Yhuna PoV;
"My ghaddd bess is this real? O nanaginip lang ako?" Napangiwi nalang ako ng dumapo na naman ang kamay nya sa braso ko for the 10th times,hays grabe namumula na siguro toh, dapat kasi di ko na sinabi sa kanya eh kaso magkaibigan kami at I'm sure pag hindi ko ito sinabi at nalaman nya, isang buwan nya ako hindi papansinin o kaya isang taon. Ganyan sya kabaliw kaya bihira ko lang awayin yang babae na yan
"Clarrise gusto mo sampalin kitang mag asawang sampal? Para naman magtigil kana sa kakatanong mo?" Wika ko dito. Nakakatulala lang akong nakatitig sa kawalan habang nakaupo dito sa sofa gusto ko rin sana mag sight seeing katulad ni Clarrise kaso pag naalala ko yung ginawa ko kanina namumula nalang bigla ang mukha ko sa kahihiyan. Parang ayoko na nga lumabas ehh.
"Ehh sorry na pero shet bheeee ang gwapo nila talaga lalong lalo na yung asawa ko ghaddd gusto ko na syang tikman" nagwawala parin sya hanggang ngayon kaya nakisilip narin ako at nakita kong nakaupo si lay at kris sa sofa mukhang nag uusap ang dalawa, nag cecellphone naman si d.o at chanyeol habang si sehun ayun tulala sa kawalan. Gusto kong matawa sa mukha nya kahit mukha syang timang ang gwapo nya parin. Ito namang si clarrise titig na titig parin sa mukha ni lay,hindi na ata to kumukurap eh.
"Wag na kaya ako umuwi,dito nalang ako matulog tas magdamag ko silang titigan" kinikilig na wika ni clarrise tinignan ko naman sya saka ako napangiwi, pero hindi nya yun nakita kasi kilig na kilig pa rin sya kay lay.
"Hoy Clarrise" gulat kaming napaupo ni clarrise sa sofa ng maayos ng biglang pumasok si mama sa kwarto ko kaya agad naming tinago ang telescope sa likuran namin. "Anong hindi ka uuwi,saka anong oras na bat andito kapa ha? Hinahanap kana senyo eh" sermon ni mama habang nakatingin sa amin.
"At ikaw yhuna ano ba ginagawa nyo ni Clarrise ha,may ginagawa ba kayong kalokohan ha??" Napailing naman ako ng mabilis sa tanong ni mama, di ko pwede sabihin sa kanya na pinagpapantasyahan namin ang bago lipat naming kapitbahay.
"Ahh tita sige po uwi na po ako" pagpapaalam ni Clarrise sabay labas ng kwarto at si mama ay naiwan dito habang sinusuri ako ng mata.
"Mama, wala nga akong ginagawa! Dun kana sa labas maglilinis ako ng kwarto ko" pagmamaktol ko,hindi ko kasi kaya ang titig ni mama.
"Siguraduhin mo lang yhuna ahh, kundi makakatikim ka sa akin" pagbabanta ni mama saka lumabas ng kwarto, kaya napahinga nalang ako ng maluwag at pumunta sa harapan ng higaan ko,akala ko nakaalis ni si mama pero bigla itong sumilip sa pintuan ko.
"Pagtapos mo dyan bumaba kana agad malapit na si kairo" saka sya tuluyan ng umalis dahil nadinig ko ang paa nya na palayo at pababa ng hagdan.
"Hays kapagod,pero pakingsiomai nakakahiya parin ang ginawa ko kay baekhyun" nakanguso kong wika sa isip ko habang inaayos ang mga gamit ko ito sa kwarto. 'sana hindi ko na sila makasalubong bukas' saka ako nagbuntong hininga ulit at tuluyan ng inayos ang higaan ko.
EXO POV;
"Hey hyung kilala mo ba yung babae kanina na yun? Grabe " natatawang wika ni sehun habang pinaglalaruan ang teddy bear na aso, hindi nya kasi dinala si VIVI sa bakasyon kaya yung laruan nalang ang nilalaro nya.
"Pfft,lakas ng loob nun. Pero baekhyun kilala mo yun?" Tanong ni Chanyeol sa kanya,habang katabi si Kris na nanunuod sa cellphone.
"Hmm oo kilalang kilala ko" sagot naman ni Baekhyun habang may tinitignan sa papel. Napahinto naman ang lima sa ginagawa nila at tinignan si baekhyun.
"Really? Sino sya? " Tanong ni lay na nakadapa sa sofa.
"Oo nga baekhyun sino sya, para ang cute nya" wika naman ni kris habang nakatutok sa cellphon na pinapanuod nila ni Chanyeol.
"She's my---" naputol ang sasabihin nya ng biglang dumating si D.O galing sa kusina.
"Guys kain na tapos na ako magluto" wika ni D.O kaya nagtayuan naman sila.
"Yown sakto hyung gutom na ako" saad ni sehun at hinimas himas pa ang tiyan.
"Masarap na naman ang kakainin ko" halos pakantang wika ni lay,kaya napailing nalang si D.O
"Tara na dyo kain na tayo nagugutom na rin ako" aya ni Chanyeol kaya naglakad na rin si D.O papuntang kusina.
" Oh baekhyun bat di kapa tumatayo?" Tanong ni kris na nakatayo na at handa ng lumakad papuntang kusina.
"Cge susunod ako senyo may ilalagay lang ako sa kwarto ko" matapos sabihin ni baekhyun yun ay nagmartsa na si kris papuntang kusina kaya naiwan si baekhyun mag isa sa sala at nakita nyang naka bukas ang kurtina ng bintana nya kaya agad syang sumilip dito at dun nya nakita ang isang bahay na kitang kita ang kwarto dahil nakabukas ang bintana at nakahawi ang kurtina. Isang ngiti ang sumilay sa mata nya.
"Red cheek girl" tanging lumabas sa bibig nya at pumunta na rin sa kusina.
YHUNA POV:
Makaraan ang ilang oras ay nakakain na kami,at nandito narin ang magaling kong pinsan para magbakasyon ng 2 buwan. At ngayon andito ako sa kwarto nya dahil tinulungan ko sya magligpit ng higaan nya
"Hoy shokla ang dami kong chika sayo owemjiii ang daming yummy ang nakasaluha ko, kaso bukas ko nalang ichichika nakakapagod ang byahe eh" halos mapangiwi naman ako sa mga sinasabi nya ang gandang lalaki pero kapwa lalaki rin ang hanap nya shocks.
"Cge matulog kana dyan, bukas nalang tayo mag usap about sa mga kagagahan mo sa inyo" at saka ako tumayo sa higaan nya, at nagmartsa papalabas ng kwarto.
"Goodnight bakla" wika nito bago ako makalabas ng kwarto kaya nag goodnight nalang din ako pabalik, kapagod ang araw na nangyari sa akin ngayon,hindi ko kinaya. Ng makarating ako sa kwarto ko pabagsak akong humilata sa higaan ko, ang daming tumatakbo sa utak ko,sobrang gulo grabe.
"E-X-O uggghhh bat ko ba kasi ginawa yunnnn" saka ako nagpagulong gulong sa higaan ko,kaso ending nalaglag lang ako. Tatayo na sana ako pabalik sa kama ko nung dumako ang mata ko sa bintana at kitang kita ko dun ang EXO members na nagkukulitan ata sila kaya agad kong kinuha ang telescope kong maliit at tinitigan nalang sila.
Shet napakagwapo nila D.O at chanyeol, arrgghh sino kaya kausap nila potek si Lay ba yun? Ghad Bakit? Bakit Kris nang aakit ay charrot. Shemay kanin nalang ata kulang at mabubusog na ako. Kung panaginip lang to, pls Don't stop HAHAHA lande ko myghaddd namumula na naman ako pero wapakels ulam na to eh. Hindi ako makahinga sa sobrang kilig ko kaya tumayo muna ako at exhale inhale, exhale inhale whoaah titig na ulit. Halos malaglag ako sa kinauupuan ko sa nakita si
"S-si Kris at C-chanyeol? Magkapatong? Shit?"
-----------------
Uwuuuu nagbabalik ang tamad ng author hi guyssss
YOU ARE READING
EXO'S MAID
RomanceSo yun guys pag nabasa nyo to I'm sure makilala nyo toh kaagad kasi hango to sa EXO. Actually alam na alam nyo toh as in kasi yung daloy ng kwento kinuha ko lang dun kaso may konting twist lang naman. Binago ko yung story ng slight lang pero ito par...