umiinom ako nagulat ako sa nakita kong papalapit sa akin si Chanyeol? Sehun? Kyungsoo? Kris? Lay? At ang nasa harapan ko ngayon si BAEKHYUN??? na nabugahan ko ng tubig galing sa bibig ko. Uh-oh so bad.
------------
Hey guys bitin diba? Hahahahaha wala lang trip ko lang i hope magustuhan nyo toh mwaps.
YOU ARE READING
EXO'S MAID
RomanceSo yun guys pag nabasa nyo to I'm sure makilala nyo toh kaagad kasi hango to sa EXO. Actually alam na alam nyo toh as in kasi yung daloy ng kwento kinuha ko lang dun kaso may konting twist lang naman. Binago ko yung story ng slight lang pero ito par...